Kabanata 27

821 14 0
                                    

Sa kabilang banda. Hindi mapigilan ng kaniyang ama at ina si Angela na noo'y nagwawala sa kaniyang kwarto. Kararating lang ng mag-anak mula sa Jordan nang makarating sa kanila ang balita na na-postpone ang kasal ng kanilang unica hija at hindi na ito matutuloy.

"Angela, anak...buksan mo ang pinto!" sabi ng ginang.

"No! Leave me alone! I wanna die!" sigaw pa ng dalaga sa kabilang kwarto.

"Habibi, makinig ka sa mama mo, please!" dagdag pa ng kaniyang ama na noo'y nag-aalala na rin.

"Manang, give us the spare key! dali!" sigaw ng ina nito na natataranta na. Alam kasi nila na suicidal ang anak nila, at alam din nila kung ano ang kaya nitong gawin.

"No, please! Ayoko na! Ayoko na! Huhuhuhu! I hate this life!"

"Angela!" sigaw pa ng ina nito, umiiyak na rin ito habang minamadali ang pagpasok ng susi sa pintuan.

Mabuti na lang dahil nang mabuksan nila ang pinto ay hindi naituloy ni Angela ang pagtarak ng kutsilyo sa kaniyang tiyan, dahil mabilis itong naagaw ng kaniyang ama.

"Habibi! No!"

"Nooooo!"

"Ahhhhh, ayoko na.." napasandal si Angela sa malamig na dingding, hindi mahitsura ang mukha nito dahil sa pag-iyak, magulo ang buhok nito at may mga mantsa ng dugo ang ilang bahagi ng damit nito, nakita nilang may iilang laslas ito sa kaniyang pulso. Mabilis na kinuha iyon ng kaniyang ama at hinatak ang tela mula sa kurtina na siyang nilagay sa pulso nito para mapigilan ang pagdurugo.

"Let's take her to the nearest hospital." Mabilis na binuhat ito ng kaniyang ama.

Nakahanda na rin ang sasakyan that time kaya hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa na umalis. Nang makarating sila sa hospital ay agad naman itong inasikaso ng mga nurse at doktor.

Nakampante ang mag-anak nang ideklara ng doktor na safe na ito at nabigyan na ng pampakalma at pampatulog.

Kausap sila ng doktor that time.

"Maam, sir, mabuti po at nadala n'yo agad siya sa hospital, marami-rami ang dugo na nawala sa kaniya...at mayroon din po kayong dapat malaman..."

"What is it, doc?"

"Your daughter is....pregnant."

"What?" Halos magkasabay na sambit ng mag-anak.

"Opo, she's three weeks pregnant now, but..."

"But, ano po doc?"

"May nakita akong abnormalities sa pagbubuntis nya, mahina ang kapit ng bata, kaya dapat po natin siyang imonitor..."

"Oh my god..." bulalas ng ginang. Napayakap ito sa kaniyang kapareha.

"Si Leon ang ama ng batang 'yan! Dapat matuloy ang kasal! Hindi pwedeng maging bastardo ang magiging apo ko! Magkakamatayan kami!" sabi pa ng ama ni Angela.

---

At the other side.

Kagigising lang ni Leon, it was 8:00 am. Nabungaran niyang wala na sa tabi niya si Lara. Nakahubad siya habang tabon ang kumot.

Tanging katahimikan lang ang namamayani sa apat na sulok ng kwartong iyon. Nang makita niya ang kaniyang phone ay kumunot ang noo niya. It was his dad, hinahanap siya nito.

At ilang missed calls na rin ang nasa call logs niya.

Dahan-dahan siyang nagtapis ng tuwalya habang hawak pa rin ang phone. He decide to call his dad that time, minsan lang kasi sa blue moon ito magparamdam sa kaniya, kaya meaning...may importante itong sasabihin o sadya.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon