Kabanata 42

643 10 0
                                    

Maagang pumasok si Lara sa university para gawin ang mga reports, at submissions na kailangan ng school division's office. Gusto niyang ipagawa lahat kay Leon ang mga kailangan niyang reports. Nang nasa labas na siya ng office nito ay humugot muna siya ng isang malalim na hininga, hindi pa kasi mawala sa isip niya ang nangyari kahapon.

She starts to knock on the door, not once, not twice...

"Leon? Can I come in?" tanong pa niya, pero walang sagot ang bumalik. She starts to pull the door and get shocked about what happened. Nakabulagta sa sahig ito at walang malay. Napansin din niya na ang suot nito ay ang suot kahapon, kung saan...basang-basa ito sa buhos ng ulan.

"Leon? Leon? Oh my god!" yugyog niya rito. Pero wala itong response.

She check his temperature, sobrang init nito. "My god, ang taas ng lagnat mo..."

Nag-panic siya, mabilis niyang tinawagan ang mga staffs sa school pati na rin si Adam at Alana na mismong umalalay sa kaniya. Dumating ang ambulansya at dinala si Leon sa pinamalapit na hospital.

Hawak ni Lara ang sariling balikat habang nakatayo sa hallway ng hospital, ganoon din sina Alana at Adam na abalang kausap ng doktor. Nakokonsensya si Lara sa nangyari...

She's guilty, dahil kung 'di dahil sa kaniya...hindi magkakaganoon si Leon.

She didn't wanted na magiging ganoon ang kalabasan ng pagpapahirap niya sa lalaki pero parang sumobra yata ang ginawa niya.

Napayuko siya dahil hindi niya alam kung ano ang uunahin.

"Lara..." sabi ni Alana.

"Hmmm, Alana, anong sabi ng doktor?" nag-aalalang sambit niya.

"Kailangan muna ni Leon na magpahinga, may fatigue siya."

"God..." sabi niya sa sarili.

"Dito muna siya sa hospital..." dagdag pa ni Alana.

"Pero...sinong magbabantay?" sabat ni Adam sa likuran ni Alana.

"A-ako." Sagot ni Lara sa dalawa.

Nagkatinginan ang mga ito.

"Sigurado ka ba, Lara?" tanong ni Adam.

Tumango lang siya.

"Sige, I can handle the needed meds, ako na ang bibili sa labas," sabi ni Alana.

"I can give you a ride." Sabi naman ni Adam sa babae.

"Sige mauna na kami, Lara. Nasa loob siya ng kwarto." Sabi ni Adam.

Sa sandaling iyon ay dahan-dahang tinahak ni Lara ang nasabing lugar, nang buksan niya ang pinto ay nakita niya doon ang walang malay na lalaki. Payapa itong nakahiga sa hospital bed, nangingibabaw sa lugar ang kulay puting kurtina at ang kagamitan na nagpasimple sa kwarto. May malaking bintana din doon na pwedeng buksan para maamoy ang preskong hangin. Naupo siya sa isang upuan, malapit sa kama. Nakatanaw lang siya sa mukha nito at halatang guilty sa nangyari.

'I am sorry...' iyon ang usal niya sa sarili, na tanging nasa isip lang niya nasasabi.

'Hindi ko gustong...mangyari sa'yo 'to.' Dagdag pa ng isip niya.

Bahagya siyang lumapit sa natutulog na mukha nito, kinakabisado niya ang mukhang natatandaan niya noon, ang mukha ng lalaking minahal niya, at patuloy niyang minamahal hanggang ngayon. Hindi niya inaasahan ang sumunod na pangyayari, hindi niya inaasahan na hahalikan niya mismo ang labi ng binata. She is tempted. She can't control her mind, over her heart that time. Hindi niya alam na nagising si Leon sa oras na iyon.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon