Kabanata 19

58 0 0
                                    

Extra Sweetness

Heart Pov

NAGLALAKAD ako papuntang gym kasi may laro sila Zachary ngayon. Tsaka breaktime namin ngayon kaya may time pa kami para panoorin siya. Nandoon rin si Niko at nakakalungkot isipin na hindi parin kami okay. Nagtatampo kasi siya kaya di rin ako pinapansin simula yata ng hindi ako sumama sa kanya.

Time na kasi! Alangan naman na sumama ako. Sinabi na nga ni Zach na isusumbong daw niya ako.

"Kamusta sa section niyo?" tanong ko kay Ivy.

Bigla sumimangot ang mukha niya. " Nagalit sa amin si Ma'am Altura dahil hindi kami nagpasa ng assignment sa kanya."

"Saan assignment?"

"Sa Physics."

"Ahh." naalala ko noong isang araw tinuran ako ni Zach na tapusin iyon.

"Gusto mo pakopyahin kita? Kasi may kopya ako ng sagot." offer ko sa kanya.

Nagtaka ako ng tumigil siya at tumingin sa'kin. Bigla lumaki ang mata niya. " Nag-cheat ka noh!" bigla niyang akusa.

Mabilis ako umiling at binatukan siya. " Baliw! Paano ako makakakoypa sa iba eh hindi nga uso sa classroom iyon!"

Inirapan ko siya at nauna ng pumasok sa gym. Mabilis nga nahagip ng paningin ko ang grupo nila Fayle pero ng makita ako ng alipores niya ay binulungan agad siya kaya napatingin sila sa direksyon ko.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Fayle kaya ganoon rin ang ginawa ako. Inirapan niya kaya inirapan ko rin ang alipores niya.

"Di nga Heart? Eh, sino ang nagturo sa'yo?"

"Si Zachary." sambit ko.

"Weh?"

"Oo nga." sagot ko naman.

Hinanap ko si Zach sa naglalaro pero hindi ko siya makita. Kaya tumingin ako sa pwesto ng grupo niya at nakita ko siya naupo roon. Mas nagpakilig lang sa'kin ng makita siyang nakatingin sa'kin.

Mabilis na umangat ang labi ko at kinawayan siya. " Tara punta tayo sa gawi ni Zach." masayang sambit ko kay Ivy at hinila siya.

" Teka paano naman si Niko mo? Akala ko ba makikipagbati ka?"

Tumigil ako saglit at lumingon kay Niko na naglalaro. Tinitigan ko siya saglit at tumingin kay Zach na nanonood na ngayon.

Mas gusto ko parin lapitan si Zach.

"Mamaya na lang. Maiintindihan naman siguro ni Niko na mas gusto ko makasama si Zach."

"Ang sama. " bulong niya pero hindi naging sapat para marinig ko.

Napailing na lang ako at hinila siya. Buti wala masyado nanonood ngayon dahil may klase ang iba. Sumakto pa ang tadhana kasi may extrang upuan sa tabi ni Zach.

" Bilisan mo Ivy baka maunahan ako ng iba!" bulalas ko at malalaki na ang hakbang kong nagtungo sa pwesto nila.

Malapit na malapit na ako sa upuan niya ng biglang may nang-agaw ng upuan mula sa'kin.

"Excuse me. " sarkastikong sambit ni Fayle sa'kin.

Napasimangot ako ng ngisian ako ni Fayle at malanding dumikit kay Zach. Namuo ang inis sa dibdib ko at halos patayin ko na siya sa isip ko.

"Babe do you want water?" alok niya.

Lumaki ang taenga ko at mas kinuyom ko ang kamay ko. Babe! Babe ng mukha mo. Ang kapal rin ng mukha niya eh!

Nagulat ako ng tanggapin ni Zach iyon at matamlay na sumagot.

"Thanks."

Palihim ako tinignan ni Fayle at mapang-asar na tumingin sa'kin. Hinawakan ako sa braso ni Ivy at binigyan ako ng malungkot na tingin.

Heartbeat (crush series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon