Kabanata 29

789 10 0
                                    

At his unit.

"Lara, kailangan kitang makausap."

"Leon? Bakit, anong sasabihin mo?"

"Lara, may problema."

"Problema?" bahagyang nangamba ito.

"Lara, si Angela..."

Hindi nagsalita si Lara sa oras na iyon, sa twing naririnig kasi niya ang pangalan ni Angela ay nagi-guilty siya. Pakiramdam kasi niya'y inagaw niya si Leon kay Angela.

"Lara...nahospital si Angela."

"Ha?!"

"Oo, nagbalak siyang magpakamatay..."

Nagulat si Lara sa sandaling iyon, hindi niya akalain na hahantong sa ganoong sitwasyon ang lahat.

"Kamusta siya? Okey na ba siya?" 

Umiling si Leon. "She is not."

"Ha? bakit?"

"Nalaman ng doktor na...nagdadalang-tao siya."

"Ano?!" 

Isang katahimikan ang pumagitna sa kanila.

"Kung...ganoon...hindi na ba matutuloy ang kasal natin?" malungkot na sambit ni Lara.

"Gusto ng mga magulang ni Angela na panagutan ko ang anak nila, pero pinaglaban ko na hindi ako papatali sa anak nila hangga't hindi ko nasisigurado na akin ang batang dinadala niya."

"Anong ibig mong sabihin Leon?"

"Kilala ko si Angela, tuso ang babaeng 'yon..."

Maging si Lara ay kinutuban na rin sa sandaling iyon. Balisa kasi si Leon sa oras na iyon at halatang may malalim na iniisip.

"Ganoon din ba ang mga magulang mo?"

Isang malungkot na tango lang ang ginawa ni Leon.

"They want me to marry Angela. All of them."

Napayuko si Lara sa sandaling iyon.

"Sundin mo sila, Leon. Kung 'yan ang makakabuti sa lahat..."

"Pero, hindi ko siya mahal, Lara. Ikaw ang mahal ko..."

Umiling si Lara sa sandaling iyon at mapait na ngumiti. "Alam ko."

"But, why you're saying this?"

"G-gusto kong matahimik ang lahat, Leon, we are not meant for each other. Hindi ka bagay sa gaya ko. Hindi tayo pareho..."

"No, hindi basehan ang bagay na 'yan, Lara."

"Leon...please. Gawin mo 'to....para sa akin."

"What are you saying, Lara? Are you gaving me up?"

It was a bittersweet moment. Isang tagpo kung saan hindi maitatanggi na mas pinili ni Lara ang kapakanan ni Leon, kaysa sa kaligayahan niya.

"Marry her." Iyon ang sambit ni Lara kasabay ng pagpatak ng kaniyang mumunting mga luha.

"No, I can't."

"Please, Leon."

That time, the room felt spacious loneliness between the two poor lovers.

---

Time went so fast and many things changed. Anim na buwan mula ng tagpong iyon ay kasabay rin na pumanaw ang ina ni Lara. Namayapa na ito sa kaniyang sakit. At dahil sa nangyari, hinanap si Lara ni Stephanie para doon na tumira sa mansion ng mga Villa Verde. Nasa pangangalaga siya ngayon ng kaniyang kapatid sa ina na si Stephanie at ng kanilang uncle Apolinario at auntie Nazarena. Sa una'y mapapansin na hindi maganda ang mga ugali nito, pero may malasakit naman ito sa dalawang dalaga.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon