Kabanata 25

925 15 0
                                    

"Lara." Iyon ang narinig ni Lara na muling nakapagbalik sa kaniyang guni-guni. It was Leon.

"Hmm?"

"Okey ka lang ba?" 

Nasa veranda silang dalawa ngayon habang hinihintay na matapos ang masinsinang pag-uusap nina Stephanie at ng mag-anak. Nasa pribadong kwarto ang mga ito.

"Hmm, oo. Pero, hindi ko lubos maisip na..." umiling si Lara.

"Na isa kang Villa Verde?" si Leon.

"Oo."

"Kilala ang pamilya mo sa larangan ng manufacturing ng textiles, pati exporting ng mga leather, wool at ibang fabrics." Sabi pa ni Leon kay Lara. Mas lalong nangilabot si Lara sa sandaling iyon.

"Hindi talaga ako makapaniwala na mayaman ang papa ko, ang sabi kasi ni mama sa akin..."

"Let's understand her, Lara. Ginawa ng mama mo ang alam niyang makabubuti sa'yo, hindi natin siya masisisi."

"Kaya pala gusto niyang umalis kanina, gusto niyang hindi makita si Stephanie..."

"Yes, kaya kinutuban na ako kanina." Si Leon ang nagsalita.

Napalingon sila sa likuran nila nang marinig ang paglapit ng tatlo. Maayos na ang mukha ni Stephanie, wala na ang namamalisbis na luha nito, pero bakas pa rin sa mata nito na umiyak ito ng todo. Hawak ni ginoong Apolinario ang isang dokumento, nakafolder ito.

"Lara."

"Po?"

"Hija, ito ang last testament ng yumao mong papa." Inabot nito sa kaniya ang folder na iyon.

Kinakabahan man ay unti-unting binuklat ni Lara ang mga nakasulat doon.

Nakasaad doon ang lahat ng mga ari-arian at mga kayamanan ng kaniyang ama, maging ang ilang kompanya na mapapasakanya once mapatunayan na siya ang legitimate na heir nito.

"But, we need to undergo the lab test." Si ginang Nazarena ang nagsalita.

Hindi umimik si Lara.

"Pero, hindi ko po matatanggap ito, maam, sir...kasi po, kontento na po ako sa..."

"No, hija. Sa'yo hinabilin ang lahat ng iyan, at ikaw lamang ang may kapangyarihan na mag-manage n'yan, and it will turned over to you at your 25th birthday.

"Hmm, so that's it." Mahinang sambit ni Leon. Nakikiramdam lang ito sa komosyon ng kaganapang iyon.

"But...how we can assure that it will be fair to Lara, and how about the disclosure files? May mga bawal bang gawin, o mga hindi dapat gawin habang on-process ang lahat ng 'to?" Pagtitiyak pa ni Leon.

Nagkatinginan ang dalawang mag-asawa.

"Actually, hija, we are your legit guardian, kami ang namamahala sa lahat ng kompanya na naihabilin ng papa mo, and because of it, we are owning 35% or your assets."

"35%?" medyo curious na tanong ni Leon.

"Wala sa testament ang 35% na sinasabi ninyo." Si Leon.

"Bueno, usapang pampamilya lang ito, wala ka sa lugar para magtanong." Sabat ng matanda kay Leon.

Napatiim-bagang lang ang binata saka hinatak si Lara palayo.

"Let's go out of here, Lara."

"Sandali lang!" sigaw ng matandang lalaki.

"We're going." Giit ni Leon.

"Hindi pa kami tapos..." sabat ni ginoong Apolinario.

"If that so, kayo ang maghabol sa amin!" si Leon ang nagpapasok sa sasakyan kay Lara at walang pasabi na nagpaharurot ng sasakyan, ni hindi nga nakapalag ang mga gwardiya sa mansiyon.

"Hmm, at nakahanap na rin kayo ng katapat.." nakangisi si Stephanie sa gilid that time habang nailing na lang sa mga matanda.

Halata naman talaga na masasama ang ugali ng mga ito, mabuti na lang at hindi nasindak si Leon sa dalawa. Ginawa ni Leon na protektahan si Lara, dahil may kutob siya na gusto nilang kontrolin si Lara once mapatunayan na ito ang lehitimong anak ng kapatid nitong si Eduardo Villa Verde.

----

"Teka Leon, please calm down..." napahawak si Lara sa kaniyang seat belt that time. Halos kasi liparin ni Leon ang daan pabalik sa resort. Nakatiimbagang lang ito at halatang upset dahil sa sinabi ni ginoong Apolinario.

"Aalis na tayo, bumalik tayo sa Manila, they don't deserve you, Lara." Sabi pa ni Leon.

"Oo."

Nang mga sandaling iyon ay agad silang nagtungo sa resort at nakahanda na rin ang lahat para sa paglisan ng lugar, hindi na rin nagpapigil si aling Lorena that time dahil kabado siya sa mga posibleng mangyari lalo pa't nalaman na ni Lara ang lahat.

Nasa byahe na silang lahat that time.

Nakasunod ang mga sasakyan nina Adam at sasakyan nina Veronica at Paul.

Tatlo lang din sila sa sasakyan ni Leon. Si Leon, si Lara at si aling Lorena. Tahimik silang tatlo that time na pawang malalayo ang iniisip. 

Nasa likuran ang ginang habang nasa passeger's seat naman si Lara pero nakatanaw lang sa malayo.

"Anong sinabi nila?" malumanay na tanong ng matanda.

"Kinausap nila ako, nay."

"Huwag kang sumama sa kanila...masasama sila."

"Ano pong ibig n'yong sabihin?" Si Lara.

"May kutob akong sila ang may pakana kung bakit nadisgrasya ang ama mo, Lara."

"Po?"

"Really?" sabi naman ni Leon na namangha.

"So, they're criminals?" si Leon.

"Oo. Huwag mong hayaan ang anak ko, Leon. Protektahan mo siya, please."

"Opo."

"Nay, hindi naman siguro nila ako sasakyan..."

"Huwag kang magtiwala hija."

"Don't worry po, habang nandito po ako, walang gagalaw kay Lara." Baritonong sambit ng binata.

Sa sandaling iyon ay mas naging magaan ang loob ng ginang kay Leon. Matapos ang mahabang biyahe pauwi ay hinatid ni Leon ang mag-ina sa tinutuluyan nitong bahay. Nasa plano na nila na doon muna sila pansamantala sa unit ni Leon, para hindi sila masundan ng mga side ni Lara. 

Nag-hire din si Leon ng mga private investigator, para malaman ang mga backgrounds nina Don Apolinario at Dona Nazarena, gustong hanapan ni Leon ng butas ang mga ito, maging si Stephanie ay hindi nakaligtas. Naninigurado si Leon na hindi sangkot si Stephanie sa dalawa. And if in that case, dapat niyang maunahan ang mga ito sa mga pinaplano ng mga ito.

"We're here." Tipid na sambit ni Leon. Mabilis niyang tinulungan sina Lara at nanay Lorena sa pagbaba ng mga dala nitong gamit. Binigay din ni Leon ang susi kay Lara.

"Here's the key."

"Maraming salamat, Leon."

"Anything for you..." marahang hinaplos ni Leon ang kaliwang pisngi ni Lara, dahan-dahang inilapat ni Leon ang labi nito sa dalaga, marahan, maalab at dalisay.

"I love you, Lara."

"I love you too, Leon."

Nang magwalay ang mga labi nila'y napalingon sila sa ginang na nasa gilid nila, nasaksihan nito ang mga pangyayari. "Lara...Leon."

"Nay." Halos sabay na sambit ng dalawa, magkahawak kamay ang mga ito.

"Gusto ko na bago ako mawala sa mundong ito, gusto kong maging pormal ang ugnayan ninyo...na sana'y bago ako mawala, makita kong nasa magandang disposisyon ang anak ko." Tumingin ito kay Leon.

"Opo."

"Pakasalan mo ang anak ko, Leon." Sabi ng ginang sa binata.

"Nakahanda po ako."

Isang matamis na ngiti ang sinukli ni ginang Lorena kay Leon.

"Mabuti."

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon