Kabanata 13

2.7K 68 5
                                    

Sa mga sandaling iyon ay nakita ni Lara ang pag-iba ng paligid, from Metro, nakita niyang medyo malayo na sila sa sentro, ramdam niyang mas lumalamig ang simoy ng hangin at tanaw na rin niya ang magandang baywalk ng karagatan.

"Saan tayo pupunta?"

"Just relax, may surpresa ako sa'yo."

"Hindi po ako sanay."

"Pwes...masanay ka na Lara." Ngiti pa ni Leon sa kaniya. Sa sandaling iyon ay papunta sila sa Batangas. Medyo malayo ito, at tiyak na aabutan sila ng madaling araw sa daan. Tatlong oras mahigit ang Batangas, at sa puntong iyon, mas nagkaroon sila ng oras para mag-usap habang nasa daan.

"Lara, tell me about yourself more..."

"Ano po ang gusto n'yong malaman?"

"Uh, about everything..."

"Kasi po...si inay na lang ang kasama ko sa buhay sir, hindi ko alam ang tatay ko, hindi ko na po siya nakita mula pa noon. Tapos, hindi rin sinasabi ni inay kung nasaan na siya o kung buhay pa ba ito."

"Hindi mo ba gustong makilala ang tatay mo?"

Umiling si Lara. "Hindi na po. Hindi ko na po hahanapin ang mga taong ayaw nang magpakita." Ngiti pa nito sa binata.

"Ah, well, I know that feeling. I understand."

"Salamat po sir."

"Uhm, ano ang mga gusto mo? anong gusto mong ulam?" drinks? umiinom ka ba? hobby?" dugtong pa ni Leon. Ramdam ni Lara na gusto nitong mas makilala siya ni Leon.

"Ah, ano po, gusto ko po ang pansit, at adobong manok po. Hindi po ako umiinom, pero minsan na-try ko, kaya sabi ko, hindi na ako uulit...saka sa hobby po, wala masyado, hindi po ako magaling sa mga ganoon."

"Hmmm...don't say that Lara. You're good at one, hindi mo ba alam 'yon?"

"Ho? ano pong ibig mong sabihin?"

"Magaling kang magpahulog ng loob...madali kang mahalin." 

Sa sandaling iyon, kahit na medyo madilim sa kotse ay alam ni Lara na namumula ang pisngi niya.

"Huwag mo po akong binobola sir..." mahinang saway nito.

"No, I am not kidding. I am telling the truth." Sabi pa nito.

"Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman sir. Hindi pa po ako makapaniwala sa nangyayari sa buhay ko ngayon."

"Lara, you must change for the better."

"Ah, pero..."

"Listen, Lara. You must be strong from now on. Isipin mong hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang tatahimik, you must stand for yourself, okey?"

"Okey sir. S-salamat po.

"Don't mention it."

Sa sandaling iyon ay nakarating na sila sa isang private resort. Hindi magkandaugaga si Lara dahil isa iyon sa wishlist niyang puntahan sana sakaling magkaroon sila ng oras at sapat na budget na magkakaibigan. 

"Wow, ang ganda po dito!"

"Huwag mo na akong pino-po-po..."

"Ay sorry."

Naaliw si Leon sa sandaling iyon habang tinitingnan ang dalaga.

Sabay silang bumaba sa sandaling iyon at nagtungo sa isang reserved bungalow. Maganda ang ambiance ng lugar since tago ito sa main road at hindi crowded. Maganda rin ang lokasyon nito dahil nakasentro ito sa dagat, kung saan ramdam ang magandang lamyos ng alon at ang hampas ng maginaw na hangin. Marami ring niyog sa paligid kung saan nagiging lilim iyon ng init sa tuwing tirik ang araw. Hindi man nila nakikita ang view nito dahil sa dilim, tanaw naman nila ang buhangin dahil sa maliwanag na sinag ng buwan.

"Come, samahan mo akong maglakad-lakad sa buhanginan." Sabi pa ni Leon sa kaniya. Naghubad ito ng suot na sapatos at nagpaa. 

"Hubarin mo rin ang suot mo, by this way, narerelease ang stress ng mga paa natin." Paliwanag pa ni Leon kay Lara.

"Ganoon ba..."

"Oo, look at mine. Tara," anyaya pa nito na noo'y kinuha ang kamay niya.

Nang mga sandaling iyon ay hinubad ni Leon ang suit niyang coat para ilagay sa balikat ni Lara.

"Take this, baka lamigin ka."

"Thank you."

Napangiti si Lara sa binata. 

"Why you're always saying thank you to me, Lara. It makes me flattered."

"Kulang pa po kasi ang salitang 'yan sa mga tulong mo sir." Nahihiyang sambit ni Lara dito.

"But it cause you pain and losing something, I am doing this para makabawi sa kasalanan ko, Lara."

"Po?"

"I told you not to say it."

"Ay, ano ang ibig mong sabihin..."

"Oh, Lara, you're too innocent...ang ibig kung sabihin...kinuha ko ang pagkababae mo, you lost your virginity because of me."

Natahimik si Lara saka tumingala sa buwan. Ayaw niyang pag-usapan ang mga nangyaring ganoon.

"Ang...ang ganda ng buwan."

"Just like you." Dudtong naman ni Leon.

Ngumiti si Lara saka nagsalita. "Sir, alam mo ba ang kwento ni araw at buwan?"

"Ha? what's that?" iling pa ni Leon. Sa sandaling iyon ay nakahanap sila ng isang tuyong kahoy kaya doon sila naupo.

"Gusto mo po bang marinig ang kwento nila?"

"Alright."

"Noon, palaging magkasama ang araw at buwan, sila ang pinakamaningning sa kalangitan, tinuring silang mag-asawa at masayang nagsasama, pero alam mo po ba, dahil sa selos, hindi na nagpakita si buwan kay araw dahil akala niya, nalalamangan siya ni araw, hanggang sa nabuo ang gabi. Dahil sa gabi, nakita niya na mas sisikat at makikita ang liwanag niya, nagkaroon ng rason kung bakit sila nagkahiwalay ni araw. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin ni araw si gabi, pero si gabi ay kailanman ay hindi na siya nagpakita kay araw. The end."

Kunot-noong ngumiti si Leon sa sandaling iyon. "Well, anong nangyari kay gabi? nasaktan ba siya dahil sa pagseselos kay araw?"

"Oo, hanggang ngayon may peklat pa rin si buwan, pero kahit may peklat siya, patuloy pa rin siyang nagniningning."

"Hmm, so we have moonlight tonight."

Tumango-tango si Lara.

"You're a great storyteller. I'am impressed." Ngiti ulit ni Leon sa dalaga saka muling sumeryoso.

"Lara."

"Hmmm..."

"You know what..."

"Hmm..."

"I am tempted to your lips again, but trying myself not to...pero hindi ko mapigilan..." sambit ni Leon na noo'y masuyong hinalikan si Lara.

Sa sandaling iyon ay ninamnam ni Lara ang init ng labi ni Leon. Hindi na nila napansin ang lamig ng hangin dahil magkaparehong mainit ang mga katawan nla. They are both sharing a romantic kiss that moment while they're enjoying the moonlight.

A kiss under the moon. A perfect place to be their gate away from problems.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon