Kabanata 20

2.3K 57 1
                                    

Makalipas ang ilang sandali ay nagpunta sina Lara sa may dalampasigan, inaakay nila ang kaniyang ina na noo'y aliw na aliw sa alon.

"Naku, anak. Hindi pa tayo nakakapagbakasyon ng gaya nito, ang saya ko." Magiliw na sambit ng ginang.

"Naku, nay, masaya rin ako dahil kasama ko po kayo..." ngiti naman ni Lara. Nakasunod sa kanilang dalawa sina Alana at Veronica na nakikitawa rin habang pasimpleng naglalakad sa buhanginan.

"Naku nay, pinaplano nga namin na isama ka sa outing namin soon, sa graduation namin..." singit ni Veronica sa sandaling iyon.

"Mabuti nga ito e, kasi napaaga ang gala natin, baka kasi...hindi na ako makaabot sa graduation ninyo." Masayang sambit ng ginang, pero sa sandaling iyon ay napatigil ang tatlo. Nakikiramdam sila sa pagkakataon.

"Naku, h'wag naman po kayong magsalita ng ganiyan nay, malapit na naman ang gradudation ah, 'di ba, sabi mo pa nga po, ikaw ang dapat lalakad kasama ko." Agap ni Lara sa sandaling iyon.

Isang matamis lang na ngiti ang sukli ng ginang. "Hayaan mo," sabi nito saka nagpatuloy sa paglalakad.

Mabilis namang siniko ni Alana si Veronica na noo'y guilty sa pag-oopen ng topic na iyon. 

Nang nasa kalagitnaan na sila ng dalampasigan ay nilingon ng ginang si Veronica.

"Hija, pansin ko, parang tumataba ka..."

Napaawang ang bibig ni Veronica sa sandaling iyon. Pansin na kasi ang kaniyang baby bump, kahit pa sinusuotan niya ito ng loose shirt.

"Ah eh, oo nga po eh, masarap po kasing kumain, lalo na kapag maraming deadlines sa school." Agap naman nito.

Kapansin-pansin ang pananahimik nina Lara at Alana sa oras na iyon. Lingid kasi sa nakararami, hindi nila alam na buntis ito.

"Ah, nay, tara po, doon po tayo sa may batohan." Turo pa ni Alana na masayang hinawakan ang kamay ng ginang, sa sandaling iyon ay naiwan sa kinatatayuan sina Veronica at Alana.

"Oh? ano na? Ano ang gagawin mo ngayon, lumalaki na ang tiyan mo..." sabi pa ni Lara sa kaibigan.

"Hmm, hindi ko pa nga alam e, mag-lilimang buwan na ang tiyan ko, at kung magpapatuloy ako hanggang sa graduation, kabuwanan ko na iyon." Sabi pa ni Veronica.

"Paano ang OJT mo?" tanong ni Lara.

"Bahala na."

"Alam na ba ng boyfriend mo ang sitwasyon mo?"

Umiling ito. "Hindi na kailangan pa, wala naman siyang ambag e, pinaraosan niya lang ako."

Napakagat-labi si Lara sa sandaling iyon, dinaramdam niya ang nangyari sa kaibigan niya, sa kabilang banda naman ng isip niya, iniisip niya na kung sa kaniya iyon nangyari, ano kaya ang gagawin niya. Napaisip siya sa sandaling iyon.

"L-Lara? okey ka lang ba?" untag ni Veronica.

"Ah, oo, okey lang ako."

"Tara, puntahan na natin sina Alana.

"Sige."

Habang naglalakad sila ay nag-open up si Veronica kay Lara.

"Ahmm, katunayan..."

Napalingon si Lara.

"Hmm? ano?"

"Ano kasi...si Paul..."

"Oh, bakit?"

"G-gusto niya akong pakasalan..."

"Ha? Pakiulit nga ang sinabi mo?" gulat na bulalas ni Lara.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon