Chapter 42

779 30 4
                                    

Summer's p.o.v

"Sum, ikaw na muna bahala kay Mirah ah. May susunduin lang ako."

Paalam niya, nagtataka man ako pero di na ako nagtanong kung sino.

Nasa laboratory ngayon si Mirah para sa weekly check up niya.

Pumasok ako sa loob then saw her sitting while Dr. Mai is checking her eyes.

Naupo muna ako sa tabi habang nanunuod.

"How is she?"

I asked when she was done.

"She's already well, thanks to you."

Sabi niya saka ngumiti sakin.

"Kaso kailangan parin niyang mag therapy, from all that trauma... She said she's having nightmares."

Napatango naman ako saka tiningnan siya na nakaupo pa rin habang pinanunuod sa mga ginagawa nito sa harap niya.

"Okay, we're done." She said to her, then tapped Almirah's forehead.

Napangiti ako kasi parang bata lang na napahawak sa noo niya si Mirah saka na ito bumaba ng kama at pinagpag ang damit na nalukot nang dahil sa pag-upo niya.

Paborito niya talaga yang white na dress na suot niya.

Binili ko rin yan and I thought it would suit her at di naman ako nagkamali.

Nung una nahihiya siyang isuot kasi baka raw hindi bagay, pero napilitan rin nang dahil sa kakapilit ko.

"Here's your medication, anti-depressants and melatonin para makatulog ka ng maayos."

"Also you gonna have to meet me everyday for your therapy. Kapag natapos na tong problema na to saka na lang tayo kumuha ng mas makakatulong sayo pagdating sa bagay na yan."

"Di ka pa ba magaling sa lagay na yan doc?"

Pambobola ko sa kanya saka niya hinawi ang buhok ng nakangisi.

"Well...."
Sabi nito.

"Naku, sige na nga binobola mo pa ako."

Tumatawa ko na lang na inaya si Mirah palabas saka na kami nagpaalam.

As usual, tahimik pa rin naman siya. But unlike before hindi na sya nakatulala.

"You're having nightmares? Why didn't you tell me?"

I asked her out of nowhere nung nakarating na kami sa kwarto niya.

"Wala lang."

Sagot niya saka tumingin sa labas ng bintana.

Napahinga na lang ako ng malalim saka tumabi sa kanya sa kanyang kama.

I made sure I wasn't invading her personal space though, she can be sensitive to that.

"Pwede mong sabihin sakin ang lahat Mirah ah, pero kapag gusto mo na... Hindi kita pipilitin. Basta lagi lang akong handang makinig. "

Sabi ko.

Napatingin ako sa kamay niyang nakatukod sa kama saka dinikit sa hinliliit niyang daliri ang hinliliit ko ring daliri.

I just want to connect with her without me touching her whole body.

Napayuko rin siya saka napatingin sa daliri naming magkadikit.

She then tangled them together as if we're pinky swearing.

That simple gesture of her made me flutter, parang may mga paru-paro sa tiyan ko ngayon na dahilan para mapangiti ako.

Maya maya ay nagpaalam muna ako para maghanda ng lulutuin sa hapunan.

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon