Kabanata 28

767 17 0
                                    

Napagdesisyonan ni Leon na magpalipas muna ng sama ng loob sa kaibigan niyang si Adam. Sakto naman at nandoon lang ito sa apartment nito.

Pinindot niya ang doorbell.

Mabilis naman itong nagbukas.

"Oh, dude. Naparito ka."

Isang simangot lang ang sinagot ni Adam.

"Come on in," sambit naman ni Adam na parang may ideya na sa timpla ng mukha nito.

Naupo sila sa couch ni Adam, agad namang naglapag si Adam ng baso mula sa mini fridge na nasa gilid lang ng couch. Isa itong canned beer.

"Uminom ka, bakit? Anong probema?"

"It's dad." Tipid na sambit nito.

"I'll guess, tungkol na naman ba 'to sa kasal n'yo ni Angela?"

Isang pagtango lang ang ginawa ni Leon kay Adam that time.

"Narinig ko nga ang balita, buntis raw si Angela, at nasa hospital siya ngayon." Si Adam.

"Papunta ako sa kaniya, pero...naisip kong pumarito muna."

"I can go with you, kailangan mo ba ng kasama?" sabi pa ni Adam.

He shake his head. "No, kailangan ko lang ng kausap."

"How can I help you, dude?"

"Adam...'di ba't matagal mo ring kilala si Angela?"

"Yes."

"Pwede ba akong humingi ng pabor?"

"Anything..."

"Gusto ko sanang paimbestigahan mo ang mga kakilala at nakasama ni Angela last three months, gusto kong masiguradong nagsasabi siya ng totoo...na ako ang ama ng dinadala niyang bata."

"Hindi ka sigurado sa pinagbubuntis ni Angela?"

"Yes. I do contraceptives, dude, alam mo 'yan."

Isang mahinahong buntonghininga ang ginawa ni Adam.

"Posible nga 'yan, baka ginagamit lang ni Angela ang bata para mahawakan ka niya sa leeg."

"And I won't let that happen..." singit naman ni Leon.

"Tumayo ka, pupuntahan ko ang kakilala kong agent, at ikaw naman...puntahan mo si Angela. Mas mabuting pakisamahan mo muna siya ngayon habang nasa proseso pa tayo ng pag-iimbestiga." Sabi pa ni Adam kay Leon.

Matapos ang iilang minutong usapan ay agad nang umalis sina Adam at Leon, magkapareho silang umalis gamit ang magkaibang direksyon. Nagpapasalamat din si Leon dahil mayroon siyang kaibigang gaya ni Adam.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho papunta sa hospital. Hindi muna siya bumaba sa parking lot. Makailang ulit siyang napabuntong-hininga sa sandaling iyon. Iniisip niyang baka magkaroon ng komosyon mamaya, lalo pa't nandoon ang mama at papa ni Angela.

"I can do this." Sabi pa niya saka sinipat ang mukha sa rekleksyon mula sa salamin.

Nang makababa siya ay agad siyang nagpunta sa information desk at nagtanong. Nang malaman ang eksaktong kwarto at palapag na kinaroroonan ni Angela ay agad na siyang gumayak.

Kabado bente ang nararamdaman n'ya sa oras na 'yon.

Nang marating niya ang kwarto ay nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago kumatok.

Ilang sandali pa'y nagbukas ito at isang mukha ang nakita niya sa loob. It was Angela's mother. Maaaninag sa mukha nito ang disgusto na makita siya, pero pinatuloy pa rin siya nito sa loob, at nang makapasok ay nakita niya ang ama ni Angela na nakahawak sa kamay ni Angela na nakaratay sa kama. Mahimbing itong natutulog, and he guess ay sinadya nilang paturukan ito ng pampatulog.

"Sir, maam." Paunang bungad ni Leon sa oras na iyon.

"We're happy to see your guts coming here, Leon." Ang ginoo ang nagsalita.

"I have to, sir."

"Siguro'y alam mo na ang sitwasyon ng anak namin..."

Tahimik siyang tumango.

"Gusto lang naman naming maiayos ang buhay ng anak namin, Leon. Alam mong mahal na mahal namin ang anak namin, at hindi lingid sa kaalaman mo na ikaw lang ang inaasahan naming makakapagpabago sa kaniya. You are her medicine, Leon. Kaya kung iiwan mo siya ng ganito, para mo na rin siyang pinatay..." May laman na sambit ng ina ni Angela.

"I understand, ma'am, but please hear me...just a minute."

Natahimik ang mag-asawa sa sandaling iyon.

"I can't marry your daughter." Isang mahinahong salita ang binigay niya sa mga ito.

Hindi agad nagbigay ng reaksyon ang mga ito.

"Leon...don't fail our trust in you." Anang ginang.

"Pero ma'am, hindi ko po alam kung ako ang ama ng dinadala ni Angela. Alam po natin na matagal kaming nagkahiwalay dahil nasa States siya."

"S-sinasabi mo bang pakawalang babae ang anak ko?" may bahid ng galit ang boses ng ama ni Angela.

"No, sir. I am just depending myself." 

Isang matalim na tingin ang binigay ng ama ni Angela kay Leon.

"We're not expecting this from you, Leon. Hindi namin akalain na ganiyan ka." Disappointed na sambit ng ginoo.

"I can assure to settle these things with your daughter until she recovers and until makapanganak siya, nang sa ganoon ay  masigurado kong anak ko ang dinadala niya. I won't gamble my own happiness to this situation, sir. I have my own plans, at mawalang-galang na po...wala sa plano ko ang makasama habambuhay si Angela."

Nagimbal ang mag-asawa sa diretsong sinabi ni Leon sa kanila.

"You're a disgrace to your family." Sambit ng ginang sa kaniya.

"Yes, ma'am." Pagtanggap pa niya.

"Makakaalis ka na, Leon, bago ko makalimutang anak ka ng kumpare ko..." mahinahon ngunit diin na sambit ng matandang lalaki sa kaniya.

"Aalis na po ako." Sambit ni Leon. Nang makalabas siya ay napasandal siya sa rails sa may hagdanan habang nag-isip muna. Tama ba 'yong ginawa niya? O may mali ba sa sinabi at ginawa niya?

"Aish! Damn it! Damn it!" litanya niya habang pinagsisipa ang gilid ng railings.

Ilang sandali pa ay nakasalubong niya ang pamilyar na mukha ng isang kakilala. Guro din ito sa paaralang pagmamay-ari nila.

It was Mr. Elmer Sarmiento. Mas matagal ito kaysa sa kaniya at kay Adam.

"Sir Leon?" bungad pa nito sa kaniya.

"Sir Elmer..."

"Anong ginagawa nyo po dito?" tanong pa ni Elmer sa kaniya.

"M-may binisita lang ako...ikaw? sino ang sadya mo rito?" balik pa ni Leon.

"Ah eh, w-wala naman, may schedule lang ako sa check up ko..."

"Ahh, ganoon ba..."

"Oo, s-sige, aakyat na ako ha." Sabi pa nito kay Leon saka naglakad patungo sa hagdanan.

Nilingon niya ito saka nasipat ang mga registry offices na nakapaskil sa dingding ng hagdanan, walang check up rooms doon dahil puro mga wards iyon at rooms ng mga bagong silang na sanggol. Nagtaka siya, is there something he is hiding there?

But, he shake his head. He must mind his own business that time, at mas pinili na bumaba na sa hospital. Babalik na siya sa unit niya, kailangan niyang makausap si Lara tungkol sa sitwasyong kinasasadlakan niya, and he hope that Lara will undertand his situation.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon