Chapter 14

3.6K 175 10
                                    

After one week....


Kanina pa ako naglalakad at kanina ko pa ring nararamdaman na may sasakyang nakasunod sa akin.

Bobo ba to? ang obvious kaya niya.

Kaagad akong lumiko sa kalsadang walang tao at ilaw saka ako tumayo sa  gitna nito at inabangan ang sasakyang sumusunod sa akin.

Tila nagulat pa ito sa biglang pagsulpot ko kaya naman napabusina ito at biglang pumreno.

Naglakad ako papunta sa pinto ng driver saka ko ito kinatok.

Dahan-dahan itong bumukas at pawisang mukha ng isang lalaki ang bumungad sa akin.

"M-Maam napag-utusan lang po kami."

"Sino."

Tanong ko habang nakatitig sa kanya. .

"Si.. Si Maam Summer po."

Nang marinig ko ang pangalang yun ay kaagad akong napakunot noo.

"Bakit."

Tanong ko.

"H-Hindi po namin alam.. basta ang sabi niya dukutin raw po namin kayo kahit na anong mangyari at wag daw kaming babalik na hindi ka namin dala."

Iba din ang babaeng yun... kasalanan ko to ehh.

Kung di mo ba naman kasi hinalikan...

"Maam pakiusap.. sumama na lang po kayo.. sigurado kami sisisantehin kami nun kapag dumating kami na hindi ka dala." 

Dala? ano ako pasalubong?



"Totoo po yun Maam!"

Sigaw nung dalawang nasa bandang likuran.

"Buksan niyo."

Kaagad naman nila akong pinagbuksan saka nila ako tinali sa kamay.

Kailangan pa ba to?

"Pre, kailangan  pa ba yan?"

Tanong nung isa.

"Oo para kunwari kinidnap nga natin siya." 

Saan niya ba nakuha ang mga to?

Ilang minuto ang nakalipas at dumating kami sa lugar ngunit hindi ito yung bahay nila.

Mas tago ito at mas malaki. Mas mahigpit rin ang security dahil mula sa labas may mga nakita akong camera.

Bumukas ang malaking gate saka pumasok ang sasakyan.

Ipinarada nilo ito saka ako inalalayang makababa kahit na wala namang tali ang mga paa ko.

"Wag niyo akong hawakan."

Sabi ko kaya naman agad silang napabitaw.

"Tara."

Yaya nung isa saka kami naglakad.

Dinala nila ako sa isang malaking kwarto saka ako nila pinaupo sa isang upuan.


"Maghintay ka lang dito."

Sabi nung kalbo saka nila ako iniwan.


This is rediculous.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok siyang nakasuot parin ng school uniform nila.

"Anong kailangan mo."

Kaagad kong bungad pero parang wala siyang naririnig saka siya dumiretso sa harapan ko saka hinarang ang daliri niya sa mga labi ko.

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon