Kabanata 16

2.5K 74 6
                                    

Hindi rin sila nagtagal sa facility dahil baka masundan sila ng sumusunod sa kanila. Nagpaalam si Leon kay aling Bella, halatang nalulungkot itong mawalay sa matanda. Dumiretso sila sa rest house na pag-aari ni nanay Bella sa Sta. Josefa, ang sabi pa ni Leon, mas mainam na doon muna sila tumuloy. Nagpaalam na rin si Lara sa nanay niya na may out of town work ito at kailangang asikasuhin muna dahil para sa kaniyang bayarin sa tuition fee niya.

Sakay sila ngayon ng kotse ni Leon, mabilis nilang kinuha ito sa hotel at dumiretso na sa address.

"Sigurado ka ba rito, Leon?"

"Oo, dito ako madalas isama noon ni nanay Bella kapag lumuluwas kami dito sa probinsya nila."

Masayang ngumiti si Lara, ramdam nitong umaaliwalas ang mukha ni Leon kapag inaalala ang kabataan niya.

"Malapit na tayo..." ani ni Leon.

"Ang presko ng hangin dito no?"

"Oo, ibang-iba sa Maynila."

"Sinabi mo pa."

"Kaya nga gusto kong pumarito muna, I am exhausted there." Iling ni Leon.

Tumingin si Lara sa mukha ni Leon saka hinawakan ang kamay nito.

"Alam mo...gumagwapo ka pala kapag nakangiti."

"Hmm, gwapo naman talaga ako."

"Pero 'di naman marunong ngumiti."

"I'm just...I forgot how to...do it."

"Madali lang naman ang ngumiti eh, lalo na kapag may rason ka sa pagngiti mo, at kung sa pamamagitan ko ay maibalik ang ngiting iyon, sana ay...magawa kong pasayahin ka." Kalmadong sambit ni Lara sa binata.

Lumawak ang ngiti nito saka mabilis na inabot ang pisngi ni Lara. Dumukwang si Leon ng halik sa labi nito. Nabigla si Lara dahil kahit ilang beses na siyang nahalikan nito, hindi pa rin niya maitatago na nawawala siya sa huwisyo sa bawat halik nito.

Ilang sandali pa ay pumarada na si Leon sa isang antigong bahay, kahit na luma iyon ay nakikita pa rin na may maganda itong istilo at magandang arkitektura. Malawak ang hardin nito at maraming niyog sa likuran.

"Nandito na tayo..." sabi pa ni Leon.

"Wow ang ganda naman dito."

"Come on," sabi nito na naunang bumaba at gumilid sa kabilang side para pagbuksan si Lara.

Humawak si Lara sa kamay nito at sabay silang nagpunta sa magandang patio na pinaliligiran ng santan, at cosmos na bulaklak. Nakakaengganyo ang paligid dito lalo na ang ambiance ng probinsya.

"Ang tahimik dito..." nilingon ni Lara ang paligid.

"Pinapaayos ko ito sa mga caretaker na oncall dito, gusto ko kasing maalagaan pa rin ang lugar na ito."

Pumasok sila sa sala.

"Here, baby. Sit with me, sit on my lap." Anyaya pa ni Leon na noo'y naupo sa couch. Yari ito sa narra at may kotson na nagpapalambot doon.

Nahihiyang tumalima si Lara sa gustong mangyari ni Leon. Dahan- dahan siyang naupo sa kandungan nito.

"Hmmm...Nakakabaliw ang amoy mo, Lara." Bahagyang hinimas ni Leon ang underwire bra niya. Napakislot siya dahil sa sensasyong iyon. Tila pinapamilyar nito ang kurba ng dibdib niya.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon