Kabanata 23

1.9K 58 5
                                    

Panay harutan sina Alana at Adam sa oras na iyon habang nag-uusap naman sina Veronica at Paul, nasa dulo sina Lara at Leon na rason para makita ang nasa unahan nila, the bachelors are paddling the boat. Kalmado ang dagat kaya madali silang nakapagsagwan papunta sa isla.

"Lara, pwede naman siguro tayong bumalik, baka kasi maabutan tayo ng alon," medyo kabadong sambit ni Alana.

"Sus, nandito na tayo, ano ba, malapit na tayo oh," sabi pa ni Veronica na bet na bet talagang pumunta.

"Saglit lang naman tayo doon." Sabi pa ni Lara na desididong nakatingin sa isla.

"Well, let's treat this as our leisure time, guys, huwag kayong masyadong magpanic," sabi naman ni Adam na noo'y binibilisan ang pagsagwan.

"Siguraduhin n'yo lang ah," Alana pouted her lips.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa isla kung saan bumungad sa kanila ang isang maputing buhangin, nagkalat sa dalampasigan ang mga tuyong kahoy tanda na walang nakakarating doon at walang ibang tao. Marami ang mga bato sa gilid at maraming puno ng niyog. Sabay-sabay silang bumaba sa bangka. Itinali ni Leon ang bangka sa nakausling bato malapit sa dalampasigan.

Nang makapagpasya na silang maglakad-lakad ay ganoon din ang pagbadya ng malakas na hangin, na tila uulan. Ibang-iba ang tempo ng panahon kanina kaysa ngayon.

"Oh my...uulan na yata." May takot na sambit ni Alana.

"Bakit, may dala ka bang asin, girl?" tudyo naman ni Veronica.

"Hmmp!"

"Pst, tama na 'yan, tara pumunta tayo doon..." Lara lead the way na parang alam ang daan.

Nakasunod lang naman ang tatlong lalaki sa kanila na tahimik lang na nagmamasid sa paligid.

Habang nasa daan ay nauna bahagya ang mga babae sa may pusod ng isla, nag-uusap sina Paul, Leon at Adam that time.

"Dude, I heard na pakakasalan mo si Veronica, how come is it legal? 'Di ba't magpinsan kayo?" si Adam ang nagtanong.

"Yeah, pero we know that Veronica is not legitimate part of our family line, ampon siya ng tito at tita ko, at hindi nila alam na alam na namin." Sabi pa ni Paul.

"Huh? paano nangyari 'yon? does this mean na...matagal ng alam ni Veronica ang lahat?" si Leon.

"Yeah, matagal na. Matagal na rin ang relasyon namin...hindi pa sila ng lalaking nakagalaw sa kaniya." Pag-aamin pa ni Paul.

"Woah, that makes sense now..." saad ni Adam.

"We keep it private, and I know maasahan ko kayong dalawa sa bagay na 'to," bahagyang ngiti ni Paul.

"Well, trust us, man." Sabi ni Leon.

"Hmmm, how about you sir?" baling naman ni Paul kay Leon.

"I am working some things, and sorting out how I can defend our relaionship, maraming gustong guluhin ang buhay ko, kaya mas mabuting hindi ko muna siya ipakilala sa lahat." Sagot ni Leon.

"I have someone who can help." Si Paul.

"Who?"

"My bestfriend. He is a priest, bakit hindi kayo magpakasal? A secret wedding?"

"Is it legal?" interesadong tanong ni Leon.

"Yeah." Tipid na sagot ni Paul.

Natigilan sila sa paglalakad.

"Leon?" mahinang untag ni Adam.

"I have an idea." Tanging sambit ni Leon sa dalawa.

"Anong pinag-uusapan ninyo riyan?" naputol lang ang pinag-uusapan nila nang bumalik sa kinatatuyuan nila sina Lara at ang dalawa pa nitong kabigan.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon