Kabanata 3

2.5K 29 0
                                    

Matapos ang usapang iyon, agad na kinausap ni Lara sina Veronica at Alana. Sakto naman dahil nang marating niya ang paborito nilang cafeteria ay nandoon na ang dalawa.

"Oh, ang tagal mo naman." Sabi ni Veronica.

"Kanina pa ba kayo?" Sabi ni Lara sa mga kaibigan.

"Sakto lang, mga ten minutes." Sagot naman ni Alana.

"Sorry, kasi naman natagalan ako doon sa comlab..." sabi pa ni Lara sabay lingon sa kaniyang likuran.

"O ba't parang may kung ano kang tinatakasan? May sumusunod ba sa'yo?" sabi pa ni Veronica kay Lara. Halatang nag-aalala ito.

"Ah, eh kasi ano..."  she paused a bit. Nagdadalawang-isip si Lara if sasabihin ba n'ya ang usapan nila ni Sir Leon.

"Naku, umupo ka na Lara, nag-order na ako ng food. Treat ko ngayon..." Sabi pa ni Alana sa kanila.

"It's a miracle. Anong nakain mo, Alana?" tudyo pa ni Veronica sa kaibigan.

"Wala naman, gusto ko lang manlibre, ikaw ba, Nica? Kailan mo kami ililibre?" sagot naman ni Alana rito. Nagsisimula na namang magburdagulan ang dalawa.

"Naku, baka 'pag puti ng uwak, Alana." Nakisali si Lara sa biruan nila.

Natawa sila sa sandaling iyon, sa kanilang tatlo kasi, si Veronica ang pinakakuripot.

"Nagsalita, hmmmp. Eh kasi naman, mas mabuting maging masinop no!" sabi pa nito sa dalawang sina Alana at Lara.

"Ang mahal na kaya ng bilihin ngayon!" dugtong pa nito.

"Ang sabihin mo, mas gumagastos ka sa boyfriend mo, naku." Sabi pa ni Alana kay Veronica.

"Nasagap ko na naman ang balita, binilhan mo raw ng motor si Joseph?" nagkibit-balikat si Alana  sa sandaling iyon.

"Ah, kasi naman...para may magamit din kami sa transportation..." depensa naman ni Veronica.

"Iyan ba ang bagong boyfriend mo, Nica?" Tanong ni Lara sa kaibigan.

"Oo."

"Ilang buwan pa nga kayo?" dugtong ni Lara sa pagtatanong.

"Mag-to-two months na..."

"Hoy, ikaw Nica, ah. Baka inuuto ka lang ng Joseph na 'yan!" sabat naman ni Alana sa sandaling iyon.

"Mahal ka ba talaga niya?" tanong ni Alana kay Veronica.

"Oo naman, tanggap niya ako."

"Okey fine. It's your choice, basta kapag ginago ka ng Joseph na 'yan, sabihin mo lang sa amin...para mabugbog naming dalawa ni Lara." sagot naman ni Alana sabay tawa.

"Mga sira talaga kayo!" nailing na lang si Veronica sa oras na iyon.

Nahinto ang usapan nila dahil dumating na ang order nila. Large size burger at fries, at tig-isang pineapple canned juice. Habang kumakain ay napag-usapan ulit nila si Sir Leon.

"Guys, alam n'yo, feeling ko lang ha, 'yang si sir Leon, chic-magnet. Ang lakas ng sex appeal, e." Anang Veronica.

"Sinabi mo pa!" umayon si Alana.

"Kamuntikan ngang mahulog ang panty ko kanina." Ngiti ni Alana saka tila nagde-daydreaming pa!

"Mga sira!" saway naman ni Lara sa dalawa sa oras na iyon.

"Eh, ikaw ba Lara, can't you find him interesting?" nguso ni Veronica kay Lara.

"Hindi ka ba nagu-gwapuhan kay sir?" dugtong pa nito. Natigilan si Lara dahil sumiksik sa isip niya ang mukha nito kanina sa library. Hindi tuloy siya mapakali.

I sold my Virginity to my Professor🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon