Kabanata 8

3.2K 81 2
                                    

Pagod na nagpahinga si Lara sa kwarto niya. Nakauwi na siya galing sa club.

"Hija, naghapunan ka na ba?" ani ng kaniyang inay.

"Opo, tapos na ako nay."

"Napapansin kong madalas ka nang inuumaga ng uwi hija, hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo sa computer shop?"

"Uhm, hindi naman po, nay. Okey lang po ang trabaho ko.

"Ganoon ba, sa makalawa ay pwede kitang madaanan, hahatidan na lang kita ng panghapunan."

Biglang kinabahan si Lara sa oras na iyon.

"Naku, nay. Hindi ka po pwedeng pumunta doon."

"Ha? Bakit naman?"

Natahimik si Lara. Nag-isip siya ng pwedeng dahilan.

"Kasi po, wala po akong pasok, may gagawin po kasi kami sa eskwelahan, may practice po kami."

"Practice? Sino ang kasama mo?" 

"Sina...sina Alana po."

"Sigurado ka ba anak? Sana ay hindi ka nagsisinungaling sa akin."

"Naku, nay, kailan po ba ako nagsinungaling sa inyo? Hindi ko po magagawa 'yon." Sabi pa ni Lara sa kaniyang ina.

"Hmm, sige oh sya, sige na. Magpahinga ka na."

"Sige po. Kayo rin."

Sa mga oras na iyon ay nakahinga ng maluwang si Lara. Nagi-guilty siya sa pagsisinungaling sa kaniyang inay. Hindi niya ito gustong saktan, pero hindi rin niya gustong pabayaan ito at walang gawin para masustentuhan ang mga gamot na kailangan nito.

Kinabukasan ay maaga siyang nagtungo sa campus para kitain sina Veronica.

Naglakad siya sa hallway ng biglang may tumawag sa kaniya.

"Lara!"

Napahinto siya saka nilingon ang boses ng kung sino sa likod.

"Y-yes, sir Adam. Good morning po." Ngumiti siya rito.

"Ah, ipapabigay ko lang sana 'to kay Alana." May dala itong paper bag.

"Ah, o-okey po sir, sige po."

"Sige, pakisabi na lang ha, may pupuntahan pa kasi ako."

Tumango lang si Lara sa sandaling iyon.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang nakita niya ang bulletin board. May annoucement doon para sa gaganaping Ms. Campus at Mr. Campus.

Nabuhayan siya ng loob na sumali, matagal na niyang gustong ma-experience ang maglakad sa runway kung saan maraming photographer ang kukuha sa kaniya ng litrato.

"Hoy! Nand'yan na pala ang beshy ko, ba't tulala ang beshy ko? Hmm?" sabi pa ni Veronica na tumabi sa kinatatayuan niya.

Ngumuso siya.

"See that oh!"

"Ay! hala, bet ko 'yan, Lara for you, sali ka!"

"Pero kasi..."

"Sus, h'wag ka nang magpatumpik-tumpik pa, ako na ang bahala sa gown at make up mo!" sabi pa ni Veronica.

"Pero..."

"Hoy, makinig ka nga, Lara. Ano bang inaarte mo, kung may ganda lang ako at 'sing talino mo lang ako, ako na sana ang sasali d'yan, kaso, mukha lang ang mayroon ako e." Kibit-balikat na nguso nito.

Natawa na lang si Lara sa hirit ni Veronica, kahit kailan talaga ay pasaway ito.

"Oh, sige na nga! Samahan mo ako ha."

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon