Kabanata 57

456 6 0
                                    

Natapos ang magandang okasyon sa buhay nina Alana at Adam that time, mas minabuti rin nila Lara at Leon na bigyan muna nila ng space ang dalawang bagong kasal. Sa pagkakataong iyon mas nagkaroon din sila ng time kay Coleen na noo'y nagyaya sa kanilang family day sa school. Katunayan, this is the first time na nagyaya ito kay Lara since nakikita na rin ni Coleen na reliable at parehong compatible sila ni Leon as her father figure.

"Honey, tara na!" sabi pa ni Lara sa anak. Nasa may veranda na sila para ihanda ang mga dadalhin na kagamitan.

"Teka po, hintayin po muna natin si dada Leon!" sabi pa ni Coleen na halatang excited na makapunta sa school. Ngayon kasi niya mapapatunayan sa mga kaklase niya na may daddy siya.

"I'm here, ready na ba ang lahat?" sabi pa ni Leon na agad humalik at yumakap sa bata.

"Opo! Opo!"

"Okay, let's go know, baka mahuli tayo dahil traffic."

"Yehey!" palakpak pa ni Coleen sabay lundag sa loob ng kotse. Nandoon na si Lara sa may front seat habang si Coleen naman ay nasa likod. Gumilid si Leon para umupo sa driver's seat.

"Hello, gorgeous!" bati pa ni Leon kay Lara.

Isang ngiti lang ang ginawa ni Lara kay Leon that time, animo'y ayaw aminin na gwapo ito sa suot nitong shirt na kulay baby blue, tila nabatobalani si Lara seeing Leon's masculinity, and of course, halos tulo-laway siya that time, 'di lang niya pinahalata. Never!

"What are you staring at? May dumi ba ako sa mukha?" napatanong si Leon sa kaniya.

She just shake her head. "Uhmm, wala naman." Pasubali niya.

Sa sandaling iyon ay namayani ang katahimikan sa kotse, Lara is busy checking her emails while si Coleen naman ay may dinudotdot sa phone niya.

Napalingon-lingon si Leon gamit ang front mirror sa dalawa, halatang tahimik ang mga ito.

"Uhmm..." he cleared his throat.

Nag-angat ng mukha sina Lara at Coleen.

"Bakit po?" si Coleen ang naunang magtanong.

"Anong kina-bi-busyhan mo, baby?"

"Ah, wala naman po, ka-chat ko lang si tita Steph," ngiti pa ni Coleen sa lalaki.

Napawi ang magandang ngiti ni Leon that time, parang hindi niya gustong marinig ang pangalan ng babaeng iyon. Napalunok siya ng sarili niyang laway.

"Okay ka lang ba?" napatanong si Lara sa binata.

"Yeah." He replied, without looking to her eyes. Baka kasi mapansin nito na uneasy siya sa discussion nila about Stephanie.

"Anong sinabi ni Tita Steph mo, baby?" pagtatanong pa ni Lara sa bata.

"Ahm, ang sabi niya sa akin, pupunta raw po siya sa family day ko sa school, tinatanong niya if nasaan na po ba daw tayo..."

Naapakan ni Leon ng hindi sinasadya ang brake ng sasakyan.

"Ano ba!"

"Ouch!" reklamo ng dalawa sa kaniya.

"Bakit ka po nagbrake?" si Coleen.

"Uhm, nothing medyo sumama lang ang pakiramdam ko..." sabi na lang ni Leon para 'di na maghinala ang dalawa.

Hindi mawaglit ni Lara ang tingin sa lalaki that time, pinagpapawisan kasi ito at tila malalim ang iniisip. Nang makarating ito sa school nila Coleen ay panay sindi ito ng sigarilyo, natapos lang ang paninigarilyo nito nang tuluyan na silang pumasok sa main gate, dahil bawal manigarilyo sa loob ng school.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon