Chapter 7

4.1K 166 0
                                    

Lumabas ako mula sa maliit kong kwarto saka ito nilock bago naglakad papunta sa isang lumang elevator.

Kahapon napagdesisyunan kong tumira muna sa isang apartment. Mas mabuti ito upang maiwasan ang pagdududa. Isa pa, yung batang yun. Sunod siya ng sunod, bigla bigla na lang sumusulpot mahirap na.

Naalala ko, paano ko kaya siya mailalayo sa akin?

Napahilot ako sa sentido ko nang maalala yun. Ang maliit na yun binibigyan ako ng sakit sa ulo.

Papalabas na ako ng building nang biglang sumulpot siya sa likuran ko kaya naman muntik na akong mapamura.

Kinukulit niya kasi ako khapon pa kung saan ako nakatira kaya ako napilitang kumuha ng apartment.

Tiningnan ko siya ng seryoso kaya natigilan siya.

"Hehe sabay ka na samin."

Yaya niya saka nauna sa akin.

Napahinga na lang talaga ako ng malalim. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganito kakulit na tao. Ni hindi man lang siya nasisindak sa mga tingin ko.

Sumakay ako ng kotse niya saka naman ako binati ng driver niya.

Tahimik lamang ako sa buong byahe habang panay ang kwento niya sa tabi ko.

Pagdating sa eskwelahan magkasabay kaming naglalakad.

"Ate.. pwede ba kitang imbitahan?"

Tanong niya.

"Uy ate.."

"Ate?"

"Ate Nicole?"

Napahinga nanaman ako ng malalim.

"Saan?"

Tanong ko.

Napangiti naman siya.

"Sa bahay namin ate. Dun ka na magdinner.. magluluto si ate."

Sabi niya saka ako napatitig sa kanya at lumapit sa kanya.

"Hindi mo pa ako gaanong kilala."

Sabi ko saka naglakad muli.

"Kaya nga iniimbitahan kita ehh para makilala kita ng mas maigi."

"Pupunta ka ate ha? ipapasundo kita mamaya."

Sabi niya saka na naunang maglakad sa akin.

Paano ko ba madidispatya ang isang to?


Habang nasa klase ay napapansin kong panay sulyap sa akin ang mayabang na lalaking yun.

Bilang parte ng misyon ko ay nilingon ko siya at ngumiti.

Noon nama'y ngumiti siya sa akin sabay kindat pa. Labag man sa loob ko pero ngumiti ako sa kanya.

Saka siya may ibinulong sa mga kasama niya na agad namang nagsitinginan sa akin.

Nang matapos ang klase.

"Mauna ka na sa cafeteria."

Utos ko kay Christian, siya nama'y tumango na lang at umalis na.

Kagaya ng inaasahan ko nakaabang na siya sa may pinto.

"Hi... I'm Felix."

Pagpapakilala niya.

Tumango naman ako at magsasalita na sana..

"Nicole.. ikaw si Nicole."

Hindi ba niya alam na weird yun kung sakali?

"You're really pretty.."

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon