Kabanata 45

612 10 0
                                    

"That's impossible, there's no Lara Caleign Villa Verde here." Iyon ang narinig na sagot ni Leon habang kausap ang mismong manager ng resort.

"Can you re-check it again?"

"Okay." Sagot nito sa kaniya.

Napakunot-noo si Leon dahil hindi nagututugma ang mga detalye na sinabi sa kaniya ni Stephanie, imposible naman kung nagsinungaling lang ito sa kaniya. Naguguluhan siya sa sandaling iyon dahil hindi rin niya makontak ang numerong ibinigay ni Stephanie, na siyang gamit umano ni Lara sa Bali.

Nasa lounge siya ng hotel sa oras na iyon nang malingunan niya ang malaking flat screen television na nasa gitna, maraming nakatingin sa update ng balita, na umano'y may banggaan na naganap.

Umiling lang siya. "So reckless!" sambit pa niya sabay lingon ulit sa table ng receptionist.

"Headline for today, one Filipina victim of harassment and illegal trafficking was rescued last Monday, she is now confined at Octagon Hospital, Bali. Her daughter is now under observation, for further news updates, watch out for our broadcast in CXN News update."

Napalingon si Leon sa may screen pero hindi na niya naabutan ang balitang napakinggan niya.

"Filipina?" ginapangan siya ng kaba that time.

"H'wag naman sana..." anas niya sa sandaling iyon.

Mayamaya ay bumalik sa harapan niya ang receptionist at ang manager.

"We're so sorry sir, but, there's no Ms. Lara Caleign on our list of reservations this week."

Bumuntong-hininga si Leon. "Alright, thank you."

"If it's fine with you sir, you can leave your contact number to us, once we encounter this customer so we can help you."

"Uhm, okay, here's my calling card." Sabay abot ni Leon sa mga ito.

Ilang sandali pa ay umalis na siya sa gusali at bumalik sa kaniyang nirentahan na van, hindi siya pwedeng mag-check in sa hotel na iyon kung wala naman doon ang hinahanap niyang tao.

Napakamot siya sa sariling ulo. "Kung hindi doon nag-check in si Lara, kailangan niyang ma-trace kung saan ito tumuloy. Sa lawak ng Bali, Indonesia, mahihirapan siya kung iisa-isahin niya ang bawat hotel at inn doon. 

Mabuti na lang at naalala niya ang airport, gusto niyang balikan ito para makakuha ng coverage ng CCTV or details ng flight ni Lara para kumpirmahin na nakalapag nga ito sa Bali.

Madali siyang bumalik sa airport at nakipagtulungan sa mga staffs doon. Mabuti na lang at mabait ang mga ito at tinulungan siyang makakuha ng mga recent coverage ng video sa araw kung saan lumapag si Lara.

Nasa harap na sila ng maraming monitor that time, habang inisa-isa nila ng tingin ang bawat paglapag at paglabas ng mga pasahero sa oras na iyon. Matamang nakatingin si Leon sa lahat ng screen hanggang sa napansin niya ang pamilyar na mukha ni Lara, bitbit nito si Coleen na noo'y masayang pumapalakpak dahil sa tiitingnann na welcome dance doon sa airport.

"That one!" turo ni Leon sa oras na iyon.

"Alright, sir." 

Mabilis na kinuha ng staff ang detalye ni Lara at nakipagcoordinate sa mga kalapit na inn, resort, hotel kung mayroon bang naka-check in na ganoong pangalan. Inabot ng limang oras ang paghihintay ni Leon sa airport habang hinihintay ang mga nakalap na detalye nito hanggang sa tinawag siya ng isang police staff na nandoon. Alam niyang Filipino ito dahil nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya.

"Kamusta ka, sir?"

"Hello, kabayan. I am looking for my wife." Pakilala pa niya.

"Yes, Ms. Villa Verde, and her child. I am sorry for the long wait, pero wala po talaga sa mga hotels at resorts si Ms. Lara dahil may nangyari po sa kaniya, naaksidente siya last Monday dahil sa pagtatangka ng isang vigilante. Na-news pa nga siya sir, kung nabalitaan mo po ang CXN News, kasalukuyan po siyang naka-confine sa Octagon Hospital dahil may fracture po ang tuhod niya."

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon