Kabanata 74

1.2K 8 0
                                    

Sa mga oras na iyon ay nasa delivery na si Lara, kasalukuyan na kasi itong nagde-deliver sa kaniyang kambal na anak. Walang kibo silang lima sa labas ng waiting area habang kapwa nakasuot ng hospital dress, mabuti na lang at may nag-offer sa kanila na suotin iyon, lalo pa't takaw pansin ang mga histura nila kanina nang makapasok sila sa hospital.

Labas ang mga kalamnan at mga balun-balonan nila sa mga oras na iyon, kulang na lang ay magsagawa sila ng pornograpiya habang tulong-tulong na inaalalayan si Lara.

After a long hour, ay napagpasyahan nilang magpadala ng kani-kanilang mga gamit sa kanilang mga tauhan. Mabuti naman at nakLarating ang mga ito, kahit pa na-traffic.

They said, it is better late than never.

"Here they are," putol pa ni Leon sa kanilang pananahimik. Agad na nakita sila ng mga tauhan nila, na noo'y dala ang mga supot ng kanilang damit. Wala silang pakialam sa oras na iyon habang doo'y nagbibihis sa waiting area.

Kahit si Alana nga ay walang pakialam na nagsusuot sa kaniyang dress, natuyo na ang swimsuits nila, kaya okey na rin na suotin ng diretso ang mga damit nila.

"Pasensya na po kung natagalan." Sabi pa ng tauhan ni Paul.

"It's fine, ang importante'y nasigurado nilang aabot si Lara sa hospital. Pansin nilang seryoso si Leon habang nakaupo sa bench. Kaya minabuti nilang kausapin ito.

"Bro, okey ka lang ba?" tanong pa ni Paul sa pinsan.

"Yes, okey lang naman ako, naninibago lang kasi ako kasi noon…hindi ko nasaksihan ang panganganak ni Lara kay Coleen," simpleng sambit nito na hindi ipinapakitang ninenerbyos siya.

"Okey, chill ka lang, huwag kang nerbyosin, kaya ni Lara iyon, she's a fighter." Dagdag pa ni Paul. Tumango-tango naman si Leon saka ngumiti. Tinapik naman ito ni Adam na noo'y nasa gilid niya.

"We're here, Leon. Nandito kami pLara sa'yo, pLara sa inyo." Si Alana na nakasandal kay Vee. Patango-tango lang naman si Vee saka ngumiti. Sa pagkakataong iyon ay naibsan nang kaunti ang nararamdaman ni Lara na pangamba at takot sakalaing mapano si Lara. Hindi kasi niya alam ang gagawin kung may mangyari rito. Sabi pa ni Alana, it will take three to five hours ang labor time, kaya ganoon lang din ang paghihintay nilang matapos iyon. Mabuti na lang at nakipag-cooperate ang mga asawa nila at noo'y umuwi muna para magluto ng mga kakainin nila sa hospital.

Paul and Adam, went home just to do the meals, naiwan naman sina Leon, Alana at Vee sa mga oras na iyon. Pasado alas onse na ng gabi sa oras na iyon, and it's December twenty-eight of that month.

Sabi pa nga nila, it is the national innocence day. Sa hindi pa nagtagal ay lumabas na sa delivery room ang doktor, nakasuot ito ng hospital dress at mga gwantes sa kamay. Nandoon din ang hair protection net nito at ang de-gradong eyeglass na suot nito sa kaniyang mata.

"Sino ang asawa ng pasyente?" tanong pa ng doktor.

"Ako, ako ho dok!" taas- kamay pa ni Leon. Lumapit sila sa isa't-isa at noo'y nag-usap.

"Mr. Amoroso," bungad ng doktor.

"Kamusta po ang asawa ko?" tanong pa niya na halatang excited sa sasabihin ng doktor.

"She's fine, tapos na po ang delivery niya, normal po ang kambal at parehong malulusog." Ngiti pa ng doktor. Sa sandaling iyon ay hindi mapigilan ni Leon ang mapangiti at matutop ang sariling bibig.

"Congratulations, sir." Tapik pa ng doktor sa kaniya. Ganoon na lang din ang saya ni Leon at napayakap sa mismong doktor. Halatang hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman.

Pagkatapos niyon ay naglamano pa silang dalawa at gayundin sina Alana at Vee na masayang nakinig sa balita.

"Congratulations, Leon!" sambit pa nina Alana at at Vee sa kaniya. "Maraming salamat," ngiti niya sa mga ito na noo'y niyakap ang dalawa.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon