Kabanata 73

524 5 0
                                    

Fast Forward...

"Kambal ang anak mo!" sambit pa ng doktor kina Lara at Leon na noo'y nagpapa-ultrasound sa kaniyang tiyan, isang buwan na lang ang hinihintay ni Lara sa kaniyang panganganak.

"Oh my..." sabi pa ni Lara na natutop ang sariling bibig sa sobrang pagkakabigla. Halatang nasiyahan sa narinig mula sa doktor, gayundin si Leon na hawak-hawak ang kaniyang kamay.

"This is a dream come true, doc." Sabi pa ni Leon na dahil sa pagkakabigla ay natapik pa ang balikat ng doktor.

"Dyosko! ang gandang regalo po para sa darating na bagong taon!" sambit pa ni Lara sa oras na iyon. Sa enero na ang delivery month niya. Iyon din ang birthmonth ni Leon. Nagkatinginan sina Leon at Lara sa oras na iyon, halatang walang pagsidlan ang galak na nLararamdaman nila.

Niyakap ni Leon si Lara sa oras na iyon at mangiyak-ngiyak na napangiti.

"Babae at lalaki po ang gender ng mga anak ninyo, sir, maam." Sabi pa ng doktor sa kanila.

"Diyos ko, ang gandang balita po naman!" sabi pa ni Leon na muling tinitigan ang makinaryang nandoon sa kaniyang gilid. Doon makikita ang tila anyo ng batang nasa sinapupunan ni Lara. It was an ultrasound machine na pwedeng marinig ang heartbeat ng bata at ang anyo nito. Hawak pa ni Leon ang screen niyon at tuwang-tuwang napapatawa sa galak.

"Hi there, daddy's here, I can't wait to see you, mga anak!" sabi pa ni Leon sa monitor. Maging si Lara ay nasisiyahan na rin dahil sa nasasaksihan.

Matapos ang sandaling iyon ay agad na pinamalita nina Lara at Leon ang naging resulta niyon. Ganoon na rin ang galak nang malaman nina Alana at Vee ang resulta ni Lara. Sa katunayan nga ay agad itong pumunta sa kanilang villa para mag-celebrate sa naturang biyaya.

Nagkataon din kasi na nandoon sa pilipinas sina Vee at Paul na umuuwi't pabalik-balik na pumupunta sa Singapore. Doon na kasi ito naninirahan, habang sina Alana naman ay may bahay na sa Palawan at sa Samal gaya nila Lara. Kahit medyo malayo sila ay naging mabuti naman ang kanilang komunikasyon, Sa oras na iyon ay nagtipon-tipon silang lahat doon.

They are in the poolside nang mga sandaling iyon habang napagkasunduan na magkaroon ng barbeque buffet.

"Oh nariyan na sila!" sabi pa ni Leon habang nasa chaise naman si Lara at hinahawakan ang paper result. Nakita nilang sumilid na sina Adam at Paul habang kasunod ang magkaibigan na Vee at Alana. May dala pa itong mga prutas at mga dessert.

"Here they are!" ngisi pa ni Paul na agad nilapag ang mga dalang desserts. Ganoon din si Adam na naglapag ng mga prutas, ganoon din ang pagbigay nina Alana ng isang bouquet ng bulaklak kay Lara.

"Hey sis, this is for you!" sabi pa ni Alana na agad bumeso-beso sa kapatid. Ganoon di si Vee na bibong nagbeso-beso kay Lara.

"Alam mo sis, may chika ako sa'yo!" sabi pa ni Vee sa kaibigan.

"Hmm? ano?" si Lara.

"I'm pregnant too!" sabi pa nito nang walang pakundangan.

"Godness?! for real?" sabi pa ni Lara na halatang nabigla.

"Yes."

"Oh, congratualations sa'yo sis!" sabi pa niya saka nagbeso-beso agad.

"And i have also something..." si Alana.

"Oh sis? ano? nabuntis ka na naman?" si Lara.

Kapapanganak lang kasi ni Alana, at iyon nga'y nasa Manila muna ito at pinapaalagaan sa mama ni Adam. Gusto kasi nitong makasama ang naturang apo.

"Hindi! hindi iyon ang ibig kong sabihin!" irap naman ni Alana kay Vee. Napahagikhik naman si Vee saka tinampal ang balikat ni Alana.

"Joke lang naman!" tawa pa nito.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon