Kabanata 43

687 11 0
                                    

"Oh ba't parang nakakita kayo ng multo?" sabi pa ni Adam sabay lingon sa mukha ni Lara. Umiwas siya ng tingin sa lalaki. She cleared her throat and as if wala siyang narinig.

"K-kailangan ko nang umalis." Dugtong ni Lara habang iniiwasan ang tanong ni Adam.

"Wait," habol ni Alana sa kaibigan.

Naabutan niya ito sa labas ng kwarto saka huminahon. She sighed and cross her arms.

"Ano bang pinag-usapan n'yo, Lara?" curious na tanong ni Alana.

She shakes her head. "Nah, wala naman..."

Kumunot ang noo ni Alana. "Ikaw ah, alam ko ang pasikot-sikot ng utak mo Lara, kilala kita. Kung may nililihim ka at may problema, alam ko ang timpla ng mukha mo. Mukha mo pa lang kanina, alam ko nang may problema." Mahinahong sambit ni Alana sa kaibigan.

Hindi muna sumagot si Lara, bahagya siyang naglakad papalayo sa kwarto ni Leon. She is guilty as hell to what happened to him.

"Kasi...ganito 'yon..." patuloy ni Lara habang naglalakad. Nakinig lang naman si Alana at nakisimpatiya sa kaibigan.

"What? are you serious? so ganoon pala ang nangyari? Pinahirapan mo pala siya nang ganoon?" sabi ni Alana na nage-gets na ang nangyari.

"I didn't mean to," depensa naman nito.

"Pero gusto mo siyang makitang nagsisisi ano?"

"Hindi!" Lara answered.

"Lara, don't be so hard to him, alam kong marami siyang mali na nagawa sa'yo, pero...alam kong.."

"Anong alam mo?" medyo defensive ni Lara sa kaibigan.

Umiling si Alana. "Ang gusto ko lang sabihin, alam kong mahal mo pa siya, kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko na nandyan pa rin ang pagmamahal mo sa kaniya."

"No." She answered.

"Your eyes can't lie..."

Umiling si Lara saka nagmamadaling tumalikod. Hindi niya gustong makasakit sa kaibigan. Hindi rin siya gustong lumala ang hinala ni Alana sa kaniya.

Nang makapunta sa parking lot ay agad siyang sumakay sa loob ng kaniyang kotse. Matagal siyang naupo habang tanaw ang sariling repleksyon sa salamin. Nakita niya ang namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. She tried to grab her lipstick and put it on her lips. Naglagay din siya ng presspowder. 

"It'll do for now." She said as she starts to put her keys on. Gusto niyang umuwi sa oras na iyon, gusto niyang mayakap ang anak niya. 

Naging abala siya sa mga gawain niya sa school at sa kompanyang hina-handle niya lately. Wala na siyang oras halos na umuwi at asikasuhin ang mga responsibilidad niya kay Coleen, kaya gusto niyang bumawi.

Hindi nagtagal ay dumating na siya sa mansion, it was late, kaya nang makapasok siya sa kwarto ay tulog na ito. Dahan-dahan siyang tumabi sa anak niya at hinalikan ang noo nito. "Sleep well my dear, sorry if naging busy si mommy..." anas niya sa mahinang boses. Hinagod pa nya ang buhok nito.

Matagal niya itong tinitigan. Sumiksik sa utak niya ang reyalidad na kamukhang-kamukha nito ni Leon. Ang porma ng mukha nito, ang kurba ng kilay at mahahabang pilantik ng mga pilik mata nito. Idagdag pa ang matangos na ilong at ang mestisang ganda nito. Coleen's face is a true xerox copy of Leon, kaya pilit niyang tinatago ito sa lahat dahil madaling nakukukumpara ng karamihan ang mukha nito kay Leon.

Habang hinahagod niya ang buhok nito ay nasa isip din niya ang mukha ni Leon. Nasa balintataw niya ang sinabi nito kanina noong nandoon siya sa hospital.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon