Kabanata 64

467 6 0
                                    

Hindi makapaniwala si Lara sa sandaling iyon dahil sa mismong anak pa talaga niya maririnig ang tanong na iyon. Hindi siya makapagsalita that time.

"Hey?" ulit pa nito.

Tinitigan niya ito sa mata at seryosong tumingin.

"I can't answer that for now, baby. Ayokong saktan ang dada mo..."

"Pero mahal mo po ba siya?" ulit nito.

"Siguro..."

Nakita niya ang pag-roll eyes nito at halatang nagbuntong-hininga.

"Magpapahinga na po ako." Tumalikod na ito sa kaniya.

Nagmamadaling umalis si Lara sa kwarto ng bata at tila napahiya sa sinabi niya. Bakit ba naman kasi iyon ang nasagot niya sa tanong nito?

Ang tanga lang!

Nang makabalik sa kusina ay nakita niya doon si Leon, halatang nag-aalala ito. "Kinausap ka ba niya?" ani pa nito. Isang marahan na tango ang ginawa ni Lara sa oras na iyon. Actually, parang ayaw niyang pag-usapan iyon.

"Pasensya ka na, ganiyan lang talaga 'yan si Coleen, nagbago lang 'yan noong..." hindi madugtungan ni Leon ang mga sasabihin dahil alam niyang sangkot si Lara sa nangyari sa anak nila. Matapos kasi ng abduction nito sa kriminal na sina Stephanie at Chad, isang buwan itong naconfine sa hospital at sa trauma assessment clinic para sa pagbalik ng pakiramdam nito, halos ilang linggo din itong tulala at hindi makausap. Idagdag pa ang emotion nito kung saan nalaman niyang wala na sa tabi nito ang mommy Lara niya dahil hindi na siya nito makilala due to her memory loss. Kung sino ang mas pinakanaapektuhan sa pangyayari sa buhay nila...iyon ay si Coleen.

Pasalamat nga si Leon dahil pumayag ito sa napag-usapan nila na muli nilang makakasama ang mommy Lara niya kahit hindi pa nito narerecover ang memory nito. Pumayag si Coleen na sumali sa set-up nila dito sa Samal.

"Simula noong kailan?" wala sa huwisyo na tanong ni Lara kay Leon.

Umiwas ng tingin si Leon sa sandaling iyon, halatang hindi pa rin makasagot.

"Simula noong...nawala ang mommy niya."

Rumihestro sa mukha ni Lara ang pakikidalamhati. "I'm sorry, Leon. Siguro'y hindi pa siya handa na maging parte ako sa pamilya n'yo..."

"That's not true, Lara. I know she wants me to be happy."

"Pero, hindi niya ako gusto, Leon."

"Hindi...I mean, alam kung masasanay din siya sa'yo, Lara."

"But I am afraid..."

"Don't be afraid..."

"Hindi ko alam ang pagiging isang ina, Leon. Hindi pa ako handa..."

"I am here, Lara. I can help you. Please...don't let me down."

Muling tiningnan ni Lara si Leon sa kaniyang mata. Nababasa nito na kailangan siya nito, nababasa niya roon na siya lamang ang makakatulong rito.

"This...is...way too fast, Leon."

"I am sorry, Lara. Pero hindi ko alam ang gagawin para mabuo ko ang hinahangad kong pamilya."

"Are you sure about this? Ako ba talaga ang karapa't dapat sa'yo?"

"I know it's you..."

Napaawang ang bibig ni Lara sa sandaling iyon, hindi niya lubos maisip na may ganitong uri ng lalaki. Isang lalaki na hindi ka tatantanan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto at mahal nitong tao.

"You're crazy, Leon..."

"Yes, I am. I am crazy in love with you, Lara."

Sa sandaling iyon ay unti-unting naglapat ang kanilang mga labi. Hindi sinasadya ni Leon na mapaatras sila sa may counter top table, doo'y dahan-dahang inangat niya ang pang-upo ni Lara, their lips are still sealed and fighting for each other.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon