Kabanata 18

2.3K 68 4
                                    

Naramdaman ni Lara ang paghagod ni Leon sa kaniyang likod. Nagising siya dahil doon.

"Lara, gising na ang mama mo." Sabi pa ni Leon sa oras na iyon. Nasa kotse silang dalawa habang nagpapahinga. Nakapark iyon sa parking space ng hospital. Mabilis na bumaba si Lara para pumunta sa loob. Nakaalalay at nakasunod naman sa kaniya si Leon.

"Dahan-dahan, Lara."

"Gusto ko nang makita si mama." Sabi pa nito.

Nagmamadali si Lara sa daan patungo sa kwarto ng mama niya.

Mabilis na hinawakan ni Leon ang beywang nito dahil halos matumba na ito habang paakyat ng hagdanan.

"Please be careful," he remind her while staring her eyes.

"Leon, natatakot ako." Naiiyak na sambit ni Lara habang nasa kalagitnaan sila ng hagdan.

Marahang niyakap ni Leon ang dalaga at hinagod ang likod nito. Alam niya ang pakiramdam nito, dahil gaya ni Lara, hinihiling nito na sana ay nakasama niya ang mama niya noon, hinihiling niya na sana ay buhay pa ito.

"Shhh, please don't cry, nasasaktan ako." Mahina ngunit sincere na boses ni Leon.

"Leon, gusto ko pang makasama si mama..."

"Lara, mahirap man na tanggapin, wala na tayong magagawa, but..."

"But? what?"

Tumikhim si Leon sa sandaling iyon.

"May naisip ako."

"Ano 'yon?"

"Let's make every seconds for your mom, worth for a while, ilabas natin siya sa hospital na 'to, magbakasyon tayo."

"Pero..."

"Please, Lara. Gusto kong makatulong. I guess iyon ang mabisang paraan sa lahat, gumawa ka ng magandang ala-ala kasama ang mama mo, sa ganoong paraan...iyon ang babaonin niya."

Tumahimik si Leon nang makitang isa-isang pumatak ang luha ni Lara.

Wala itong salitang sinabi pero ramdam niyang nagpapasalamat ito sa ideyang sinabi niya.

"I will do everything, Lara..."

Sa sandaling iyon ay nagpatuloy sila sa kwarto ng mama ni Lara.

Nabungaran nila itong nakangiti, animo'y walang iniindang sakit.

"Oh, Lara...anak ko!"

"Mama!" bungad naman ni Lara saka mabilis na lumapit para yumakap.

Nagyakapan ang mag-ina sa sandaling iyon, nakatanaw naman sa malayo si Leon na noo'y nasa bukana pa rin ng pintuan.

Tanaw niya ang mag-ina sa sandaling iyon, bagama't malungkot siya sa sitwasyon ng mama ni Lara, masaya pa rin siya para rito dahil kahit papaano ay nagkasama silang dalawa, mas mapalad pa rin si Lara dahil nakasama nito ang mama niya. Nahagkan, nayayakap at nakakausap...hindi gaya sa kaniya na mula pa ng isinilang siya'y wala siyang maaalalang masayang sandali na kapiling niya ang mama niya.

He sighed.

Sa mga sandaling iyon ay napalingon si Lara sa gawi niya.

"Mama, si sir Leon po, siya ang professor ko sa school."

"Ah gan'on ba? Pasok ka po sir." Nakangiting sambit pa ng ginang kay Leon.

Ngumiti si Leon saka pinaunlakan ang hiling ng matanda. Lumapit ito at nagmano.

"Kaawaan ka ng dyos, hijo."

"Kamusta na po kayo..." magalang na tanong ni Leon dito.

"Ay naku, wala naman akong sakit eh, sakit lang sa tiyan ang naramdaman ko, okey na ako, pwede na nga akong lumabas ngayon." Ngiti pa ng mama ni Lara.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon