Kabanata 47

631 10 2
                                    

Katatapos lang nilang maglunch sa oras na iyon, nasa tabi ng railings si Leon habang hinihithit ang kaniyang sigarilyo. Nasa may lounge naman si Lara habang kinakausap si Coleen.

"Mommy, bakit po ba n'yo binunully si uncle?"

"No, baby. Hindi ko siya binubully..."

"Pero, you're so mean to him."

"I'm sorry if 'yan ang tingin mo baby, pero hindi ko naman siya inaaway."

"I hope na magbati na po kayo if may tampuhan po kayo, I can feel that uncle loves you so much, mommy."

Napakagat labi nalang si Lara sa oras na iyon dahil hindi siya nakapaghanda sa irereaksyon niya sa sinabi ni Coleen.

"By the way mommy, uncle told me na magboboat riding po tayo mamaya."

"Okay."

"Sige po mommy, doon po muna ako kay uncle." Sabi pa ni Coleen sabay takbo sa gawi ni Leon.

Tanaw ni Lara na masayang- masaya ang anak niya sa piling ni Leon. Hindi maitatago na ama nga niya ito dahil sa similarities ng mukha nila, pati na rin sa ugali. Tahimik lang siyang nakatanaw habang umiiwas ng tingin sa twing tumitingin si Leon sa gawi niya.

Samantala, sa kabilang banda. Kausap naman ni Leon si Coleen habang natatawa sa sinumbong nito.

"Uncle, sinabi ko na po kay mommy." Sabay ngiti nito.

"Very good."

"Thank you po."

"For that, may price ka sa akin mamaya."

"Talaga po?"

"Yes, you want me to buy ice cream?"

"Really? Opo opo..." sabi pa ng paslit na tumatalon-talon pa.

Nang tingnan ni Leon ang gawi ni Lara ay nahuli niya itong nakatingin sa kanila.

"Your mom is looking at us."

"Naku, ganiyan lang po talaga si mommy, uncle. Pasensya na po ha if minsan bully po si mommy sa'yo."

"No worries, baby."

Ngumiti ito sa lalaki, gayundin ang paghawak ni Leon sa ulo ng bata at ginulo ang buhok nito.

"Ahhh, not the hair, uncle." Reklamo pa nito pero nakangiti pa rin.

"Come on, libutin natin ang resort."

"Sige po, let's ride that one, sabay turo ni Coleen sa golf shuttle na nasa kalapit na gawi ng gulf area.

"Alright, isabay natin si mommy mo."

"Sige po," masayang tumalon talon ang paslit habang papalapit sa ina. Gayundin si Leon na sumunod lang sa bata.

"Mommy! Mommy! tara po, let's ride that one, libutin po natin ang resort." Excited na sambit ni Coleen.

"Hmmm, kayo na lang."

"Mommy naman e!"

"Don't be so naive, Lara. Ang KJ mo!" sabi pa ni Leon sa babae na agad namang ikinasimangot nito.

"KJ mong mukha mo..."

"Mommy?!" saway ni Coleen, sabay pinandilatan siya.

"Alright. Fine." Sagot niya sa dalawa, wala siyang nagawa kung di umayon, besides, kailangan din niyang makalanghap ng sariwang hangin. for a change!

"Great!" ani ni Leon na agad naman siyang kinarga.

"We-wait...dahan- dahan lang..." reklamo ni Lara na napahawak sa may leeg ng lalaki.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon