Kabanata 56

475 7 0
                                    

Mabilis na tumakbo ang panahon at heto nga't kasal na nina Adam at Alana. Napili nila ang resort nila ni Paul at Vee na pagdaosan ng kanilang beach wedding. It was on September, maganda ang klima sa mga oras na iyon, tanaw nila ang magandang set up ng stage sa bandang buhanginan habang ang aisle na ginawa nila ay mula doon sa pagitan ng botanical garden na pinaglagyan din ng maraming bulaklak at halaman.

The beauty of the place took them into something fantasy-a-like place.

Nandoon lahat ang magkakaibigan. Hindi na nila mahintay ang moment na gustong-gusto nila, iyon ay ang makitang mag-isang dibdib na sina Adam at Alana.

Katabi ni Lara si Leon na noo'y hawak si Coleen, hawak kasi nito ang laruan na teddy bear, katabi rin nila sina Vee at Paul, nakikipaglaro naman si baby Peter kay Coleen that time, kaya hinayaan lang nila ang mga ito.

"I'm excited!" tili ni Vee sa kaibigan.

"We too," saad naman nina Leon at Lara na todo ngiti rin sa may kaliwang banda.

Nang marinig nila ang cue ng floor director ay nag-umpisa na rin silang sumeryoso. Narinig nila ang melodiya ng kanta na Beautiful in White, that time. Sa kabilang banda, nagmi-mix emotion naman si Adam habang nakatayo sa may altar, gayong tanaw ang babaeng nakatayo sa dulo at dahan-dahang papalapit na sa kaniya.

---

Adam's POV

Dinig ko ang napakagandang instrumental sounds ng napili naming wedding song. Beautiful in white. Nagsimula nang maglakad ang aming entourage. Tanaw ko ang mga taong sumuporta sa aming dalawa ni Alana simula umpisa. Kumpleto lahat ng aming pamilya, maging si papa ay nandito. Nagkapatawaran kaming dalawa at sinabi ang katotohanan. Humingi rin ito ng tawad kay Alana, dahil naging masama siya noon sa nobya ko. Naging emosyonal ako habang tanaw ko si Alana suot ang traje de boda. Litaw ang napakagandang anyo nito na sumakto sa mala-anghel na pigura.

Nasa tabi ko naman ang aking kababata  na naging best man ko sa aming kasal. Tinapik niya ako upang kumalma. Mangiyak-ngiyak ako habang nakatulalang nakatingin kay Alana. I don't deserve her, she's so much for me. Napakaswerte ko. Maswerte akong maging kabiyak ni Alana.

Naging emosyonal din ang karamihan sa paligid. Tanaw ko ang aking tita habang nakangiti sa gilid ni Alana na siyang naging escort nito. We are complete to celebrate this special event. My parents are here, na nakatayo sa kabilang banda ng center aisle. Nandito rin sina uncle, auntie at mga katrabaho ko sa campus, idagdag pa ang mga kaibigan ko na sina Leon, Lara, Vee at asawa nitong si Paul.

Dumalo rin ang half sister ko galing States, kasama ang pamilya nito. Magkatabi itong nakaupo at todo suporta sa akin. Tanaw ko ang lahat na parang masayang masaya para sa akin, para sa amin ni Alana. Nagpapasalamat ako sa suporta ni Vee at Paul na naging event managers sa aming kasal. Mula sa reception, mga preparasyon, at sa lahat ng katiting na abubot at mga giveaways ay sila mismo ang nag-abala. We set our special place for this unforgettable event dito sa kanilang resort in Palawan.

Dahil sa pagiging mabait nila Vee, ginawan ko rin ng paraan na e-promote ito sa lahat. As a result, naging known agad ito sa sitio at karatig lugar dito sa Palawan. We're so grateful to have all of them. Nagbalik ang gunita ko nang makarating na sa aking bisig si Alana. We exchanged the traditional mano to parents. Nagmano ako sa tita niya, gayon din si Alana kay mama at papa.

Nilingunan ni Alana si Papa, tanaw ko naman ang pagresponde ni papa sa pamamagitan ng pagtango dito. I held her soft palm next to mine. Kaharap namin ang pari at ang napakagandang sunset na naging altar namin, ang saksi sa lahat ng aming napagdaanang dalawa. A holy matrimony of us. The priest ask us the same question, ang tanong na noon ko pa gustong masabi at marinig mula kay Alana.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon