Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Christian Kim)
Nagmadali akong bumaba ng kotse saka nakayukong pumasok ng bahay.
Sana wala siya sa sala.
Pagkapasok ko.
"Goodevening Sir Chris."
Bati ng katulong namin kaya naman sinenyasan ko siyang tumahimik.
Papaakyat na sana ako ng hagdan nang...
"Christian??"
Rinig kong tawag niya pero nanatili lang akong nakatalikod. Ano ba naman yan.
"Christian? Turn around kinakausap kita."
Ma awtoridad niyang sabi.
Alam kong magagalit siya kaya naman dahan dahan akong lumingon sa kanya.
Nakita ko ang pagsinghap niya nang makita ang mukha ko saka lumapit sa akin
"What the hell! Sino nanaman ba may gawa niyan sayo???"
She asked worriedly saka hinawakan ang mukha ko.
"Ahh.. o-okay lang ako ate.. Gas gas lang to."
"Gas gas!? Hindi to mukhang gasgas! Sino may gawa nito!?"
Kinuwento ko ang nangyari kay ate saka niya ako dinala sa kwarto ko saka sinimulang gamuti ang pasa ko.
"Hanggang kailan mo ba hahayaang ginaganyan ka nila? I'm so worried Chris. Bakit kasi ayaw mong sabihin sakin kung sino?"
Nag-aalala niyang sabi.
"Ate.. kapag pinatulan ko sila mas lalong lalaki ang gulo and I don't want that... tsaka isa pa.. kanina.."
Sabi ko.
"Ano??"
Tanong niya.
"I met someone... she was really cool. Tinulungan niya ako kanina ate. Kung nakita mo lang ate ang galing niya.. biruin mo natalo niya yung apat na ugok kanina.."
Excited kong kwento.
Napakunot noo naman siya.
"That's new... sino ba yan?"
She asked.
"Her name is Nicole.. Nicole De Guzman.. bago ko siyang classmate ate."
Sabi ko.
"She's a girl? and she actually kick those guys ass? How?"
Nagtataka niyang tanong.
Kaya napailing ako. Kasi ako namamangha.
"Yeah.. she's really cool. But you know what ate.."
Sabi ko.
"Hmm??"
Tanong niya.
"May something sa kanya ehh. Ewan ko lang... she's really mysterious.. and she's not like anyone."
Sabi ko.
"What do you mean??"
she asked.
"I mean she's very different."
Sabi ko.
"Kung sino man yan I have to thank her... but you. Please take of your self. Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganito ehh."
She said saka niya ako hinawakan sa pisngi.
"Ipapakilala ko siya sayo next time."
"Now can I please go change na? pawisan ako ehh."
Sabi ko.
"Ok... Pakiss si ate."
Palapit na sana siya pero tinulak ko siya.
"Ewww.. ayoko nga! shooo! labas!"
"Ito oh! sige na! aray!"
Sigaw niya habang tinutulak ko siya palabas saka ko sinara ang pinto.
Napailing na lang ako sa kakulitan niya.
Napahinga naman ako ng malalim saka naupong muli sa kama.
Bumalik muli ang isip ko kay ate Nicole. Nakakahanga talaga siya. Bakit kaya ang galing niya?
Tapos may ideyang pumasok sa isip ko saka ako naupo sa harap ng laptop ko at nag log in sa fb account ko.
Tinype ko ang pangalan niya at inisa isa ang mga resulta pero wala siya sa mga yun.