Simula

403 1 0
                                    


"Hoy, Heart malalate na tayo sa next subject natin! Ano ba ginagawa mo dyan?"

Tinakpan ko ang taenga ko para hindi marinig ang mga pinagsasabi niya. Wala akong pakialam kung ma-late ako basta makita ko lang siya maglaro. Hihi.. Hindi ko maiwasan kiligin. >.<

Bahagya akong nagtatago sa pintuan ng gym namin habang pasimpleng sumisilip sa loob. Halos ngumanga ako ng makita kung paano niya nahulog yung bola sa ring.

Wala sa sariling napalakpak ako. Ang galing niya! Nakakabilib! Hihi...sa tuwing hinuhulog niya ang bola ay siyang unti-unti kong pagkalunod sa kanya..

"Eh, kung si Niko nalang kaya ang pantasyahan mo? Hindi yan si Zachary na yan no?"

Napanguso ko at inis nilingunan si Ivy. Tumaas ang kilay niya ng makita ang masasamang tingin ko. Ano bang problema niya kay Zach ko? Palagi nalang niya sinisiraan si Zach eh..wala naman ginagawa sa kanya yung tao eh..

"Ayoko nga!" bulyaw ko sakanya.

" Anong ayaw mo? Eh, best friend mo na siya ah? Anong problema duon.. You're lucky to have him nga e.."

" you're lucky to have him e~~~~.." I mockingly. Umirap ako sa kanya at sumilip muli kay Zach.

Naabutan ko sila nagpapahinga kaya mabilis ko nilibot ang paningin ko sa buong paligid. Halos nadismaya ako ng hindi ko na siya makita.

Saan naman kaya pumunta ang destiny ko?

Sa mga oras kasi nito ay Pe time nila samantalang kami ay Math time pero hindi agad ako umattend dahil gusto ko ulit masilayan ang galing niya sa paglalaro sa basketball na siyang kinabaliwan ko sa kanya.

Ang masama lang ay hindi kami magkaklase dahil nasa section A siya samantalang nasa B naman ako. Hindi naman nalalayo ang room namin pero iba parin naman kapag classmate mo na..  *o*

Hindi ko rin naman nagawang maging classroom siya noon dahil last year lang siya lumipat. Unang kita ko palang sa kanya ay bumilis na ang tibok ng puso ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at nanlulumong sumandal sa pintuan ng gym.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang tibok ng pusong ito. Abnormal yata eh...  Hindi ko kailanman naranasan ang ganitong bagay kaya para sakin bago lang ang lahat pero hindi ko maiitangging naeenjoy ko ang lahat ang pakiramdam na mainlove..... Isama mo pa ang pagiging misteryoso niya.. Gosh.. Mahuhulog yata lahat ng laman loob ko sa katawan. Hahaha.

First time ko mainlove pero siguradong - sigurado ko na siya na ang para sakin dahil sabi nga daw nila kapag  sinabi ng puso mo siya na ay siya na talaga.. OMG!!. I can't wait to happen that..

Sinubukan ko lumingon ulit sa kanila at nagbabakasaling makita ko ulit siya. Halos nanlaki ang mata ko ng makita ko ang gwapo niyang mukha sa harapan ko. Napalunok ako ng mapagtanto ko kung gaano kasobrang lapit ng mukha niya sakin.

Salubong ang kilay niyang nakatitig sakin pero pakiramdam ko nakasanayan ko na ang ganitong itsura niya. Mas gumagwapo siya tuwing nakakasalubong ang kilay niya..

"Omy..nasa heaven na yata ako.." pabulong ko sa sarili ko pero sapat na iyon para marinig niya.

Sumama ang tingin niya sakin.

" Psh.. Wala ka sa heaven..nasa hell ka." sarkastikong sambit niya bago niya ako nilagpasan at iniwan nakanganga sa kanya..

Grabe! Anong sinabi niya? Bakit kahit pang-insulto ang sinabi niya sakin ay parang nasa heaven parin ako?

Mabilis ko siyang sinundan ng tingin at nakita ko siyang naglalakad na palayo.  Umiinit ang pisngi ko ng maalala ko naman kung gaano kalapit ng mukha niya sakin..

Bigla ako nagtatalon sa tuwa at niyakap yakap si Ivy na takang-taka nakatingin sakin..

"Kayaaaaaahhhhhh... Whoo.. Yes! Napansin niya na ako.. Napansin niya ako..napansin niya ako."

Pinag-igihan kong sumayaw habang hindi ko maalis sa puso ko ang tuwa..

Abnormal na talaga.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon