Kabanata 10

3K 76 1
                                    

Sa mga oras na iyon, nasa library silang apat, mayroon kasi silang dapat na maresearch. Kanina pa bidang-bida si Angela sa tatlo, very bossy ito saka napakamaarte pa.

"Ang init naman ng library," paypay pa nito sa mukha.

"Naka-full na ang aircon, Angela." Puna naman ni Veronica.

"Nilalamig nga ako e." Sabi naman ni Alana sabay himas sa braso.

Tahimik lang naman si Lara that time, na abala sa pagbabasa sa librong hawak nito.

"Uhm, you know what, Lara. Hindi sa pinakakikialaman ko ang style mo ha, but, I find you irritating. I mean, nakakairita kasi ang ginagawa natin, why not kasi, we go na lang sa computer lab. Doon na lang tayo magresearch..." maarteng sambit nito.

Natahimik si Lara at natigil sa ginagawa.

"Alam mo, maam Angela ha, kanina pa ako nagtitimpi sa ugali mo, kung ikaw na lang kaya ang umalis sa group na 'to, ikaw lang naman ang puro reklamo e." Medyo tumaas ang boses ni Alana that time.

"Psst, tama na." Awat naman ni Lara sa kaibigan.

"I agree." Si Veronica ang dumugtong.

"Quiet!" sigaw ng librarian that time.

"Ang iingay ninyo! Lumabas nga kayo!" dugtong pa ng Librarian.

Pagak na napangiti si Angela that time, halatang hindi nasisiyahan. Hindi niya gusto ang reaksyon ng tatlo. Nakatingin lang siya sa mata ni Lara that time na tahimik lang na nakikipagtitigan.

"Let her go." Iyon lang ang sambit ni Lara that time.

Inirapan lang siya ni Angela saka nagwalk out.

Nang mawala sa paningin nila si Angela ay parang nabunutan sila ng tinik.

"Alam mo, kanina ko pa gustong kalbuhin 'yong babaeng 'yon!" pabulong at gigil na sambit ni Alana.

"Alam n'yo, may plano ako, para makabawi tayo sa babaeng 'yon!" si Veronica.

"Ano naman?" tanong ni Lara.

"Tara..." sabi pa ni Veronica.

Dahan-dahang tumayo sila saka sinundan nila si Angela. Nakita nilang papunta ito sa comfort room. Nang makapasok silang lahat doon ay nasa cubicle na si Angela. Sumenyas si Alana that time, holding a length of wire at nilagay sa padlock na nasa labas ng door. Para hindi makalabas si Angela mamaya.

"Sure ba kayo sa plano na 'to?" pabulong na sambit ni Lara. Kinakabahan ito dahil baka masangkot ito sa gagawin nina Veronica at Alana.

"Oo, ako ang bahala." Ngisi ni Alana. Kumuha pa ito ng timba at dahan-dahang itinaas sa loob ng cubicle.

"One, two, three!" mahinang count down ni Veronica sa oras na iyon.

"Ahhhhh! What the fuck!!?" sigaw ni Angela sa loob ng cubicle. Madali silang tumakbo palabas ng comfort room.

Tawang-tawa naman silang tatlo dahil naka-isa na rin sila sa wakas sa bwesit na hitong iyon.

Napunta sila sa likod na bahagi ng canteen at hindi sinasadyang mabangga ni Lara ang isang matipunong bisig. 

"Ouch."

"Okey lang ka lang?" hinawi nito ang buhok ng dalaga at nabigla nang mapagsino ito.

"Lara? what happened? bakit parang hinihingal ka?" concerned na tanong nito.

"Ahh, wala po sir,  nagkatuwaan lang kami." Sabi naman ni Alana saka mabilis na kinalabit ang kaibigan.

Nagtaka si Leon sa oas na iyon, para kasing nagmamadali ang tatlo na makawala sa lugar.

Samantala, nang makalayo silang tatlo ay doon na sila nakalanghap ng ginhawa. Hindi kasi maitatago na pawisan silang tatlo dahil sa pagtakbo.

"Aray, sumakit ang tiyan ko sa kakatakbo." Reklamo ni Veronica.

"Hoy! Okey ka lang ba? baka mapano ang baby mo ha." Sabi pa ni Alana.

"Shhh, tahimik." Saway naman ni Veronica sa kaibigan.

"Tingin mo, nakahalata ba si sir Leon sa atin?" si Lara.

"Ewan ko, basta ang pansin na pansin ko kanina, grabe siya makatitig sa'yo Lara, kung wala siguro kami, baka hinalikan ka na niya, 'di ba, besh?" siko pa ni Veronica kay Alana, waiting for her approval.

"Ay, oo, pansin ko nga!" tango pa nito.

"Hmmp, tumigil nga kayo, ayan na naman kayo e,"

"Talaga naman, Lara e, hindi mo ba ramdam?"

"Naku, ang manhid kasi n'yan!" 

"Pero aminin mo? Kinilig ka no?" tudyo na naman ni Veronica.

Nahihiyang tumingin si Lara sa oras na iyon saka halatang pinamulahan ng mukha.

"Yes..."

"Ang harot!" kinurot ni Veronica si Lara sa singit.

"Aray!"

Sa huli'y nagtawanan silang tatlo. Kahit puro sinto-sinto at mga bolakbol ang dalawa niyang kaibigan, hindi maitatanggi ni Lara na masaya siya sa piling ng dalawa. Kahit papaano ay gumagaan ang loob niya, nawawala ang problema niya at naiibsan ang pagiging seryoso niya sa buhay. 

"Tara na nga, baka ma-late na tayo sa next subject natin."

"Huy, hwag na nating isali si Angela sa group natin ah."

"Naku, kung ako lang ang leader, hahanap na lang ako ng bagong member."

"Pero, kawawa naman kasi e."

"Sus! Ayan na naman siya! Awa na naman ang pinapairal mo, Lara. Gumising ka nga, siya ang isa sa mahigpit na kalaban mo, hindi lang sa school, hindi lang sa pageant kung 'di pati na kay sir Leon." Nagkibit balikat na sambit ni Veronica sa oras na iyon.

"Speaking of pageant, nagfill out ka na ng participation, 'di ba?"

"Oo, last time." Sagot ni Lara.

"I almost forgot, ngayon ang unang practice ng mga candidates sa gym, dapat nandoon ka na. Baka ma-eliminate ka! Gaga!" tili ni Alana.

"Ha?!"

"Tara dali!" hinatak ng dalawa si Lara papuntang Gym.

Sa sandaling iyon ay dinig nila ang malakas na sound sa gym, kanta iyon ni Lady Gaga.

I'm beautiful in my way 'cause God makes no mistakes
I'm on the right track, baby, I was born this way
Don't hide yourself in regret, just love yourself, and you're set
I'm on the right track, baby, I was born this way, yeah...

"Tara na!" hila pa ng dalawa.

Sakto naman nang makarating sila ay tinatawag na ang pangalan ni Lara.

"Miss Lara...nandito ba si Miss Lara?!" sabi pa ng coordinator.

"Nandito!" tili ni Veronica habang itinataas ang kamay ni Lara. Hindi maawat ang tatlo sa oras na iyon. They were also surprised kasi nandoon na rin si Angela with her wet blazer, nakita pa nila itong nagpupunas gamit ang tissue. Masama itong tumingin sa kanilang tatlo.

"Okey, halika na dito miss Lara. Sakto at nakarating ka. Kanina pa kita hinahanap." Sabi ng bading na coordinator nila.

"Pheww! salamat at nakarating tayo." Bulalas ni Veronica.

Ngumiti lang naman sila kay Angela saka pa as if na nagtanong.

"Anong nangyari sa'yo maam Angela?" concern na tono ni Alana.

"Someone had a gut to pour me water in that fucking comfort room, ni-lock din ang cubicle ko! Makakatikim talaga sa akin ang gumawa sa akin nito!" galit na sambit pa nito.

"Oh, I'm sorry, we feel bad for you, maam." Plastic na sambit ni Alana at Veronica sa dalaga.

At least, quits na sila.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon