Kabanata 41

738 13 0
                                    

Leon starts his day with a cigarette and a cup of black coffee. Nakatayo siya sa kaniyang veranda habang tanaw ang city life, ang mga nakasanayan niyang tanawin na mga buildings at ma-traffic na kalsada. Pasado alas singko pa lang ng umaga ay gahol na ang lahat para makapunta sa mga trabaho.

Muli niyang sinipat ang kaniyang relo, alas otso ang oras ng trabaho niya sa unibersidad, ito ang unang pagkakataon na makabalik siya doon, kung saan doon mismo nagsimula ang lahat, ang noo'y dominante niyang imahe bilang anak ng school owner, bilang isang professor, at ang lalaking hinahangaan ng lahat.

It's coming back to him again...

"Hmm...l must go now, kailangan kong agahan ngayon..." matapos n'on ay agad siyang naghanda, naligo siya at nagbihis ng akma sa pupuntahan niya.

Nang makasakay siya sa kaniyang kotse ay agad siyang tumungo sa unibersidad. It's the first sem of that season, maraming mga estudyante ang nandoon at halatang nakatingin sa paparating niyang kotse. Malapad ang bukas ng malaking gate kaya malaya siyang nakapasok. Nag-park siya sa parking lot at tahimik na lumabas. Nakita niya agad ang usapan ng ibang estudyante.

"Naku, iyan ba ang bagong professor? Ang gwapo naman..."

"Hindi, parang siya yata ang bagong school director..."

"Naku, sayang, tingin mo kaya may asawa na?"

"Hmm, I guess, binata pa 'yan, wala pang wedding ring eh." 

Iyon ang mga narinig niya sa sandaling iyon.

Tumikhim siya saka nagpatuloy sa paglalakad. Sinuot niya ang kaniyang coat saka diretsong nagtungo sa kaniyang magiging office. Nakasaad na kasi sa envelope ang mga detalye sa kaniyang bagong trabaho. Nandoon na rin ang mga kinakailangan niyang gawin at mga nais na report ni Lara for the week, for a month and also yearly reports.

Since kabisado na niya ang mga pasikot sikot doon ay hindi na siya naligaw. Nakita ni Leon ang pamilyar na mukha ni Adam. Nakatayo ito at tila hinihintay siya.

"Dude..." tawag nito sa kaniya.

"Dude, kanina ka pa ba?" si Leon.

Tumango ito. "Oo, ang tagal mo."

"Ha? Anong oras ka pa ba rito?" balik na tanong ni Leon. Lumapit siya sa kaibigan saka tinapik ito.

"Kanina pa akong alas kwatro."

"What? dinaig mo pa yata ang janitor dito, ang aga mo naman..." sabi pa ni Leon rito.

Tumawa ng mahina si Adam. "Eh ikaw ba naman excited na makita at makasama ang mahal mo, hindi ka ba gigising, ni makatulog nga kagabi nahirapan ako eh..."

Nailing na lang si Leon, as if hindi niya pinahalata na gaya ni Adam ay maaga rin siyang naghanda dahil excited din siyang makita si Lara.

"Tara, doon na tayo sa office, baka nandoon na sila." Sabi pa ni Leon.

"Alright."

Nang makapunta sila sa office ay nakita agad nila si Alana. Tahimik lang ito habang nakaupo, kaharap nito ang kaniyang laptop at tila may ginagawa.

"G-good morning." Bati ni Adam dito.

"Good morning." Casual na reply nito sa kaniya.

"It's our first day today..." sabi ni Adam ulit.

"Yeah, I know." Tipid na sambit nito.

"Ahm, ano ang gagawin for today, may meeting ba?" putol ni Leon sa pagiging mailap ni Alana.

Tumingin ang babae sa kaniya at seryosong sumagot. "Let's wait for the others, hintayin natin si Lara." Sabi pa nito.

"Ah, okay." Sagot naman ni Leon saka umupo sa pahabang meeting table, ganoon din si Adam. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang ibang teachers, staffs at mga bagong empleyado ng unibersidad, para itong welcome meeting sa oras na iyon.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon