Kabanata 33

775 13 0
                                    

Hindi mapigilan ni Lara ang sarili nang makapasok siya sa sasakyan, doon na siya nakahinga ng maluwang. 

"Okey ka lang ba, ma'am?" wala sa sariling sambit ni Julian kay Lara.

"Yeah, I'm fine." She put herself together.

"Mayroon bang problema, ma'am? Is there something between you and sir Amoroso...before ma'am?"

"No, wala!"

"Hmmm....okey." Julian wave his hands.

"Come on, umalis na tayo..." Lara said.

"Sige po."

Tahimik na umalis sila doon sa lugar, dala ni Lara ang mabigat na damdamin. Hindi niya mawaglit ang mukha ni Leon sa isipan niya. She wipe her tears hurrily, ayaw niyang makita ni Julian ang luha niya. Hindi na siya nag-drive sa sandaling iyon. Si Julian na ang nag-take place dahil ramdam rin ni Julian na may parang mabigat na dinadala si Lara. She just watch the window that time. 

Sumisiksik pa rin sa isipan niya ang nagdaan. Kung kailan niya sinabi na mas piliin si Angela. It was the time where she tried to fake herself that she is okey...even she's dying inside.

Nagbalik sa gunita niya ang sandaling iyon.

---

"Nalaman ng doktor na...nagdadalang-tao siya."

"Ano?!" 

Isang katahimikan ang pumagitna sa kanila.

"Kung...ganoon...hindi na ba matutuloy ang kasal natin?" malungkot na sambit ni Lara.

"Gusto ng mga magulang ni Angela na panagutan ko ang anak nila, pero pinaglaban ko na hindi ako papatali sa anak nila hangga't hindi ko nasisigurado na akin ang batang dinadala niya."

"Anong ibig mong sabihin Leon?"

"Kilala ko si Angela, tuso ang babaeng 'yon..."

Maging si Lara ay kinutuban na rin sa sandaling iyon. Balisa kasi si Leon sa oras na iyon at halatang may malalim na iniisip.

"Ganoon din ba ang mga magulang mo?"

Isang malungkot na tango lang ang ginawa ni Leon.

"They want me to marry Angela. All of them."

Napayuko si Lara sa sandaling iyon.

"Sundin mo sila, Leon. Kung 'yan ang makakabuti sa lahat..."

"Pero, hindi ko siya mahal, Lara. Ikaw ang mahal ko..."

Umiling si Lara sa sandaling iyon at mapait na ngumiti. "Alam ko."

"But, why you're saying this?"

"G-gusto kong matahimik ang lahat, Leon, we are not meant for each other. Hindi ka bagay sa gaya ko. Hindi tayo pareho..."

"No, hindi basehan ang bagay na 'yan, Lara."

"Leon...please. Gawin mo 'to....para sa akin."

---

Matapos ang usapang iyon ay halos hindi na siya natigil sa pag-iyak. Tanging malambot na unan ang naging saksi sa pagdadalamhati niya. Pakiramdam niya'y namatay na rin siya sa sandaling iyon. Sinundan pa 'yon ng pagluluksa niya nang mamatay ang nanay Lorena niya. Kung saan naranasan niyang maglakad sa ulan, dala ang gamit niya, papunta sa lugar ng kaniyang tiyo at auntie, it was her darkest time. Nasa ala-ala pa rin niya ang lahat ng dagok ng buhay niya. She suffer from a lot of pain. Iyon ang naging rason kung bakit nag-iba siya. The reason why she choose darkness in her heart.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon