Malaya
Heart Pov
SIMULA yata nagkausap kami ni Niko ay hindi na ako pinansin ni Zachary. Tinatanong ko siya kung galit sakon pero hindi naman siya sumagot. Matatapos na ang dalawang buwan ko rito tas malalaman kung dito parin ba ako o balik sa dati.
" Zach uhmm.. sabay tayo maglunch." Ngumiti ako sakanya nang lingunin ako pero inirapan niya lang ako.
" No." He reply.
Malungkot akong tumungo at di na siya kinulit. Nakita ko pa nga ang pag-irap at ngisi ni Fayle sa reply sa'kin ni Zachary ko.
Masyado na masama ang loob ko kaya di ko na siya pinansin. Nanginginig na kinuha ang bag ko at pumunta na sa canteen. Di ako nagbaon ngayon kaya bibili ako sa canteen.
Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Ivy pero nang makita ko ang kasama niya na si Niko ay kusa na rin ako tumigil. Sa kabilang lamesa ako kumain at tahimik lang roon.
Dumaan sa isip ko yung mga masasayang moments namin tatlo noong kasama ko pa sila sa classroom. Samantalang ngayon wala yata akong naging close roon maliban kay Zach tas sa epal na Fayle na iyon.
Namiss ko na si Ivy tapos yung kulit ni Niko sa'kin kahit galit parin ako sakanya.
Saktong natapos na ako kumain ay napaangat ako ng tingin at nakita ko sila Zach at Fayle na pumasok sa canteen.
Nagtama ang paningin namin dalawa ni Zach pero iniwas ko rin nang hawakan siya ni Fayle at hinila sa may counter.
Napayuko ako at malungkot napangiti ng dumaan ang matinding kirot sa dibdib ko.
Maybe, this is it. Alam na alam ni Zach na masasaktan ako kapag binabalewala niya ako.. So, this is how he take revenge on me? Pero di nga okay lang sa'kin kaya bakit umaangal pa ako.
Umalis rin agad ako bago pa umupo sila Zach at Fayle.
Lumipas araw naging ganoon ang nangyayari at habang tumatagal ako roon sa classroom ay mas lalo akong nasasakal.
" Class listen... Osmosis means..."
Hindi pa nga tapos yung guro namin ay may sumasagot na agad. Nararamdaman ko tuloy na hindi talaga ako nababagay dito.
" I'm so sorry Miss Dela cruz but you are failed to go back. Hindi mo nareach ang average para manatila sa star section. "
Alam ko ganito ang mangyayari pagkatapos ng dalawang buwan. Sinadya ko din dahil hindi talaga ako nababagay roon kahit ipagsiksikan ko pa sarili ko roon.
" Salamat po maam. " ngumiti ako at nakita ko ang gulat sa mga mukha niya marahil nagtataka kung bakit di na ako nagreklamo pero bandang huli tumungo na rin.
Mabilis akong lumabas sa kwarto niya at nagtungo na sa classroom. Tapos na ang flag ceremony kaya naghihintay nalang para sa first subject namin.
Dumapo agad ang paningin nilang lahat at di nakaligtas sa pandinig ko ang bulungan niya.
" I swear, she's not belong here. "
I ignore it and fix my things. Sinabit ko ang bag ko sa balikat at naramdaman kong nakatingin siya sa'kin.
" Oh, I told you Heart. You are not belong here. " tumawa si Fayle bago nilingon si Zach naabutan ko pang nakatingin sa'kin.
May dumaan na emosyon sa mga mata niya pero pinutol ko na iyon. Sobra na ang paninikit sa dibdib ko na parang napapagod na ako.
Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Zach pero minsan may hangganan rin ang paghihintay at pasensya ko sa ugali niya.
Ang hirap niya ispelingin.
Hinarap ko si Fayle at walang emosyon tinignan siya.
" Maybe you're right Fayle but I think it is better to be bobo rather than you being having no class and manner."
Kaninang bulungan ay tumahimik. Kaya habang wala pang guro ay tinalikuran ko na silang lahat.
Diret-diretsyo ako pumasok sa kabilang classroom. May guro na rin sa harapan.
"Excuse Sir...but may I enter?"
" Oh, it is nice to see you here Miss Dela cruz."
Hindi ko alam kung sarcastic ba iyon pero ngumiti nalang ako tsaka tumungo. Sa kabila ng paninikip ng dibdib ko hinarap ko ang mga siraulo kong kaklase.
" Hi guys! Your one and only. Heart is returned. " sambit ko.
Tila may dumaan na paro-paro bago sila nagsiingayan kaya alam ko rinig na naman hanggang corridor.
" Ayos nandito yung pambato natin!"
" Welcome back Hearty!"
" Welcome home H-heart."
Napalingon ako kay Ivy nakalapit na pala sa'kin. May luha na rin sa mga mata niya kaya niyakap ko siya.
" Na-namiss k-kita. " sambit ko at niyakap siya.
" M-miss rin kita!" natawa ako.
Nagtama ang paningin namin ni Niko at buong akala ko di niya ako papansinin pero kumindat lang siya sa'kin kaya sinuklian ko siya ng ngiti.
Gusto ko lumaya ang galit ko sakanya. Hindi ko man tuluyan maalala lahat..siguro sisimulan ko na siyang patawarin..
Sabi nga ni bebe IU... Are you happy now? Finally happy now?"
Syempre oo kasi nakabalik na ako sa totoong home ko. Kahit masakit parin ang puso ko dahil kay Zach.
Maybe I should talk to him. Para malinawan na ang puso kong nanakit dahil sa kanya.
" Zach..." Tawag ko sakanya at lumingon siya sa'kin.
Kumunot ang noo niya. Hapon na at uwian na pero heto ako tinawag siya kasi gusto ko sana sabay kami umuwi. Bahagya natatamaan ng sinag ng araw ang mukha kaya matingkad ang kulay brown niyang mga mata nakatitig sa'kin.
" Si niko..." Umiwas ako ng tingin. " Sinabi niya sa'kin t-tungkol sainyo...yung tungkol kay Jasmine at ang pagtataksil.."
Tila bumara ang lalamunan ko at parang di kaya tanggapin na sinabi ko iyon.
Sumama ang tingin niya sa'kin at mas hinarap ako.
" Tsk."
" Zach okay--"
" You know what Heart." putol niya.
Di na Myra tawag niya sa'kin.
" You better keep yourself away from me." He said.
Nangilid ang luha sa mga mata ko. " A-alam ko pero Zach okay lang kung maghiganti ka at gamitin ako. "
" What?!"
Inangat ko ang tingin sa kanya. " D-di ko rin kasi m-maintindihan k-kung bakit ganito yung puso ko...my heart really beats for you Zach. K-kaya okay lang kung g-gamitin mo ko p-para lang maibsan yang sakit sa puso mo."
Di ko napigilan umiyak. Ganito naman lagi diba. You let someone hurt you...to use you because you love that person.
" k-kaya sana itigil mo na hindi pagpansin sa'kin kasi ang sakit sakit na. " amin ko.
Suminghot ako at iniwas ulit ang tingin sakanya. Hindi ko kasi matagalan yung paninitig niya sa'kin.
" Myra.."
" Y-yes? " h-he called my name again.
" It's true. I want to hurt you and used you." Sambit niya.. " B-but I want to let go the past." Tuloy niya.
Kumunot ang noo ko.
" G-gusto ko nang maging malaya..malaya mula sa sakit dulot ng nakaraan." Aniya
Teka tagalog tsaka ang lalim nun ah!
" Yes. Galit na galit ako sa k-kanilang dalawa. They cheated..but then..I remember na hindi lang ako niloko. P-pati ikaw ay naloko rin...k-kaya maling-mali isama ka sa paghihiganti ko."
Umurong ang luha ko ng lumapit siya sa'kin at may tipid na ngiti sa labi.
" I love Jasmine b-but...H-heart... I fall in love with you." He confessed.
![](https://img.wattpad.com/cover/133157695-288-k650273.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Teen Fiction"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."