Kabanata 15

2.6K 68 35
                                    

Sa kabilang banda...

Nasa telepono si Angela habang kausap ang isang informer na nagbigay sa kaniya ng isang impormasyon.

Masama siya kung kutuban, dahil madalas...tama ang kutob niya.

"Confirmed po, senyorita, may kasama po si sir, paalis na po sila sa club," sabi pa ng informer ni Angela.

"Who's that fucking bitch! Sundan mo sila!"

"Sige po."

Nang matapos ang tawag na iyon ay malakas niyang itinapon ang telepono sa pool. Malakas siyang sumigaw sa oras na iyon, ramdam ng mga kasambahay niya na tinutupak na naman siya. Agad namang nagsialisan ang mga ito.

"No! hindi pupwede! Leon! Hindi mo 'ko basta-basta maloloko!" sigaw niya sa kawalan habang inaalam ang babaeng kinahuhumalingan na naman ni Leon. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang naboko na nambababae si Leon. Aminado si Angela na babaero ito simula pa noon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na kahit kailan ay hindi niya napupunan ang kaligayahang hinahanap ni Leon.

Napasalampak siya sa plastic chaise saka ginulo ang buhok. Nag-ooverthink na naman siya kung sino na namang babae ang dapat niyang idespatcha!

Hanggang hindi pa sila legal na mag-asawa ay hindi matatahimik ang kaluluwa niya.

Inabot niya sa circular table ang baso ng alak saka nilagok iyon. Ang problema sa kaniya ay alam ni Leon na hindi siya pwedeng mabuntis dahil sa sakit niya. Sinabi ng doktor na makakasama sa kaniya ang pagbubuntis. At alam niya, kahit hindi pa sabihin ni Leon, alam niyang gusto na ni Leon na magkaanak.

"Damn it!" tapon ulit ni Angela sa baso ng alak sa pool.

"What's wong hija?" napalingon si Angela sa mga sandaling iyon. Nabigla siya dahil hindi niya alam na kakarating lang pala ng kaniyang ama, si Don Laurencio, ang hotel and casino magnate ng Arab continent, marami itong mga negosyo, at isa na doon ang pinapamahalaan ni Angela na mga shawarma food chain.

"Baba!" galak na sambit ni Angela at naiiyak na yumakap sa kaniyang ama.

"Oh, bakit ka naiiyak, anong problema?"

Umiling siya. "Nothing, baba."

"Hmm, come on, sweetheart, anong problema? I know you have something hiding, I can read it in your eyes, anak." Mahinahon na sambit ng kaniyang papa.

Suminghot siya saka umiling. "Uh, it's about Leon, baba."

"Nag-away na naman ba kayo? Malapit na kayong ikasal hija. Are you two still didn't fit each other?"

Umiling siya.

"No, baba. Ako lang naman po ang nagseselos."

"Oh my poor baby, mana ka talaga sa mommy mo, mga selosa talaga kayo." He cheer her up.

"But baba..."

"Listen, hija. Lalaki si Leon, and alam mong ayaw na ayaw namin na sinasakal, I told you before right? Huwag mo kasi siyang higpitan, anak." Ngiti ng baba niya sa kaniya. Hindi kasi maitatago na close din si Leon sa baba niya, madalas nga ay kinakampihan nito si Leon sa t'wing nag-aaway sila, ewan ba niya, hindi niya alam kung bakit mas naniniwala pa ito sa mga sinasabi ni Leon kaysa sa mga akusasyon niya na...tama naman at ngayon nga, kailangan niyang makuha ang proweba at ebidensya na may babae talagang kinahuhumalingan si Leon, at kailangan niya itong mahuli sa akto.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon