"What!? Seryoso kakilala ng kapatid mo!?"
Di rin makapaniwalang sigaw ni Stacy.
Kinuwento ko kasi sa kanila ni Ivory ang nangyari kahapon.
"Hold up.. how can you confirm that that's really her? Malay mo kamukha lang?"
Pagkontra ni Ivory.
"No I'm certain.. all I need is an evidence."
Sabi ko.
"Gosh nababaliw ka na talaga."
Natatawang sabi ni Stacy.
"Hey! kung ikaw ang nasa sitwasyon ganito din gagawin mo."
Sabi ko.
"But unfortunately I'm not.. hahahaha"
pang-aasar niya pa saka sila nag appear ni Ivory.
Napailing na lang ako sa kanila. Kailan ba ako susuportahan ng dalawang ito?
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkukuwentuhan nang dumating si Lena. Sa aming apat siya ang pinakawild and she's a lesbian by the way.
Kilala siya sa pagiging...errr.. f girl. Ang hirap sabihin.
We don't really understand how she turned out like that eh dati naman di siya ganun.
"Hi girls..."
Bati niya.
"Hi... Gay.."
Pang-aasar ni Ivory saka kami nagtawanan.
"Tss. get lost.."
Sabi naman ni Lena.
"Oh ba't ganto mukha nyan?"
Baling niya sakin.
"Haha.. she actually believes that she found her long lost life saver yesterday."
Sabi ni Stacy.
"Oh that mysterious gal you've been dreaming about? how come?"
Tanong niya.
Hinayaan ko na lang sina Stacy na magkwento dahil wala ako sa mood.
"Malay mo siya naman talaga yun. What can we do for ya?"
Tanong niya.
Nabuhayan naman ako saka napatingin sa kanya.
"Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Nakakakilabot."
Sabi niya saka ako tinampal.
"Awww..."
Sabi ko.
"Pero are you serious? tutulungan mo ako?"
Tanong ko.
"Mmmhmm.. we've been hearing it from you for five years now. Para matapos na rin yang kabaliwan mo."
Nagtawanan naman sila.
"Hmmp. Dyan na nga kayo."
Aalis na sana ako pero hinila ako ni Stacy pabalik sa table.
"To naman oh di mabiro."
Natatawa niyang sabi.
"But seriously we'll help you."
Sabi naman ni Ivory.
"Buti naman nang magkasilbi kayo."
Nakataas kilay kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."