Kabanata 22

3.4K 77 14
                                    

Walang imik silang dalawa sa sandaling iyon, tanging mga kubyertos lang ang naririnig nila sa hapag.

Tumikhim ang inay ni Lara saka nagpapalit-palit ng tingin sa dalawang nasa magkabilang dulo ng lamesa.

"Ah, hija, ba't natahimik yata ang paligid ngayon, may...problema ba?" tanong pa ng matanda.

Naubo si Lara sa sandaling iyon dahil kahit anong pilit niyang pagtago ay kapansin-pansin pa rin ang pangingibabaw ng kahihiyan niya, ni hindi siya makatingin kay Leon na noo'y pasimpleng nakangiti at sumisipat sa gawi niya.

"Naku 'nay, baka masama lang ang gising ni Lara, hayaan n'yo po, sasamahan ko siyang mag-stretching mamaya." Pilyong sambit ni Leon.

"Oh siya, sige hijo, mabuti 'yan nang hindi matamlay itong anak ko." Ngiti ng ginang saka muling kumain ng pagkain na nasa hapag. Sila lang tatlo ang nandoon dahil nasa dalampasigan ang mga kasamahan nila. Sila nalang kasi ang tanghaling nagising.

"Sige, mauuna muna ako, pupunta muna ako sa banyo, maiwan ko muna kayo ha," baling ng ginang.

"Nay samahan na kita..."

"Naku, diyan ka lang anak, tapusin mo muna 'yang kinakain mo."

"B-busog na po ako."

"Sige na, kaya ko ang sarili ko..." pagpipilit ng ginang.

Tinapik nito ang balikat ni Lara saka naunang umalis. Naiwan silang dalawa ni Leon na noo'y dahan-dahang uminom ng tubig.

"Hmm, tapos ka na ba?" baritonong tanong nito saka nagpunas ng bibig.

Isang kemeng tango lang ang binigay ni Lara. Nakayuko lang ito.

"Don't look at me that way my love, I want you to look at me...directly." 

Sa sandaling iyon ay hindi maiwasang hindi kumabog ang puso ni Lara, hindi niya maintindihan kung ba't sa isang utos lang ni Leon ay napapasunod siya.

"There...fair enough." Ngiti ni Leon saka ngumiti.

"I want that angle from your face, Lara. It brightens up my day."

Hindi man batid, pero alam ni Lara na namumula na naman ang pisngi niya.

"Ah, uhm, saglit lang...susundan ko lang si nanay." Pasubali niya.

"She's fine, Lara. May mga staffs ang resort na 'to, I pay them well to do their jobs." Sabi pa ni Leon saka nangalumbaba.

Nakatitig lang ito sa mukha ng dalaga.

"A-anong gusto mong gawin ko, Leon?"

"Nothing. I just want to keep my eyes on you."

"Ano ba, para ka namang sira d'yan."

"I admit." Seryosong saad nito.

Nagkamot sa sariling leeg si Lara saka tumayo.

"Tara, puntahan natin sila, para may kausap akong matino..."

"Hmm? what?"

Umiling siya. "N-nothing, ang sabi ko, puntahan na natin sila kasi baka tubuan tayo ng ugat dito."

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon