BumalikHeart Pov.
Sa sobrang kahihiyan ang naramdaman ko sa mga oras na iyon ay mabilis ako umalis sa classroom ng hindi lumilingon sa kanya. Tsaka yung puso ko nakikisabay sa kahihiyan na dinanas ko. Mali yata ang pagpupursige ko para makapunta lang sa section na iyon. Hindi ako welcome at...ganun pala ang ugali nila ng mga tao sa classroom na iyon.
May mga laman nga utak nila pero pagdating sa ugali...mas masahol pa sa taong bobo. Hay buhay nga naman.
Di ko tuloy alam kung saan ako pupunta..kung umuwi muna kaya ako? Pero kung tatakas ako ngayon eh kailangan ko parin naman harapin ito bukas.
"Gosh Heart! Ano bang nagawa mo?" tanong ko sa sarili ko.
Nang mapagod ako sa paglalakad ay naisipan ko umupo sa unang bench na nakita ko. Buti napadaan pa ako sa canteen kaya nakabili pa ako ng tubig.
"Heart."
Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Niko. Napapikit tuloy ako ng mariin bago nag-angat ng tingin sa kanya. Papagalitan ko nga sana pero pagkakita ko palang sa mukha niya ay labis ang gulat ko.
Wala akong sinayang na oras at lumapit sa kanya. " T-teka anong nangyari diyan sa mukha mo?"
Dumudugo kasi sa gilid ng labi niya. Imposible naman nakipag-away siya kay Zach?
Binaliwala ko saglit ang mga naisip ko at pinaupo si Niko sa bench. Binigay ko rin sa kanya yung tubig na binili ko sa canteen. Buti nalang at medyo malamig pa iyon.
"Ano bang nangyari? Huwag mo sabihin nakipagsuntok ka pa kay Zach?"
Napatitig ako sa kanya ng hindi siya makatingin sa'kin. Huminga ako ng malalim at pilit ko hinahabol ang paningin niya. He know that I don't like it. Mas ayoko rin kung hindi siya titingin ng diretsyo sa mga mata ko. Matalik ko ng siyang kaibigan simula ng bata pa kami kaya alam na alam ko kapag may nagawa siya na hindi ko magugustuhan.
Mabilis siya napayuko.
"Bumalik ka na kasi..di ka naman nababagay sa classroom na iyon." sambit niya.
Kinagat ko saglit ang labi bago ko hinawakan sa magkabilang pisngi ni Niko at inangat ang mukha sa sa'kin. Nagtama ang paningin namin dalawa at nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata niya. Nginitian ko siya.
"Dalawang buwan.." bahagyang kumunot ang noo niya. "- hinatayin mo matapos iyon at babalik ako sa classroom."
Napailing siya at hindi naintindihan ang ibig ko sabihin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Dalawang buwan? Seryoso ka ba..e.. Halos lahat sila doon di ka tanggap kaya paano ka makakatagal doon?"
"Yun na nga eh... Yung ang dahilan ko para magstay pa sa classroom na iyon para ipakita sa kanila na may ibabat-bat din ako. Watch me Nikolai."
Sumimangot siya at inis na ginulo ang buhok ko. " Pasaway ka paano kita mapapanood kung iba naman classroom ko? Ano ba ginawa mo at napapunta ka sa classroom na iyon?"
Napataas ang kilay ko sabay sabing sikret! Pagkatapos ng seryosong usapan... Nakita ko nalang ang sarili ko tumatawa kasama si Niko. Ang tagal na rin kasi simula ng tumawa kami ng ganito. Tsaka ayoko rin magpatalo sa section na iyon. Lalong-lalo na kay Zach, gusto ko ipakita sa kanya ng may ipagmamalaki ako at mali ang tingin nila sa amin nasa mababa na section lang.
Gusto kong ipasupalpal sa kanila lahat na kung anong kaya nilang gawin ay kaya ko rin basta may tiyaga at sikap dahil alam ko iyon ang magiging laban ko sa kanila.
Hinintay pa namin matapos ang isang subject bago kami pumasok sa sariling classroom ni Niko.
"Call my name and I'll be there." sambit niya bago ako pumasok sa classroom.
Napailing nalang tuloy ako sa pagpasok at hindi ininda ang mga masusuring mata nakatingin sa'kin. Umiirap nga ako sa isip ko. Kaya imbes na ma-stress ay tumungin ako sa gawa ni Zach na nahuli ko pa nakatingin sa kanya. Mabilis ko tinaas ang kamay ko at kumaway pero naiwan sa ere ang kamay ko ng makita ko rin may pasa sa bandang pisngi si Zach.
O my! Anong nangyari sa maganda mong mukha?
Tinakbo ko na ang distansya namin dalawa para pumunta sa harap ni Zach.
"Zach anong nangyari sa maganda mong mukha?"
"Tsk." inirapan niya lang ako.
Hahawakan ko sana ang mukha niya pero iniwas niya lang. Suminghap ako sa ginawa niya at umupo na mismo sa harapan niya.
"Sige na sabihin mo na kung anong nangyari sa mukha mo."
"Tanong mo kaya sa cheap mong kaibigan?"
Tumingin ako sa gawi ni Fayle ng bigla-bigla nalang sumasabat. Ngumiti ako ng mapakla at inirap siya.
"Nagsalita ang baho naman ng hininga." bulong ko pero di ko alam at bilib rin ako kay Fayle dahil nagawa niya pang marinig ang sinabi ko samantalang ang layo layo ko sa kanya.
"What did you say!"
"Bakit may sinabi ba ako?"
"Of course. Magrereklamo ba ako kung wala kang sinabi? Idiot!"
Lumaki ang taenga ko sa sinabi niya. Matalim ko siya tinitigan at pilit ko pinapahinahon ang sarili. Ayoko magwala at baka maturn off pa sa'kin si Zach ko.
Mabilis ko nilingunan si Zach ng bigla siya tumayo at naglakad palabas ng classroom.
Kinabahan agad ako sa di malamang dahilan.
Hindi ako nagsayang ng oras at sinundan ko siya. Buti nalang nakita ko palang papaliko kaya mabilis ko tinakbo iyon at pilit siya hinabol.
"Teka Zach! Ayos ka lang ba? Si Niko ba ang may gawa niyan?" tanong ko.
Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa paglakad. Hinabahol ko pa ang hininga ko ng humarap sa kanya. Konti lang ang natirang distansya sa amin kaya halos tingalain ko na siya.
Ang liit ko talaga huhu!
"Just go back."
Huh? Anong just go back? Pinapabalik niya ba ako sa dati kong pinanggalingan?
Matigas ako umiling.
"Ayoko nga! Sayang ang pinaghirapan ko para papunta lang sa section mo para mapalapit rin ako sa'yo tapos papabalikin mo'ko? No way!" angal ko.
Nag-crossed arm pa ako sa harapan niya at di ko alam kung namamalikmata lang ako. Nakita ko kasi kung papaano umangat ang gilid ng labi niya pero sa isang kislap mata bumalik muli sa dating seryosong mukha.
"Stupid. Just go back to our classroom and I will going in the canteen.."
Na-aahh na lang ako at napakamot ng batok sa kanya. Di ko tuloy napigilan tumawa sa harapan niya.
"Ganoon ba? Haha..sensya na tao lang. Sige balik na ako sa classroom.. Bumalik ka agad ah?" ngumiti ako ng matamis sa kanya at saglit nakipagtitigan.
Nang makontento ako sa walang emosyon niya at kumiripas ako ng takbo at bumalik sa classroom na hindi pinapansin ang matatalim na titig ng classmate ko.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."