Kabanata 65

445 7 0
                                    

Kinaumagahan.

Kapwa nakatabon ng kumot sina Leon at Lara sa oras na iyon. Pasado alas otso na ng umaga nang mapansin nilang tirik na ang sikat ng araw sa labas.

Naunang napabalikwas si Leon at malambing na hinalikan ang tungki ng ilong ni Lara.

"Good morning, honey." Sabi pa niya sa dalagang mahimbing pa rin na natutulog. He put her hair in her ears, and kissed her lips. Nakita pa niya ang pagkislot ng labi nito at ang dahan-dahang pagbuka ng kaniyang mga mata.

"Hmmm...ang sakit ng katawan ko," reklamo pa ni Lara sa kaniya.

"Wait, i'll check your..." agad na sinapo ni Leon ang noo ng dalaga at doo'y naramdamang mainit ito.

"Shit! Ang init mo! Nilalagnat ka!" sabi pa ni Leon na halatang nag-aalala.

"Nahihilo ako, Leon. I can't move..." sabi pa ng dalaga, rason upoang matahimik si Leon at mapatiim-bagang. Baka nasobrahan yata niya si Lara, at heto nga't hindi na makagalaw at inaapoy pa ng lagnat.

"Shit! This is my fault. Ako ang may kasalanan nito!" pagkakastigo pa ni Leon sa sarili sa oras na iyon. Dahil hindi nga makagalaw si Lara ay inalalayan niya itong makaasuot ng damit. Dahan-dahan din niya itong nilabas at pinaupo sa bankong yari sa kahoy.

Naupo siya sa tabi nito at hinilot-hilot ang balikat nito.

“There’s no need for that, Leon.”

"Wait a minute, darling, tatapusin ko muna 'to," sambit niya sa dalagang nakasandal sa silya. Tumango lang naman ito at halatang walang lakas.

“I need to go to comfort room.”

"Come here, bubuhatin kita." Sambit pa ni Leon na binuhat na mala-wedding bride si Lara.

"Kaya mo ba? Mabigat ako." Sabi pa ni Lara na halos hindi maibuka ang mata dahil sa panghihina.

Nang mabuhat ni Leon ang dalaga at damang-dama niya ang temperatura ng dalaga. Matapos makapagbanyo ay ibinalik ni Leon si Lara sa kama at sinabihang doon na lang mag-agahan sa kama. Matapos makapunta sa kusina ay agad siyang nagbalik sa kwarto dala ang mga pagkain. Nabungaran din ni Leon si Coleen na kakagising lang din at napatingin sa kaniya.

“Is that for mommy?” mahinang tanong nito.

“Yes baby, nilalagnat kasi siya.”

“Nasaan po sya dada?”

“Nasa kwarto.”

“Sasabay na po ako.” Paunlak na sambit ng bata. Nag-aalala rin ito sa kalagayan ng mommy Lara niya.

Nang makarating sa kwarto ay nabigla sila nang mapansing wala itong malay.

"Oh shit! Lara, wake up." Mahina pa niya itong niyugyog at siniguradong may heart beat pa ito.

“Dada, we should call a doctor.” Sabi pa ni Coleen.

“Yes, I will call now.” Sagot naman ni Leon. Matapos n'on ay tinungo niya ang sala at dinala ito doon para ipahiga ito sa sofa. Kinuha niya ang medicine kit at kumuha ng mga gamot para sa lagnat. Kumuha rin siya ng bimpo at alcohol. Matapos n'on ay kumuha din siya ng maliit na planggana at nilagyan ng malamig na tubig. Nagkakandarapa siyang pinuntahan ang sala at nilagyan ng karampatang lunas ang dalaga.

Marahan din niya itong inalalayan na makaupo para mainom ang gamot nito. "Open your mouth, oh please." Sabi pa ni Leon na halatang hindi alam ang gagawin.

“The ambulance is coming…”

“There’s no need.” Mahinang sagot ni Lara sa kaniya.

Hawak pa niya ang 'sang basong tubig sa oras na iyon. Umungol si Lara at impit na tumugon sa gamot at ininum iyon, pikit-mata lang itong nakaupo sa oras na iyon. Matapos ang pag-papainom ay tahimik lang itong sumandal. Para itong lantang-gulay at hinang-hina. Tuloy, hindi maiwasan ni Leon na kastiguhin ang sarili habang tanaw ang dalaga.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon