Kabanata 60

475 5 0
                                    

Tanaw ni Laa ang maluwang na kwarto kung saan siya naroroon. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari, hindi siya makaalala na siya na pala ang Director ng university nila, at isa na siyang businesswoman. 'Di umano, siya na ang nagmamay-ari ng limang kilalang kompanya sa Pilipinas, kasama na ang factory ng mga tela na ine-export sa abroad.

"Lara, anong...gusto mong kainin? Ipaghahanda ka ng chef namin dito." Sabi pa ni Vee, nasa likuran nito ang asawang si Paul, kasalukuyan siyang naka-check in sa hotel na pagmamay-ari nila Vee. 

Ilang sandali pa ay dumating sa eksena si Alana, kasama nito si Adam na may dalang kumpol ng bulaklak, may dala din silang mga orange at apple.

"Kamusta na ang pinakamagandang pasyente natin?" sabi pa ni Alana.

"Alana..."

"How are you, Lara?" tumabi ito sa kaibigan, tumabi din si Vee dito saka hinimas himas ang buhok nito.

"Talaga bang...hindi ako nananaginip, totoo bang businesswoman na si Veronica at may asawa na siya? Hindi ko maintindihan, hindi ba't nasa college pa tayong tatlo?"

"Relaxed Lara, shhh..." awat ni Alana, baka kasi mabinat ito kapag nagpatuloy pa itong gumalaw.

"Ang mabuti pa'y magpahinga ka nang gumaling ka na at makabalik na tayo sa dati. Nami-miss na namin ang kaibigan namin e..." naiiyak na sambit ni Alana.

"Nandito lang kami para sa'yo, Lara." Dagdag pa ni Vee sa kaniya.

Niyakap nila ng mahigpit si Lara that time at minabuting alalayan ito para makakain.

"Gusto ko sanang sumabay sa inyo sa pagkain." Hiling pa ni Lara sa kaibigan.

"Alright, sige, doon na tayo sa dinning area." Sabi naman ni Adam at Paul na umalalay din sa likod ni Lara. Hindi pa masyadong magaling ang binti ni Lara kaya medyo paika-ika ito kung maglakad.

Nauna ang mga babae sa hapag, sumunod lang naman si Paul at nagpaiwan sa hallway si Adam, tinawagan niya si Leon that time, nang hindi alam ng lahat.

Mabuti na lang at mabilis ding na-pick up ni Leon ang tawag niya.

"Hello dude?"

"Yes? Adam?" sabi ni Leon sa kabilang linya.

"Kamusta ka riyan sa Samal?"

"I'm good. Kamusta si Lara?"

"Well, medyo mabuti na ang pakiramdam niya, pero hindi pa rin maayos ang binti niya, nahihirapan pa rin siya sa paglalakad."

"How about her memory?"

Hindi muna nagsalita si Adam that time, he sigh and clear his throat. "Actually, hindi pa bumabalik ang lahat ng alaala niya, Leon. Nahihirapan kaming ipaintindi ang nangyari, at alam naming hindi ka niya kilala sa panahong ito. Wala siyang matandaan tungkol sa'yo..."

Natigilan si Leon sa sandaling iyon, hindi siya makapaniwala na malubha pala ang impact sa ulo na natamo ni Lara that time.

"Hmm, how about Stephanie, may lead ka na ba?" pabalik na tanong ni Adam.

"Nasa Davao siya, nasa kalagitnaan na ako ng paghahanap ko, may inaasikaso ako ngayon para matunton na talaga ang lugar niya." Sagot naman ni Leon sa sandaling iyon.

"Sige, hindi na ako magtatagal ha, baka hanapin na ako ni Alana. Tatawag na lang ako sa'yo kapag may balita ulit ako..."

"Sige, dude, thank you so much." Sabi naman ni Leon sa kaibigan.

Sa sandaling iyon ay bumalik na si Adam sa paglalakad nang makita niya ang pigura ni Alana na kanina pa pala nakatingin at nakikinig sa kaniya habang nakatalikod siya.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon