Kabanata 1

5.4K 57 2
                                    

“Guys, salamat talaga sa perang 'to, ah.” Sabi ni Lara sa mga kausap na kaibigan. Nasa cafeteria sila that time. “Okey lang gurl. Basta may 10% na tubo ‘yan ha.” Sabi naman ni Veronica. Isa sa mga kaibigan ni Lara.

“Hoy grabe ka naman sa kaibigan natin!” sabat naman ni Alana na sinaway si Veronica.

“Of course, business is business tayo. Alam mo naman na wala din akong datung ngayon. Hindi pa nagbibigay ang sugar daddy ko.” Ngisi pa ni Veronica sa mga kaibigan.

“Mabuti ka pa, Veronica. May nagpapaaral sa'yo.” Sabi naman ni Lara kay Veronica. Naiinggit siya sa kaibigan.

“Eh 'di ba nga, sabi ko sa'yo, sumali ka na sa amin, may offer ako sa'yo sa work ko, sakto ngayon...kulang kami sa tao!” saad ni Alana kay Lara.

“Talaga? Anong work ba 'yan, Alana?” curious na tanong ni Lara dito.

“Basta, sumama ka sa akin bukas, ipakikilala kita sa manager ko.” Nakangiting sambit ni Alana sa kaniya.

“Sige, kailangan ko lang talaga ng pambayad sa tuition, tapos kulang din ang pambili ko para sa gamot ni mama.” Sagot naman ni Lara rito.

“Sige, ako ang bahala sa'yo.” Sabi ni Alana saka inakbayan ang kaibigan. Matapos maghapunan ay nagpaalam na sina Alana at Veronica kay Lara. Kinabukasan. Nagkita sina Lara at Alana sa campus.

“Uy! Lara! May klase ka pa ba ngayon?” si Alana.

“Mamaya pang ala-una ng hapon, bakit?” sagot naman ni Lara rito.

“Tara, samahan mo ako, puntahan natin ang sinasabi kong trabaho.” Sabi naman ni Alana sabay hawak sa kamay nito.

“Pero, hindi ako nakapag-ayos. Wala pa akong resume...” sagot naman ni Lara rito.

“No need na 'yon. Basta, sumama ka lang sa akin.” Si Alana na excited na excited.

“Okey, tara.” Sabi naman ni Lara na gay ani Alana ay excited na lumakad. Agad silang sumakay sa sundo ni Alana. Mamahaling kotse iyon ng kaniyang sugar daddy. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Club.

“Alana, dito ba ang sinasabi mong work mo?” curious na nilinga ni Lara ang kabuuan ng lugar.

“Oo, ang ganda no? Tapos alam mo, maraming mayayaman dito.”

“Talaga?” inosenteng tanong ni Lara.

“Yes, dear. Kaya if magaling ka lang mambola at magpa-cute, tiba-tiba ka dito.” Ngisi ni Alana sa kaniya.

“Ganoon ba. Parang natatakot ako sa gagawin natin.” Nagdadalawang-isip na sambit ni Lara.

“Basta, trust me. Mag-smile ka lang kay Madam ha.” Sabi pa ni Alana sa kaibigan.

“Sige.”

Nakita nila si Madam Buding. Ang mananger ni Alana na tutulong sa kanila.

“Yes, dear? May bagong recruit! Yes! Yes! Magaling!” sabi ng isang magandang matandang babae, ito si Madam Buding.

“Yes, Madam. Si Lara po, kaibigan ko.” Sabi ni Alana.

“Hello po, madam. Nice meeting you.” Kemeng sambit ni Lara sa matandang babae.

“Hmmm... I like you, sweet ang boses mo, maganda ka at sexy, pwede ka rito.” Sabi pa nito sa kaniya.

“Matalino rin po, saka madiskarte!” dugtong naman ni Alana.

“Wow, magaling! Excellent! 'yan ang hinahanap ko rito. Well, tanggap ka na!” walang pag-aalinlangan na sambit ni Madam Buding.

“Talaga po? Naku! Maraming salamat po, madam.” Hindi makapaniwala si Lara sa oras na iyon.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon