Ilang araw na akong wala sa sarili ko. Simula nung gabing dinukot- ay este pumunta ako sa bahay niya.
Hindi ko makalimutan ang nangyari. Sa buong buhay ko ilang beses na ba ako nakipaghalikan?
Maraming beses na pero bakit hindi mawala sa isip ko ang mga imaheng yun?
Tsaka bakit sa kanya? Kapwa ko pa babae.
Alam kong mali pero iba ang nararamdaman ko sa kanya at hindi ko ikakaila na gusto ko ang pakiramdam na to. Sa tuwing maaalala ko siya nag-iinit ang katawan ko. Pero hindi ba't tao lang din naman ako? may pangangailangan.
Napailing na lang ako sa sarili ko. Hindi naman kasi ako yung tipong nagpapadala sa bugso ng damdamin lalo na sa usaping sekswal.
Hinilot ko ang sentido ko saka ako nagpasyang tumayo na. Sa tingin ko kailangan ko munang magpalipas ng oras kaya naman nagpasya akong umuwi muna dito sa tunay kong bahay.
Naupo ako at ipinuwesto ang mga binti ko saka ako nagsimulang magmeditate.
Huminga ako ng malalim saka ko pinakalma ang tibok ng puso ko.
Nagtagal ako sa ganung posisyon ng mahigit isang oras hanggang sa naramdaman kong kumalma na ang buo kong pagkatao.
Matapos yun ay nagpasya na akong bumalik. Dalawang araw na kasi akong nandito.
Makalipas ang ilang oras narito na ako sa eskwelahan. Plano kong hanapin ngayon si Felix upang simulan na ang paghunting ko. Hindi na ako maaaring magpabagal bagal pa.
Sukbit ko ang bag ko habang taas noong naglalakad habang pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Sinadya ko kasing magsuot ng medyo sexy ngayon. Syempre upang masiguradong di niya ako matatanggihan.
Papunta na ako ngayon sa room kung saan nasabi ni Felix na madalas silang nakatambay.
Nasa dulo ang kwartong yun at dating stock room pero dahil anak siya ng Presidente ng eskwelahan hiningi niya upang gawing tambayan.
Habang tinatanaw ko ang pinto ng kwarto ay hinahanda ko na ang sarili ko upang harapin siya nang biglang sumulpot galing sa kung saan si Stacy.
"Nicole! Hi! Sum! look si Nicole!!"
SHIT.
Nakasunod sa kanya sina Summer na pagkakita ako ay kaagad na napakagat ng labi niya habang pinagmamasdan ang suot ko.
Bakit ngayon pa?
Lumapit sila sakin habang ako ay napahinga ng malalim habang tinatanaw ko ang pinto ng kwartong pupuntahan ko sana.
"Ba't ka napadpad dito?"
Tanong ni Ivory.
Kahit na naiirita ako ay sumagot parin ako.
"Wala lang.."
Sagot ko.
Di man ako nakatingin sa kanya pero kita ko sa gilid ng mata kong nakatitig siya.
"Nics?"
Rinig kong tawag sakin ni Felix na nasa likuran ko.
"Felix."
Tawag ko rin.
"Magkakilala kayo Felix?"
Tanong ni Lena.
"Yeah.. she's my special friend. Nga pala ba't nandito ka?"
Baling niya sakin habang titig na titig sakin.
"Hinahanap kita."
Sagot ko.
"Ganun ba? papunta na sana ako dun sa area namin eh. Sama ka?"
Tanong niya saka ako tumango.
Bago umalis ay di nakatakas sakin ang nakakamatay niyang tingin. Lalo na sa braso ni Felix na nakaakbay sakin.
Hanggang sa makapasok kami ng kwarto ay di maalis sa utak ko ang masamang titig niya.
Pinagdarasal kong wag na sana kaming magkita dahil alam kong hindi niya palalagpasin to.
Pagkapasok namin ay bumungad sa akin ang malahotel na kwarto. May kama at mga furnitures.
Parang bahay na ito at kaagad namang bumati sa amin ang mga kaibigan niya nakatambay.
"Bakit mo nga pala ako gustong makita?"
Tanong niya nang maupo kami sa kabilang parte ng kwarto kung saang may nakatabing na kurtina.
"Wala lang.. gusto ko lang kasi ng makakausap."
Kunwari malungkot kong sabi.
"Bakit anong problema?"
Kaagad niyang tanong saka umakbay sa akin.
"Problema lang sa bahay... nalulungkot ako."
Sabi ko saka ako humikbi. Mukha namang gumana ang ginawa ko dahil kaagad niya akong niyakap saka ako pinatahan.
"Gusto ko lang sanang makalimot... Sana matulungan mo ako."
Sabi ko habang umiiyak parin.
"May alam akong paraan..."
Bulong niya...
Makalipas ang ilang minuto hawak ko na ang iilang piraso ng droga na nakabalot sa isang plastik. Inilagay niya ito sa palad ko at sinabing ito ang sagot sa problema ko.
"Kung sa iba mahal yan... pero dahil espesyal ka sakin libre lang."
Nakangiti niyang sabi saka naupo sa tabi ko.
Noo'y inakbayan niya akong muli. Mas lalo akong lumapit saka ako bumaling sa kanya saka ko nilaro laro ang butones ng damit niya.
"Kung ganun pwede rin pala itong pagkakitaan?"
Inosente kong tanong saka siya tumango.
"Oo.. ang totoo maraming nakikinabang.. kadalasan yung mga estudyanteng walang wala."
Sabi niya habang nakatitig sakin. Alam kong nagpipigil pa siya.
"Talaga? kung ganun pwede rin ako?"
Tanong ko.
Napakunot noo siya saka nagsalita.
"Hindi madali ang trabaho.. kailangan ng matinding ingat. Tsaka.. hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ka ba."
Sabi niya.
"Ganun ba? sayang naman... Namomroblema din kasi ako sa pangtuition ko rito."
Sabi ko saka ko binawi ang kamay ko.
"P-Pero pwede naman.. pero bago yun kailangan muna kitang turuan."
Ang dali ng lalaking to.
"Talaga?? Thank you..."
Sabi ko saka siya hinalikan.
Sinasabi ko naman sa inyo kahit kailan hindi pa ako nabigo.

BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."