Kabanata 31

790 12 0
                                    

Two o'clock in the afternoon.

"Come on in," sabi pa ni Lara sa kung sinong kumakatok sa kaniyang pintuan. The door opened and it was Julian. Nakaready na ito habang suot ang inspection vest nito.

"Let's go?" ani nito sa kaniya.

"Sige." Ngiti ni Lara na noo'y nakasimpleng T-shirt na puti lang at pantalon lang din. Nakaponytail lang ang buhok niya saka nagsuot din ng company vest. Simpleng-simple lang siya kung titingnan sa oras na iyon. Kinuha niya ang sling bag saka kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan.

"I'll drive, ma'am Caleign." Insist pa ni Julian.

"No, ako lang, Julian."

Napakamot ng batok si Julian saka tumango na rin. "Okey, sige po." 

Nang makalabas sila sa office ni Lara ay madali namang sumunod si Daisy.

"Ma'am, nakalimutan n'yo po yata ang coat n'yo."

Umiling si Lara. "No need, Daisy."

"Payong po?"

"Nope."

"Ahmmm, sunglasses n'yo po?"

"Nope, I'd love to go under the sun now."

"Naku po, masyado pong mainit sa labas..." Sambit pa nito na dinaig pa yata ang nanay niya o si Stephanie sa pagremind ng mga needs niya.

"Don't worry, Daisy. I can handle myself, thank you." Sabi pa niya rito. Ngumiti siya saka kumaway.

Kumaway din si Daisy pabalik sa kaniya bago pa sila makapasok sa elevator.

Nang nasa elevator na sila ni Julian ay napailing si Julian. "May nag-iba yata sa'yo ngayon ma'am Lara." Iling ni Julian.

"Well, I hope that it's a good change, Julian. Gusto ko lang na maiba ang ilang bagay."

"Mabuti po 'yon, ma'am. Mas mabuti po ang pagbabagong nakikita namin, lalo na po kung nakikita po naming ngumingiti na po kayo..." Kamot-ulong sambit nito.

She just replied Julian with a smile.

Nang makarating sila sa parking lot ay nagbukas ng pintuan ng sasakyan si Lara. Siya ang nasa driver's seat at nasa passenger's side naman si Julian.

"Hindi naman malayo ang area no?" si Lara na noo'y tumingin sa salamin bago nag-seatbelt.

"Hmm, 'di naman po, mga isa't kalahating oras lang po."

"Hmm, okey. Let's go na..."

Nang makalarga na sila ay tahimik lang si Julian habang nakasakay, nakatingin lang ito sa labas ng bintana habang nakikinig sa mahinang musika mula sa speaker ng kotse ni Lara. Hindi mahilig makinig si Lara ng music pero dahil gusto niyang ibalik ang dati niyang hobbies, nagpatugtog siya ng love songs. Hindi tuloy mapirme si Julian dahil naninibago ito sa kaniya.

"Julian, pwede ba kitang matanong?"

"Ah, opo ma'am?"

"Hmm, wala ka pa bang balak na mag-asawa?" wala sa sariling tanong nito.

"Ahm, katunayan nga po...ano..."

"Hmm? ano?"

"May napupusuan na po ako."

"Ganoon ba, sino? Kilala ko ba?"

"Opo." Nahihiyang sambit ni Julian.

"Sino?"

"Nahihiya po ako."

"Nakikinig ako, wala kang dapat na ikahiya..." paglalakas -loob pa ni Lara kay Julian.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon