Chapter 10

3.8K 158 3
                                    

A text was sent to me by my father saying that he sent someone para ibigay sakin yung mga nirequest kong gamit.

Nasa parking lot ako ngayon ng building na tinitirahan ko habang naghihintay dun sa ipinadala ni Papa.

A minute later at may humintong itim na sasakyan saka bumusina ng tatlong beses.

I walked over the car at bumukas ang bintana nito.

"Heya.."

Bati ng kapatid ko.

Bakit siya?

"What- why you??"

Tanong ko.

"Hey aren't you glad? Kuya mo pa naghatid ng mga to sayo."

Sabi niya habang nakangiti.

Inikot ko ang sasakyan saka ako pumasok at naupo sa passenger's seat.

"How are you?"

Tanong niya.

"I'm good. Ikaw."

Tanong ko.

"Boring ka pa ding kausap. Okay naman ako... I'm working hard so much para sa mga kompanya ni Dad overseas."

Sabi niya.

"Kuya... Alam mong hindi safe to. Next time call me.."

Sabi ko.

"You know I really hate this.. this you being Dad's secret weapon... Nag-aalala kami ni Mama sayo."

Natahimik lang ako.

"I've been doing this for seven years now.. at wala pang nangyayari sa akin."

Sabi ko.

"That's right! wala pa."

Kaagad niyang sagot.

"Kailangan ko nang umalis."

Sabi ko saka siya napailing.

"This is so clichè..."

Hindi na ako nagsalita saka na bumaba upang kunin ang mga gamit sa likuran ng kotse.

Bit bit ko ang mga yun saka naglakad papasok nang hindi man lang lumilingon.

Paglabas ko ng elevator ay nakasalubong ko nag kapit-bahay ko saka ngumiti sa akin.

Pumanhik ako sa aking silid saka nag-umpisang ayusin ang mga gamit.

Mga pekeng family picture at album. Mga figurines at iba pang mga display sa bahay.

Nang matapos ako ay naupo ako sa sofa saka nilatag ang baril ko upang ito ay linisan.

Napahinga ako ng malalim nang maalala ko yung gabing pumunta ako sa bahay ni Christian.

Hindi ko inaasahang ang kapatid niya pala ay yung parehong babae na nagpakilala sa akin noon sa resto.

Di ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko pamilyar siya sa akin.

Pero kagaya ng sinasabi ko. Hindi ako dapat magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa kanila.

I need to do something. Kailangan ko na silang iwasan sa lalong madaling panahon at sisimulan ko yun kay Christian. Para din naman ito sa ikabubuti nila.

Naalala ko may lakad pala ako ngayon kaya naman niligpit ko na ang mga gamit ko.

Tinungo ko ang kwarto ko saka hinanda ang damit na isusuot ko.

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon