Kabanata 19

2.2K 68 0
                                    

"Welcome!" bungad ni Leon sa lahat, kararating lang nila Lara sa sandaling iyon, katunayan masaya ang mga ito dahil hindi sila makapaniwala sa natatanaw nilang resort, binayaran ni Leon ang isang linggong rent para sa exclusive rental.

"Ang ganda naman dito!" masayang bungad ng ginang kay Leon saka niyakap ito nang mahigpit.

"Anything for you po, nanay." Masayang sambit ni Leon dito.

"Naku, ang bait-bait mo naman, hijo. Ang swerte ng mapapangasawa mo." Tapik pa ng matanda sa likuran nito.

"Naku, nanay. Sinabi mo pa!" singit naman ni Alana na noo'y nagbababa ng mga gamit kasama si sir Adam. Ganoon din sina Veronica at Paul na medyo tahimik, siguro'y ayaw nilang sumabat dahil baka may masabi na naman silang hindi maganda.

"Nay, sana maging masaya po kayo dito..." ngiti ni Lara sa oras na iyon.

"Halika nga, payakap." Ani ng ginang.

Agad namang lumapit si Lara at mabilis na yumakap rito.

"Group hug!" sabi pa ng ginang sa lahat. Agad namang tumalima ang lahat at niyakap ang isa't-isa.

Sa sandaling iyon ay masaya nilang sinimulan ang pagbaba ng kagamitan, tulong-tulong sina Leon, Adam at Paul sa mga gamit ng mga babae.

"Ihatid namin ito sa mga kwarto natin," ani ni Leon.

"Naku, hijo, sobra-sobra na ang ginagawa mo. Taos-puso talaga akong nagpapasalamat." Sabi pa ng ginang.

"Naku, ako po dapat ang magpasalamat sa inyo, nay, kasi isa po kayong ulirang ina, napahanga mo po ako. Maswerte si Lara dahil ikaw po ang mama niya."

"Naku, kung alam mo lang, ako ang swerte sa batang 'yan." Ngiti pa ng ginang.

"Nga pala, mabuti't hindi ka hinahanap ng mama at papa mo sa inyo, baka naabala ka na namin ah." Sabi pa nito.

"Ay hindi naman po. Hindi po kayo nakakaabala, katunayan, mas pamilya ko pa po kayo kaysa sa pamilya ko." Nakita ng matanda ang paglungkot ng mukha ni Leon, kahit pa nakakubli ito sa kaniyang matamis na ngiti.

"Sabihin mo hijo, may problema ba?"

"Wala po." Iling ni Leon.

Marahang hinagod ng matanda ang kamay nito saka naupo sa kalapit na couch. Naupo silang dalawa doon.

"Makikinig ako." Seryosong sambit ng matanda.

"Katunayan kasi nay...patay na po ang mama ko. Tapos, nag-asawa po ulit ang papa ko."

"Gano'on ba..."

"Opo."

"Hijo, h'wag mong dibdibin ang mga bagay na hindi mo kontrolado, bagkus, mas pagtuunan mo ng pansin ang mga bagay na mayroon ka ngayon..."

Napatingin si Leon sa mukha ng matanda. Napangiti siya sa sinabi nito.

"Sa totoo nga po, mas maswerte po si Lara kasi may inay siya na gaya ninyo, nakakatuwa po, minsan nagseselos ako sa mga tao sa paligid ko, naiisip ko na sana hindi na lang namatay ang mama ko. Siguro hindi ganito ang galit ko sa mundo..."

"Hijo, hindi naman lahat magkakapareho, marami tayong problema, pero sa huli'y dapat nating isipin na hindi tayo bibigyan ng suliranin ng maykapal kung alam niyang hindi natin kayang bigyan ng solusyon. Lahat may paraan, at habang may paraan, masasabi nating...magtatagumpay ka." Ngiti ulit ng ginang.

Napangiti ri  si Leon sa sandaling iyon. Naliwanagan ang isip niya sa mga salita ng ginang.

"Oy, nariyan lang pala kayo, hinahanap ko kayo kanina." Sabat naman ni Lara sa sandaling iyon.

"Oh, anak, bakit?"

"Nay, halina po kayo sa loob, para makapagbihis na po kayo, dinala ko po lahat ang panligo mo po, maganda po ang hangin sa dalampasigan, doon po tayo umupo." Excited na sambit ni Lara sa kaniyang ina.

"Hmm, sige, halika, hawakan mo ang kamay ko."

Mabilis na inalalayan ni Lara ang ina saka nagpaalam kay Leon. Naiwan si Leon sa sandaling iyon, nasa isip pa rin niya ang sinabi ng matanda. Isang payo na kailanman ay hindi niya kakalimutan.

---

Nang mga sandaling iyon ay nasa tabing-dagat na sila, masaya silang umiinom ng buko juice na nasa buko pa ng niyog.

Nakapambihis na rin siya ng panligo habang suot ang magagandang sombrero at shades. Nasa lilim sila ng mga punong nilagyan din ng mga roof. Nakaupo silang lahat sa nakahilerang plastic chaise.

"Ang sarap naman dito." Sabi ni Alana.

"Sinabi mo pa!" si Veronica.

"Teka, pupunta muna ako sa bandang 'yon ah, kukuha muna ako ng picture." Paalam naman ni Adam.

"Wait pare, sama ako." Sabi ni Leon.

Naiwan naman si Paul na naglalagay ng sunscreen lotion sa likod ni Veronica.

Sa sandaling iyon ay tahimik na naglakad palayo ang dalawang binata.

Nakikiramdam si Leon kay Adam, halata kasi na parang may gusto itong sabihin.

"Dude," tawag ni Leon sa kaibigan."

Lumingon si Adam saka tahimik lang na tumingin kay Leon.

"May gusto ka bang sabihin?" unang bungad ni Leon.

Adam sighed and rub his nose with his thumb.

"Kilala kita, Leon. Sabihin mo mang walang namamagitan sa inyo ni Lara, klarong-klaro ko kung paano kayo magtinginan, kung paano kayo mag-usap."

"Dude... we are just...friends."

"G-ganiyan din ang sinabi ko noon kay Alana, pero dude, alam mong napamahal na ako kay Alana, we're together now, we are living in the same roof, and of course, gusto ko siyang pakasalan kapag nakapagtapos na siya. Pero sa sitwasyon mo dude, ang pagkakaalam ng lahat, may fiancee ka na. Ikakasal ka na kay Angela, pero ano 'tong ginagawa mo? Hindi ka ba natatakot na baka magkagulo?" sabi pa ni Adam sa kaibigan.

"Alam ko ang ginagawa ko...Adam."

"Dude, payong kapatid lang ha...kung gusto mong hindi magkagulo, mas mabuting mamili ka kung sino talaga sa dalawa ang mahal mo, kung sino lang ang ginagamit mo, o kung saan ka ba talaga masaya. Kasi, sa huli, ikaw rin ang mahihirapan, and worst, parehong mawawala sayo ang lahat-lahat."

Seryosong sambit ni Adam. Tinapik pa nito ang balikat ni Leon.

"Thanks, dude."

Isang ngiti lang ang sambit ni Adam sa kaniya. Sa sandaling iyon ay nagpatuloy sila sa paglalakad, hawak ni Adam ang kaniyang camera habang kinukunan ang karagatan. 

"Adam..."

"Hmmm?"

"May sasabihin sana ako, tungkol kay Lara."

"Hmm, what?"

"Sa totoo lang...matagal na akong nakapili sa dalawa, at ang gusto kong mangyari ngayon, ang makawala sa anino ng nakaraan ko, buo na ang loob ko, gusto kong magkaanak kay Lara..." 

Napaawang ang labi ni Adam sa sandaling iyon.

"What do you mean?" sabi pa ng binata sa kaibigan.

"I need...an heir." Iyon ang sambit ni Leon saka tumingala sa kalangitan.

"I want to do this not because I need sex, or a woman. I need to do this because that is the qualification in the testament of my father."

"Fuck what?" bulalas ni Adam sa sandaling iyon.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon