Kabanata 72

458 7 0
                                    

The Honeymoon.

They made an arrangement to their friends na sila muna ang bahala kay Coleen for that night. Matapos ang kasiyahan sa venue ay nagkaroon sila ng panahon sa isa't isa. Including an overnight view in that lighthouse, malapit iyon sa resthouse na pinagawa nila. Hawak-kamay silang naglalakad papunta sa itaas, suot ni Lara ang kaniyang bulaklaking bestida habang naka puting cotton shirt naman si Leon at ang jogger nitong kulay grey.

"Anong ginagawa natin dito, Leon?"

"I made a special surprise for you, hon."

"Ano na naman 'yan? You aren't tired of making surprises ha?"

Ngumiti si Lara saka tinapik ang balikat ng asawa.

"Here, but, before anything else, kailangan kong piringan ang mata mo..."

"Fine." Sagot ni Lara na noo'y nasa pinakalast step na ng hagdan, inalalayan siya ni Leon papunta sa huling hakbang ng lighthouse, and there, dahan-dahang tinanggal ni Leon ang telang tumatabon sa mata ni Lara.

"Wow," bulalas ni Lara habang tabon ang sariling bibig.

"You like it?"

"Yes!" sagot ni Lara habang tanaw ang magandang circular dining table na may candle lights at roses, isang date set-up habang napuno ang paligid ng mga lightnings at bulaklak, sa isang tabi naman ay ang isang higaan na nilagyan ng maraming petals, doo'y may nakalagay pa na heart shaped na unan at nakaburda doon ang mga pangalan nila.

"Pinasadya mo pa talagang ilagay ang lahat ng ito dito ha," nailing si Lara, knowing na hindi naman sa kanila ang lighthouse na iyon.

Napangisi si Leon sa sandaling iyon. "There's nothing to worry about, Lara. I bought it."

"W-what? ang ibig sabihin sa atin na itong lighthouse?"

"Yes."

Napayakap kay Leon si Lara dahil sa sobrang saya.

"You dumb! halika nga rito, give me a kiss!" lumambitin pa si Lara sa leeg ni Leon.

Leon sealed a romantic kiss that time. Sinakop nito ang kabuoang bibig ni Lara, rason para maramdaman ulit ni Lara ang kakaibang kiliti mula sa kaniyang tiyan, tila bolta-boltaheng kuryente ang naglakbay sa kaniyang sistema hanggang sa mamulat niya ang kaniyang mga mata.

"Leon... i love you." Ngiti niya saka hinalikan ang ilong ng asawa.

"I love you too, Lara." Baritonong boses nito.

"Shall we?" duro ni Lara sa may table that time, baka kasi kung saan na sila mapunta, at hindi pa sila nagdi-dinner that time.

Natawa si Leon habang naiiling. "You heated me up, Lara."

"Hmm, but before that, let's eat these food first, para malakas ka mamaya." Pilyang sambit pa nito sa asawa.

"Hmm, you're teasing me..."

"Hindi ah."

Kumindat si Leon sa sandaling iyon. Kapwa sila nakaupo at magkaharap. Nasa gitna nila ang steak at isang lime juice na nasa mamahaling bote. Since bawal ng alak si Lara that time, lime juice lang ang nilagay ni Leon para sa toast nila mamaya.

Nandoon din ang iba pang putahe na gusto ni Lara. A bunch of ceasar salad, tuna flakes shuffled with mayo and diced launcheon meat. Hindi nga alam ni Leon kung bakit gustong gusto ni Lara ang mga iyon, siguro'y dahil sa taste bud ng isang buntis. Baka dala iyon ng paglilihi niya.

Sa sandaling iyon ay tahimik silang kumain at tanging mga kubyertos lang ang naririnig nila, hindi man sila nag-uusap ay konektado naman ang pag-uusap ng kanilang mga mata. Parang may sinasabi ito na hindi nila naririnig pero sadya nilang nadarama.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon