Kabanata 2

2.5K 26 0
                                    

It’s almost midnight. Nakarating si Leon sa mansiyon nila.

"Good evening." Sabi ni Leon sa mga magulang na masama ang timpla ng mukha.

"At saan ka naman galing, hijo?" anang ginang.

"Nagkasiyahan lang kami, mama."

"Leon, hindi ka na bata. You’re twenty-nine years old, and still acting like immature kid! Ano ba!?" dugtong naman ng kaniyang ama.

"Sorry, pa." He apologized.

"Tumahimik ka! Nagpupuyat ka ngayon? Hindi mo ba alam na kanina pa naghihintay sa’yo si Angela?"

"Nandito s’ya?" napatanong si Leon. Naglakad palapit si Angela kay Leon at humalik sa labi nito.

"Did I surprise you?" lumambitin ang babae sa katawan niya.

"Hon, kailan ka pa dumating?" nagulat si Leon sa presensya ni Angela.

"Kanina lang."

"I’m sorry, hon. Hindi ko kasi alam na…"

"Shh, it’s okey." Saway nito sa kaniya.

"Nakakahiya ka sa fiancé mo." Sumbat naman ni Ginoong Amoroso.

"It’s okey, tito. Wala po siyang kasalanan. Hindi rin po kasi ako nagsabi na darating ako."

"I’m sorry, hon." Paumanhin ulit si Leon.

"It’s fine, hon. I miss you…" sabi ni Angela na hinalikan siya sa labi.

"I…I…miss you, too." he replied.

"Bueno, Angela, feel at home ka rito ah, magpapahinga na kami sa taas. Kayo na ang bahala d’yan. Ipinaayos ko na kay manang ang guest room." Sabi ni ginang Amoroso sa dalawa.

"Okey po, Tita. Thank you, so much." Sagot ni Angela sa ginang.

Naiwan sina Angela at Leon sa sala. Nag-usap silang dalawa.

"B-bakit ka nandito? I mean, bakit umuwi ka sa Pilipinas, hindi ba’t nasa Jordan ka?"

"Pinayagan ako nina Baba na pumunta dito. Besides, one month to go ay ikakasal na tayo, ‘di ba?"

"Oo nga, pero…"

"Hmm…hindi ka ba masaya na nandito na ako?"

"No, I mean, oo, masaya ako ngayon kasi nandito ka na, pero nag-aalala lang ako kasi nag-travel ka alone, baka may mangyari sa’yo."

"Ang sweet naman ng fiancé ko."

"Kamusta sila doon sa Jordan?"

"They’re fine, dumadami na ang branches ng shawarma business nila Mama at Baba."

"That’s great!"

"Kaya nga sinabi ko sa kanila na kapag nagpakasal na tayo, doon tayo titira sa Amman, Jordan."

Nabigla si Leon sa narinig.

"But, hon. Alam mo naman na magtuturo na ako sa campus. I will pursue my teaching career. Alam mo naman ‘di ba na ako na lang ang inaasahan nila mama at papa na mamahala sa campus..."

"Pero, akala ko…" putol ni Angela saka tumahimik.

"Alright, ang mabuti pa, bukas na tayo mag-usap. I know you’re tired."

"Okey."

"Good night, hon."

"Good night."

They kissed each other, pero walang spark, walang kaamor-amor. Nagtungo na si Leon sa kwarto n’ya. Naalala niya ang babaeng kaniig niya sa club.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon