Kabanata 17

2.5K 77 3
                                    

Kinabukasan

Nagising si Lara sa malakas na ingay mula sa kung saan. It was her alarm clock. Napabalikwas siya. 

"Ugh, nasaan ang bag ko." She is half awake checking the space in her left side. Nakapa niya si Leon. He is naked, peacefully sleeping beside her. Nang mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng kirot sa bandang sentro ng hita niya, kung saan napatingin siya sa pagkakatabon ng manipis na telang naging kumot niya.

Naalala niya ang nagdaang sandali, ang pagniniig nila ni Leon sa antigong kama na iyon.

Naibalik ang tingin niya sa gilid ng kama at kinuha ang mobile phone niya. Ini-off niya ang alarm saka lang niya napansin ang 50 plus messages na nasa inbox niya. It was Alana and Veronica. Nang mabasa niya iyon ay nagimbal siya.

'Lara, isinugod sa hospital ang mama mo! Nasaan ka ba?'

'Lara kailangan mo nang umuwi'

'Lara sagutin mo ang tawag namin'

'Nasaan ka ba?'

Iyon ang mga mensaheng nandoon. Napahawak siya sa kaniyang sariling bibig.

"Lara? okey ka lang...ba?" napabalikwas si Leon na noo'y kinukusot ang sariling mata.

"Kailangan ko nang umuwi."

"Ha? bakit?"

"Si mama...sinugod siya sa hospital."

"What? kailan?"

"Ngayon ko lang nabasa ang mga message nina Veronica. Leon, kailangan ko nang umuwi, kailangan ako ng nanay ko." Naiiyak si Lara sa mga sandaling iyon.

"Oo, aalis na tayo ngayon, magbihis na tayo..." marahang niyakap ni Leon si Lara para pakalmahin.

"Don't worry, sasamahan kita. Akong bahala sa inyo." Nadinig pa niyang sambit ni Leon.

Sa sandaling iyon ay agad silang nagbihis at naghanda para makaalis. Hindi na rin sila nakapagpaalam sa caretaker na nakaalis na sila. Tuloy-tuloy ang byahe nila that time, ni hindi na nga sumagi sa isip ni Lara ang gutom dahil mas nakatuon siya sa kalagayan ng kaniyang ina.

Nang mga sandaling iyon ay wala siya sa huwisyo habang tanaw ang daan.

"Don't worry, Lara." Mahinahong sambit ni Leon na noo'y hinawakan ang kamay niya.

"Natatakot ako, natatakot ako na mawala sa akin si nanay, siya na lang ang mayroon ako."

"Hindi mangyayari 'yon, Lara. You are not alone. I am here."

Sa sandaling iyon ay mas hinigpitan ni Leon ang hawak niya sa kamay ni Lara. Nang makarating sa sentro ng bayan ay agad na tinawagan ni Lara sina Veronica. Agad naman itong sumagot.

"Hello?"

"Hello, Lara ikaw ba 'to?" narinig niyang boses ng kaibigan.

"Oo. Ako 'to."

"Hoy dyos ko naman, Lara! Pinag-alala mo kami dito."

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon