Kabanata 62

481 5 0
                                    

Linggo sa araw na iyon sa Samal, araw ng pagsamba at nakaugalian na ni Lara na magsimba matapos ang nangyari sa kaniya noong nakalipas na buwan. Mas naging matatag ang pananampalataya niya sa diyos sa pagbibigay nito ng ikalawang buhay.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa gilid ng kalsada, dala niya ang isang kumpol ng bulaklak para sa pasasalamat mamaya. Suot niya ang simpleng bestida at ang kaniyang manipis na sandals. Simpleng-simple lang ang porma niya sa oras na iyon, sa kabilang kamay niya naman ay hawak niya ang payong. May kalahating oras pa naman bago magsimula ang misa, at hindi naman kalayuan ang simbahan doon sa Samal.

Napangiti siya nang makita niya sa kabilang gilid ng kalsada si Leonardo, gaya niya'y nakapang-gayak ito na animo'y magsisimba. Suot nito ang kulay pulang polo at itim na slacks. Napaka-attractive nito lalo na't bihis na bihis ito ngayon.

"Magandang araw..." bati pa ni Leonardo sa kaniya.

"Hi." Responde naman niya rito kasabay kaway ng kaniyang mga kamay.

"Pwedeng sumabay?" ani pa ng binata.

"Oo naman." Mabilis na sambit ni Lara that time, kaya agad na tumawid ng daan si Leonardo at tumabi sa kaniya, habang naglalakad ay panay kwentuhan sila sa daan.

"Dito ka ba nagsisimba?" sabay turo ni Leon kay Lara.

"Actually, first time ko ngayon. Ikaw ba?"

"No. Ngayon lang ako magsisimba."

"Talaga, napaka weird naman, nagkataon na nagkita tayo sa daan..." ngiti naman ni Lara sa lalaki.

"Oo nga e, kaya siguro may mga rason ang lahat ng bagay..."

"Gaya ng ano?" medyo curious na tanong ni Lara.

"Gaya nito, nagkakilala tayo..." he wink to her as he softly laugh.

"Ang corny mo naman..." sabay tapik ni Lara sa bisig ni Leon. Nataw rin ito sa sinabi ng binata.

"Napatawa rin kita..."

Nagtagpo ang kanilang mga mata at noo'y sumeryoso silang dalawa. Hindi kasi nila maintindihan pero parang may nagtutulak sa kanila na hindi lang titigan ang gawin nila kung 'di lasapin ang mga labi na kanina pa nila tinitimpi...

"Uhm, nandito na pala tayo..." sabi naman ni Leon that time.

Napalingon si Lara sa gilid nila. Nandoon na pala sila sa simbahan at hindi man lang nila iyon napansin dahil sa pagkukwentuhan.

Sabay silang pumasok sa simbahan at nanahimik. Nag-umpisa na ang misa at buong puso silang nakinig sa salita ng diyos.

Sa mga sandaling iyon ay parang may kung anong kirot sa puso ni Leon dahil ang narinig nilang verse mula sa pari is being truthful, samantalang...heto siya at nagkukunwari upang makuha ang loob ng babaeng mahal niya.

Nagflashback sa isip niya ang nangyari kung bakit alam niyang magsisimba si Lara sa oras na iyon.

Maaga siyang nagising at agad na nag-agahan. Nasa silya siya nang marinig ang pag-ring ng kaniyang phone. Agad niya itong sinagot, it was Alana.

"Leon..."

"Yes, good morning."

"Good morning, bakante ka ba ngayon?"

"Oo, bakit?"

"Magmadali ka, magsimba ka sa first mass sa Mary's Chapel, malapit lang naman..."

"What?"

"You heard me, magsisimba si Lara doon mayamaya, kaya magbihis ka na."

"Alright. What should I do?"

"Magsuot ka ng anything na pulang polo, nakapulang bestida kasi siya. Tapos maglakad ka lang ha, bilisan mo, papalabas na siya sa Villa dito sa resort."

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon