Kabanata 38

728 11 0
                                    

"No, son. Ako ang patawarin mo..." Mahinang sambit ng matanda kay Leon.

Nagulat si Leon sa narinig. Hindi siya makapaniwala, na imbes na siya ang humingi ng patawad ay ang mismong ama pa niya ang nagsabi n'on. 

"Papa, naging pabaya akong anak..."

"No, Leon. You are not. Hindi ko lang nakita ang halaga mo noon, mas inuna ko ang mga pansariling kagustuhan ko, at ang kamalian mo lamang ang nakikita ko..." Kahabag-habag na sambit ng matanda.

Marahang tiningnan ni Leon nang malapitan ang mukha ng kaniyang ama. Ibang-iba ito kaysa noon, bakas sa mukha nito ang nahihirapang sitwasyon, at wala siya sa mga panahong dapat ay nandoon siya para alalayan ito.

"Halika sa veranda." 

"Sige po."

"Mabuti't naparito ka, kailangan nating mag-usap."

"Opo, gusto ko pong makabawi...I'm sorry papa, I've been not around for many years."

"It's not important, hijo. Ang importante'y nandito ka na..."

"Opo..."

"I missed you, Leon."

Napangiti si Leon saka marahang hinawakan ang kamay nito.

"Leon, nakausap ko si Lara..."

Nagulat si Leon sa narinig nito.

"Papa?"

"I talked to her, I asked her about the situation of our university, sa kaniya ko inoffer ang paaralan..."

"Ano na po ba ang nangyari sa school?"

"Malaki na ang nalugi, Leon. Hindi ko na mahawakan ng maayos, at alam kong kaunti na lang ang nalalabi ko sa mundong 'to, gusto ko nang magpahinga..."

"Please don't say that papa."

His father smirked at him, trying to reach his face.

"Ikaw ang paborito kong anak, Leon. Sa inyong tatlo, ikaw lang ang palagi kong iniisip, dahil nakikita ko ang sarili ko sa'yo. Ikaw ang palagi kong hinihigpitan noon dahil gusto kong mapareho ka sa akin, but I was wrong."

Hindi lingid sa kaalaman ni Leon na may dalawa pa siyang kapatid sa ibang babae ng kaniyang papa. Hindi niya na-meet ang mga ito dahil ayaw niyang malaman. Mas gusto rin niyang ibaon na sa limot ang katotohanan na hindi naging loyal ang kaniyang ama sa kaniyang ina.

"Leon...isang pabor lang ang gusto ko."

"Ano po 'yon, papa?"

"Gusto kong magsimula ka...magsimula ka sa pamilya mo. Pinagsisihan ko na ang mga nagawa kong kasalanan noon sa'yo, at kay Lara."

"Po?"

"I'm sorry. Nagkamali ako kay Lara, hindi siya pareho ng inaakala kong babae, I tried to pay her a large sum of money, but she refuse to take it. Sinabi niyang mahal na mahal ka niya, at hindi iyon matutumbasan ng pera ko. Kinausap ko siyang layuan ka niya noon dahil pinagbubuntis ni Angela ang inaakala kong anak mo, ang inaakala kong magiging apo ko...na siyang magiging tagapagmana ng ating ari-arian at susunod sa yapak natin, but, I was wrong."

Nagulat sa mga sinabi ng kaniyang papa si Leon. He didn't know any of it. Sa sandaling iyon ay mas lalong nag-alab ang damdamin ni Leon na makausap at makipagbalikan kay Lara.

"Ano ang nalalaman mo papa?"

"Leon, alam kong buntis si Lara noon...I'm sorry."

Napaawang si Leon sa sandaling iyon.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon