NgitiHeart Pov.
"Heart!"
Lumingon ako sa likod ko at mabilis na sumilay ang ngiti ko ng makita ko si Ivy tumatakbo patungo sa'kin.
"Silence Please!" sita sa kanya ni Ma'am Joven.
Nasa library kasi ako at halos matawa ako ng sitahin siya ni Ma'am. Sinamaan niya ako ng tingin ng mapansin niya ang mumunti kong tawa.
Ano naman kaya problema niya at lumipit siya ngayon sa'kin?
Huminga ako ng malalim at nilapag ang mga libro sa gilid. Tahimik akong lumapit sa kanya.
"What the hell is your problem?"
Imbis na sagutin niya ako ay hinila niya ang braso ko palabas ng library. Wala akong nagawa kundi magpahila.
"OMG, You don't even know na magtraining sila Zach at Nikolai ngayon."
Napanguso nalang ako ng marinig ko ang pangalan niya. Hanggang dito ba naman?
Tumaas ang kilay ni Ivy ng makita ang reaction ko.
"What that face? Hindi ka ba manonood?"
Umiling ako bilang sagot. Sa tuwing iniisip ko kasi ang dahilan pakiramdam ko mawawasak na naman ako. Ang sakit kasi sa puso ni Zach. Masyado niyang sinasaktan ang puso ko.
"Bakit? Tsaka ano naman kaartehan yan?!"
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinitigan maigi. Hindi ko tuloy maiwasan mailang sa mga titig niya.
"Wala nam---"
"Eh, yun naman pala! Tara manood na tayo!"
Hindi pa ako nakakasagot ng hilain niya ako patungo sa cover court. Kinaladkad niya ako kaya halos madapa na ako. Minsan napapaaray nalang ako dahil mukhang mas excited pa siya kaysa sa'kin.
Sumibol ang kaba sa dibdib ko ng marinig ko ang sigawan mula sa cover court. Alam kong lahat ng studyante ay nanonood ngayon sa cover court pero sa tuwing iniisip ko yung mga love letter na binibigay ko sa kanya ay ng hihina ako.
Kinagat ko ang labi ko ng tumigil kami sa pintuan ng cover court. Marahil walang nakapansin sa amin pero may ilan naman saglit kami tinignan bago ulit binalik ang paningin nila sa mga naglalaro.
"Are you ready for the commotion Heart?"
Kumunot ang noo ko kay Bea ng makita ang nakakalokong ngiti niya. Kinabahan ako ng magkaroon ang conclusion sa utak ko.
"What do you mean---"
"NIKOLAI NANDITO NA ANG LAKAS MO!"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Sa kabila ng ingay ay nangingibabaw parin ang boses ni Ivy. Tumigil ang masiglang sigawan at halos lahat sila ay napatingin sa direksyon namin.
Malaki ang ngiti ni Ivy ng maagaw niya ang atensyon ng iba.
Tinakpan ko ang mukha sa kahihiyan. Wala talaga silang magandang naidudulot sa'kin puro kahihiyan.
Matagal bago ko unting-unti binaba ang kamay kong tumatakip sa mata ko. Mabilis nagtama ang paningin namin dalawa ni Zach. Walang kahit ano'man emosyon ako nababasa sa mukha niya habang nakatingin sa'kin.
Naging doble ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa tingin niyang 'yon. Napalunok ako ng mabilis ng iniwas niya ang paningin sa'kin at hinahagis sa ring ang bola.
Pasok.
"3 points for.."
Napahawak ako sa dibdib ko. Kahit saglit na tinginan lang ang nangyari ay iba parin ang epekto sa'kin 'nun.
"Hoy, tinatawag ka ni Niko."
Natigilan ako ng hampasin ako ni Ivy at tinuro si Niko na may hawak ng bola ngayon. Pinilit kong ngumiti kay Niko.
"Short legged this is for you." sigaw niya bago niya pinasok ang bola sa ring.
Napailing nalang ako at napatawa sa kanya. Kahit kailan talaga pabida siya.
Naririnig ko ang mga sinasabi ng iba pero hindi na importante sa'kin 'yun. Nakikita ko kahit na training lang nangyayari ay talagang pinagbubutihan nilang mabuti.
Hindi pa nagtagal ay nakita ko nalang ay patungo na sa amin ang bola. Imbis na imiwas ako ay mabilis ko itong sinambot ay inihagis ang bola sa ring.
Sumilay ang ngiti ko ng ma-ishoot ko 'yon. Sa tuwing kasama ko si Niko ay talagang nagpapaturo ako sa kany kung paano mag-basketball.
"Oh, That's my Baby!" sumigaw si Niko mula sa court kaya hindi naiwasan pinag-aasar siya ng mga kasama niya.
Nahihiya tuloy akong ngumiti sa kanila.
" Nagpapabibo ka talaga kay Zach ano? Tignan mo nakatingin siya sa'yo." bulong sa'kin ni Ivy
Hindi ko napigilan tumingin kay Zack. Nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya pero mabilis din nawala ng makita niya akong nakatingin sa kanya.
Hindi ko napigilan kiligin.
"See?"
"Tumahimik ka nga. Nakakahiya na." inis na sambit ko. Hinila ko siya sa gilid para hindi na kami agaw pansin sa iba.
Tahimik akong nakatayo sa gilid at nakikisabay din minsan sa pagsigaw kapag mainit ang laban. May ilang minuto din matapos ang training nila at wala parin pinagbago.
Panalo parin sila Zach.
Pasimple akong pumalakpak habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Seryoso siyang pinupunasan ang sarili at umupo sa tabi.
Hindi ko napigilan ngumuso habang nagmamasid sa kanya. Sana ako na ang gagawin niyan sa susunod. Kinuha niya ang bote ng tubig sa gilid tsaka ininom.
Bakit sa simpleng galaw lang niya ay ang gwapo niya tignan?
Pesteng puso 'toh! Hindi ko parin tumitigil sa pagwawala.
Mabilis ako napa-ayos ng upo ng makita ko siyang tumingin sa direksyon ko pero sa kasamaang palad. Humarang sa harapan ko si Niko.
Malalaki ang ngiti ang sinalubong niya sa'kin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"What?" painosenteng tanong niya sa'kin.
Umiling ako at pinagkrus ang dalawang braso ko.
"Hinayaan lang kita tawagin ako sa mga kadiring endearment pero ang harangan ang view ko ay hindi ko na gusto." madiin na sambit ko. Tinaas ko ang kilay ko ng ngumiti siya ng nakakaloko at tumingin saglit sa gawi ni Zach.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na masilayan siya. Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko siyang nakangiti sa kaharap niyang babae.
Nangunot ang noo ko sa nakita. Hindi ko makilala ang babaeng kausap niya. Simula ng mag-transfer siya dito, never ko siyang hindi nakita ngumiti man lang ng ganito. Ngayon lang..
Makita siyang nakangiti sa iba at hindi ako dahilan ay parang kumikirot ang dibdib ko. Hindi na bago sa'kin ito dahil ilang beses ko rin naramdaman ito sa kanya. Maybe, I'm not to used it but I need.
Tumingin siya sa gawi ko kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
Uminit ang sulok ng mata ko. Please lang Heart huwag ka ngayon umiyaw.
"Akala ko ba ayaw mo harangan ko siya? Ano naman yan emot mo ngayon?" tanong sa'kin ni Niko.
"Tumigil ka nga." bulong ko pero sapat na para mairinig niya.
Napa-angat ako ng tingin ng hawakan niya ako sa kamay at hinila patayo.
"Tara, libre kita ng milk tea para gumaan ang pakiramdam mo."
Napangiti ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (crush series #2)
Genç Kurgu"Ang puso ang makakadikta kung sino talaga ang nakatakda para sa atin."