Kabanata 12

2.8K 73 1
                                    

Suot ni Lara ang kaniyang uniporme, medyo kabado siya ngayon dahil sa ginawa nilang katarantaduhan kay miss Angela kanina sa school. Bumuntong-hininga siya,"nararapat lang sa kaniya 'yon," ismid pa niya saka inayos ang ribbon na nasa kaniyang leeg. Suot ang bunny sexy dress ay papunta na siya sa kaniyang naka-assigned na kwarto. Gaya ng trabaho niya sa club, pagsisilbihan niya ang mga parokyano ngayong gabi.

Nang makarating sa may pinto ay dahan-dahan niya itong kinatok.

"Come on in." Narinig niyang sagot mula sa loob.

Dahan-dahan niyang pinihit ang siradura at nang makitang si Leon na naman ang client niya ay para siyang binuhosan ng malamig na yelo. Natuod yata siya sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi siya makagalaw.

"S-sir?"

"Yeah, come on."

"Uhm, kasi...ah eh."

"You need to serve me tonight, Lara. Hindi mo ako teacher tonight, come on."

Walang nagawa si Lara kung 'di pumasok. Nang mailapag ang menu sa circular table ay pinaupo siya ni Leon sa tabi nito. Hindi siya komportable sa kanilang posisyon. Nakatitig lang ito sa mukha niya, habang siya nama'y panay iwas ay yuko para hindi magtama ang kanilang mga mata.

"Lara...I need you to answer my question."

"Po? Ano po?"

"Kailangan mo ng pera 'di ba?"

"O-ho."

"May pabor ako sa'yo."

"Pabor? Ano pong pabor?"

"Be my mistress, Lara." Walang gatol na sambit ni Leon sa dalaga, maging ito ay nabigla sa sinabi niya."
"Ano pong sinasabi mo, sir? Hindi ho ako ganiyan kababang babae..." aksyon na sana siyang aalis ng pigilan ni Leon ang kanang kamay niya.

"I will treat your sick mother, mapagtatapos kita sa kurso mo, at mabibigyan kita ng mga bagay na gusto mo. I can be your stepping stone."

"No, sir.

"I am willing to...can't you see Lara? Hindi lang dahil gusto kitang maka-sex, hindi mo ba talaga ramdam?"

"A-ano pong sinasabi mo, hindi ko po maintindihan..."

"Hindi mo maintindihan o sadyang ayaw mo lang talagang intindihin? I like you Lara."

Sa sandaling iyon ay parang huminto yata ang mundo ni Lara. Hindi niya akalin na ganito ang maririnig niya mismo sa kaniyang guro.

"H-hindi po pwede sir, ikakasal ka na, at ayaw kong ako ang maging dahilan na mag-away kayo..."

"I want you to do that, Lara. I'm giving you the permission. Hindi ko mahal si Angela."

Natigilan si Lara sa sandaling iyon.

"Hindi mo mahal, pero bakit pumasok ka po sa relasyon na 'yan?"

"I had to."

Sa sandaling iyon ay sumeryoso ang mukha ni Leon. Ipinagkasundo kami ng mga magulang namin, malaki ang utang na loob ng papa at mama ko sa mga magulang ni Angela kaya kahit labag sa loob ko, kailangan kong gawin ito. Pero, sa tinagal namin ni Angela, nasasakal na ako sa kaniya. She's out of her mind. She's crazy."

Nanatiling tahimik si Lara sa sandaling iyon.

"Pero, ayoko po ng gulo."

"No, hindi ka dapat matakot, I am here. All i want is your approval. Lara, be my woman."

Sa sandaling iyon ay nakatitig si Lara sa mga mata ni Leon, nakikita niyang totoo ang mga sinasabi nito, dala na rin ng kaniyang tinatagong nararamdaman ay para siyang nahipnotismo nito dahil sa kaniyang marahang pagtango.

"Sige po."

"God, oh, salamat Lara. You'll never regret this." Sa sobrang saya ni Leon ay niyakap siya nito at nang magkonekta ang kanilang mga mata ay hindi na napigilan nitong kunin ang kaniyang nag-aanyayang labi. Lara deep in her thought is cursing herself, hindi niya mapigilan ang sarili na magpaubaya, ramdam niya ang pamilyar na lasa ng halik nito...ang nakakalasing na sumakop sa kaniya noon.

"Lara..."

"Sir Leon." Sa sandaling iyon ay ipinikit ni Lara ang kaniyang mga mata, humilig siya sa balikat ni Leon at nilasap ang init ng katawan nito.

"Come with me, Lara. Hindi ka nababagay sa club na ito. From now on, magsasama na tayo sa iisang bubong."

"Pero, hindi po ba malalaman ni maam Angela?"

"No. I hired you as my personal assistant in my office. And from that, gagawin kitang personal executive from my home to school."

"Pero, nakatira po kayo sa parents mo 'di ba sir?"

"I have, uhm sort of...a house, we can stay there."

"Alam po ba ni maam Angela ang bahay mo, sir?"

"No. Hindi niya alam, she won't. Dahil hindi sa akin nakapangalan ang bahay na iyon."

"Kanino po?"

He smiles to Lara as if inosenteng-inosente talaga ito sa kalakaran na iyon.

"It's yours."

"Po?" nanlaki ang mga mata ni Lara sa sandaling iyon.

"Hindi po kayo nagbibiro?"

"Binilhan kita ng isang unit. Alam kong hindi ka tatanggi sa alok ko Lara." Ngisi pa nito saka kinuha ang kamay ng dalaga. Hinagkan niya ito.

"Sir, sobra-sobra na po ito..."

"Kulang pa ito, Lara. I want to make sure na mapapasaakin ka. And I will do everything for you." Tila nagpapaubayang sambit nito, nang-aarok ang tingin ng binata sa kaniya, binabasa pati ang kaluluwa niya.

"I feel unbothered whenever you're with me, Lara. Ngayon ko lang 'to naramdaman." Sabi pa nito sa dalaga.

"Pero...masyado pong mabilis ang mga pangyayari sir. Hindi ko po..."

"Lara, shh. Listen. Trust me. You're in a good hand. Sinisigurado ko 'yan."

Pumagitna sa kanila ang isang tahimik na sandali.

"Come on. May pupuntahan tayo."

"Pero, sir. Naka-on-duty pa po ako." She hesitate.

Ngumiti si Leon. "I already paid for your home service. Kaya tonight, you're all mine." He kissed her lips again.

Tila nasa isang malalim na mahika si Lara sa sandaling iyon, everything went magical kapag kasama niya si Leon. Ang sabi pa nga niya sa sarili niya ay baka panaginip lang ang lahat ng ito, at kung ganoon man, ayaw na niyang magising.

"Come on. Let's go." Ginawad ni Leon ang kamay niya para kunin ang kamay ni Lara.

Nag-aatubili man ay humawak si Lara sa kamay nito, and for that moment, naramdaman niyang totoo ngang hindi siya nananaginip.

Magkasabay silang pumunta sa parking space ng club at sumakay siya sa kotse ni Leon. Nang makasakay na rin ito ay pinag-seatbelt siya nito saka nagnakaw ng halik sa labi.

"I couldn't resist your sweet tempting lips, Lara. My apology." Pilyong ngiti pa nito.

"Saan tayo pupunta, sir?"

"Somewhere we can be alone." Baritonong boses nito saka dahan-dahang kinuha ang kamay ng dalaga at mahigpit na hinawakan iyon.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon