Kabanata 67

416 8 0
                                    

Sa sandaling iyon ay nakadipa si Lara sa simbahan habang umuusal ng dasal, mula sa mismong pinto ng simbahan ay lumuhod siya ang dahan-dahang naglakad ng nakaluhod.

"Panginoon, iligtas mo po ang anak namin ni Leon, patawarin mo po ako sa mga kasalanan ko, ipinapangako ko pong maging isang mabuting ina sa kaniya. Panginoon, dinggin mo po ang panalangin ko." Umiiyak na sambit ni Lara sa sandaling iyon.

Sa bandang likuran naman ay tahimik na nakatayo sa may pinto si Leon. Nakatingin lang siya sa malaking krus na nasa gitna ng altar.

Kinakausap niya ito sa kaniyang isip. Nakakuyom ang mga kamao niya at tila pinipigilan na makagawa ng masama o hindi naaayon sa sandaling iyon.

Kung totoo ka man, bakit mo pinapahirapan ang anak ko? 

Bakit siya ang naghihirap, kami ang may kasalanan..kami ang dapat mong parusahan.

Hindi ako naniniwala sa'yo, hindi rin ako gustong maniwala pero...kung maililigtas mo ang anak ko, pinapangako kong habambuhay kitang paniniwalaan, pipilitin kong buksan ang isip at puso ko na totoo ka... na ikaw ang totoong diyos. Kung sa tingin mo'y kinukwestyon kita, patawarin mo ako, dahil isa din akong ama...

Sa sandaling iyon ay nagpunas ng namumuong luha si Leon. Nauna siya sa parking lot at pumasok para hintayin si Lara, nanatiling malalim ang iniisip niya sa sandaling iyon.

Kung mayroon mang pinakamahirap sa lahat ng dagok sa buhay niya, siguro'y ito na ang pinakamahirap sa kaniya bilang ama. Hindi niya maatim na makitang nakaratay sa hospital ang pinakamamahal niyang anak.

"Coleen." Sambit niya saka naluluhang yumuko sa may manibela. Hindi niya gustong makita ni Lara na nanghihina siya, dahil alam niyang isa siya sa nagbibigay ng lakas sa kaniyang asawa, ayaw niyang pati siya'y makitaa nito na nanghihina.

Umiiyak siya sa sandaling iyon nang mapansing may batang kumatok sa may bintana niya.

"Sampaguita po sir," sabi pa nito.

Nagpunas ng sariling mata si Leon at kinausap ito.

"Magkano?"

"Singkwenta po."

"Sige, bilhin ko na lahat. Magkano lahat?"

"Three hundred po."

"Sige, heto."

"Naku, maraming salamat po, sir." Sabi pa nito habang hawak ang limang daan.

"Sayo na ang sukli...mag-iingat ka ha."

"Naku, maraming salamat po, daghang salamat, sir. Pagpalain ka ng diyos!" sabi pa nito sabay bigay ng mga sampaguita.

Agad niyang kinuha ito at nilagay sa may salamin niya sa harap.

Napaisip siya sa sinabi nito...

Pagpalain ka ng diyos...

Pagpalain ka ng diyos...

Pagpalain ka ng diyos...

Parang nagri-ringback sa taenga niya ang sinabi nito. Hindi niya maunawaan kung bakit maraming tao ang naniniwala na may diyos, he even asked himself noon, that time when he figured out that he has a real mother, and he is not belong to his family because his father didn't love her as much as his business, nothing else.

Pinangako niya noon na hihigitan niya ang kaniyang ama, pinangako niyang mas maging makapangyarihan at tanyag...pero ngayon lang narealize ni Leon na hindi niya dapat gaawin ang mga bagay na iyon--dahil sapat na pala ang pagiging isang mabuting ama...sa kaniyang anak.

And that's what he tends to fulfill to Coleen.

Bago pa man umagos ang kaniyang luha ay nakita na niya ang pagdating ni Lara. Maga ang mga mata nito na parang galing lang sa matinding pag-iyak. Nang mapagbuksan niya ito ng pinto ay agad itong umupo sa passenger's seat.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon