Kabanata 40

736 11 0
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Leon na napunta siya sa condo ni Stephanie, hindi siya kumbinsido na hindi si Lara ang naghatid sa kaniya dahil kitang-kita niya ang mukha nito bago siya mawalan ng ulirat. Sakay na siya sa kaniyang sasakyan, hawak niya ang manibela pero hindi niya alam kung saan siya papunta.

Gusto niyang masigurado ang lahat, he called Adam pero wala namang sumasagot sa oras na iyon.

Nag-park siya muna siya sa may pet shop saka napansin ang isang pamilyar na mukha ng isang bata. Ito ang batang nagngangalang Coleen, ang palagay niya'y anak niya!

Mabilis siyang nagtago, gusto niyang masigurado na wala itong kasama na mga bodyguards. Kasama nito ang dalawang babae, at palagay niya'y ito ang mga yaya ng bata.

He decides to use his cap saka nag-shades. Nag-jacket din siya saka bumaba.

Nagtangka siyang lumapit para marinig niya ang sinasalita nito.

"Yaya, I want that one," turo pa nito sa isang puppy, isang shih tzu na aso.

"Okey, baby, just pick one." Sabi pa ng isang yaya.

Nakabuntot lang ako sa kanila, kunwari ay pumipili rin ng aso.

"Excuse me sir, bibili po ba kayo?" tanong ng isang sales staff sa akin.

"Uh, yes. I am just choosing what's the best here."

"Oh, okey sir, please let us know if may napili na po kayo."

"Alright." 

Hindi sinasadyang mabangga siya ni Coleen. "Ay sorry po."

"It's okey, honey."

"Ay, hindi po Honey ang name ko," ngiti pa ng paslit.

"Ah, gan'on ba...ano pala ang real name mo?" tanong ni Leon sa bata.

"I am Caroline Leonora Hermosa...pero my mommy call me Coleen." Sabi pa nito.

"Naku, Coleen, ikaw na bata ka, halika nga dito! Naku, sorry po sir, makulit po talaga itong alaga ko." Paumahin naman ng yaya na agad kinuha si Coleen palayo kay Leon.

"It's fine." Habol ni Leon.

Napangiti si Leon nang malaman ang buong pangalan ng anak niya. Kahit sa maikling oras ay nakausap niya ito. Nakita niya ito ng malapitan at nahawakan din niya ang munting kamay nito.

Pumili si Leon ng isang puppy saka lumapit kay Coleen.

"Excuse me, Coleen, do you like this one?" sabi pa ni Leon habang hawak ang isang shih tzu na may kulay chocolate na balahibo.

"Wow! Opo! It's cute!" sabay kuha sa napili ni Leon na puppy.

"It's yours. Sayo na 'yan, ako na ang bibili, okey?"

"T-talaga po? Akin na po ito?"

"Yes, but make sure ha na aalagaan mo 'yan." Ngiti pa ni Leon.

"Uhm, ano po name ni puppy?" tanong pa ni Coleen.

"Just call him Leonie..."

"Oh, okey po, aalagaan ko si Leonie..."

"Good."

Sa sandaling iyon ay agad na binayaran ni Leon ang puppy. Sa ganoong paraan ay malalaman niya ang lahat, may kinabit kasi siyang hearing detector sa collar ng puppy. May locator din ito at maliit na camera.

Maririnig niya ang lahat at malalaman kung nasaan ang anak niya, kapag kasama nito ang puppy.

Mabuti na lang at dala niya ang mga gadgets niya, bigay iyon sa na-hire niyang investigator. In that way, he is ahead to what possibilities na pwedeng mangyari, gusto rin kasi niyang masigurado kung okey ba sina Lara.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon